CHAPTER 31

572 20 0
                                    

Abala si Ayumi sa mga dokumentong nakalap niya.




Pinagsama-sama nila nina Sayaka at Leraia ang mga nakalap nilang impormasyon at pinakita iyon sa magkakapatid na Carson at kina Athan.




Hindi na siya nagtaka nang naroon rin si Mari kasama ang dalawa nitong kaibigan.




Kasalukuyang inaayos ang eskwelahan nila sa tulong na rin ni Leraia kaya minabuti na walang klase.




"Seems like we are all here" panimula niya.




Dumako ang tingin ng lahat sa kanya nang magsimula siyang magsalita.




Lahat ay nakatingin sa malaking white board na nasa likuran niya.




Sinusuot niya pa rin ang singsing niya para hindi malaman ng iba habang tikom naman ang bibig ng mga estudyante tungkol sa totong katauhan niya.




"Remember noong pinagpaalam ako ni Leraia sa inyo?" paunang tanong niya.




Tumango ang magkakapatid na Carson bilang sagot.




"That day, we went to a place where we found something that is forbidden to use" ani niya.




"Forbidden to use?" nakakunot ang noong tanong sa kanya ni Athan.




Tumango si Sayaka at ito ang sumagot.




"Isa itong sangkap na nakapagbabago ng katauhan ng isang nilalang" sagot nito.




"Nang paalis na kami sa lugar na iyon ay bigla nalang nagsilitawan ang mga nilalang na tila hindi perpekto ang pagkabuo" ani naman ni Leraia.




"Nasa sagradong lugar ang sangkap na iyon at sinigurado ko na walang ibang makakaalam tungkol sa bagay na iyon" dagdag pa niya.

The Sweetest Blood Bank (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon