Napayakap nalang si Ayumi sa mga tuhod niya nang makapasok sa kwarto ng tutuluyan niya.
Kasalukuyan siyang nasa paanan ng kama at nakasandal lang doon habang yakap ang dalawa niyang tuhod.
Napabuntong hininga siya at umalis sa pagkakayakap sa tuhod niya.
"I hate this" walang emosyon na turan niya.
"Too bad for you."
Napaangat siya ng tingin nang marinig ang pamilyar na boses na iyon.
"P-Primus..." bigkas niya sa pangalan ng bagong dating.
Nakasandal ito sa hamba ng nakabukas na pinto ng kwarto niya habang nakakrus ang mga braso nito.
"Paano mo nabuksan ang pinto?" takhang tanong niya rito.
Sa pagkakaalala niya ay ni-lock niya ang pinto ng kwarto niya.
Sumilay ang ngisi sa labi nito at kapwa nanlaki ang mga mata nya nang sa isang kisap mata ay nasa harapan niya na ito.
"Y-you—"
Hindi na niya natapos pa ang sasabihin nang mabilis siya nitong naihiga sa malambot na kama habang tila hayok na inaamoy ang leeg niya.
"Your blood makes me dizzy" ani nito habang patuloy sa ginagawa.
"Stop!" saway niya rito.
Inangat nito ang mukha nito kaya nagsalubong ang tingin nilang dalawa.
Napalunok siya nang mas tumingkad ang pagkakapula ng mga mata nito.
BINABASA MO ANG
The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)
VampireIsang babaeng nagngangalang Ayumi ang napadpad sa mansion ng mga Carson. Marami ang mga tanong sa kanyang isipan kung bakit siya duon ipinagkatiwala ng kanyang mga magulang. Tama nga bang napadpad siya sa lahi ng ito? O isa iyong tadhana? All Rights...