Chapter 2

170 11 7
                                    

VIOLET’S POV.

It's 8 in the morning. pumasok na ako sa comfort room para gawin ang routine.

Sabay sabay kaming kakain ngayon. ang kaibahan lang si ate val nasa pinaka dulong table, bali dalawang upuan mula sakanya.

Hindi kasi siya masyadong malapit sa amin at naiintindihan ko ’yon, namin nila Vida.

Except with Venus. Minsan nag-aaway yung dalawa na ’yan parang akala mo end of the world na ibang level na kasi ang away nila even sa small things lang. hindi talaga siya minsan, araw araw.

Nakaka-stress sila pareho, si ate val minsan hindi siya maka-ganti dahil ayaw niyang hinahawakan siya kahit kaming mga kapatid niya pa. hindi ba?

Sa totoo lang, wala kami masyadong maids. May isang taga luto, taga laba ng clothes or something. taga plantsa. taga ayos ng plants sa garden, taga linis na rin ng house dalawa. that's it.

May isa pa’kong sasabihin, alam niyo bang may alaga kaming lion dahil mga alaga ’yon ni ate val. protector niya ata. Hindi nga kaming apat masyadong makalapit doon eh.

But anyway, ako naman may ahas. ahas na kaibigan charot. Ako hayop lang, mga kaibigan joke ulit. wala naman akong masyadong kaibigan. Isa lang ang pinagkatiwalaan ko.

Si Charity. she's my bestfriend since bata pa ako. kaming limang magkakapatid, isa lang talaga ang totoo naming mga kaibigan.

Si Ate Val, she had monique.
Vida may Francine.
Veada may Chloe.
And also Venus merong benj.

Umupo na ako matapos kong makitang complete na sila sa hapag-kainan.

Bali ganito pwesto namin.

                        Ako | Venus.
Ate Val.
                        Vida | Veada.

O, hindi ba? Anlayo. sanay na kami okay.

“Pwede ba kayong umurong dito?” lumingon kami sabay sabay kay ate val.

“W-what?” sabay na sabi naming tatlo nila Vida.

“I said, pwede ba kayong umurong dito? pwede ba kayong tumabi dito.” sabi nito, biglang nagliwanag mga mukha namin except kay Venus.

“But, ayaw mong hinahawakan ka hindi ba?” i said.

“Just don't touch me. dito kayo sa tabi pero huwag niyo lang akong hahawakan.” matapos niyang sabihin ’yon bigla kaming lumipat nila Vida.

Like, omg. how many years na ba kaming ganito?! tapos magugulat nalang kami ganito. omg.

“What? Bakit kayo ganyan makatingin?” she said kaya napahinto kami sa pagtitig sakanya.

“Uhm, nothing. just curious. Anong kinain mo sister?” sabi naman ni vea.

“What do you think?” Ate Val asked her. “Nevermind, let's eat nalang.” she added.

May something talaga. siguro nga may something talaga. aish, nevermind.

After naming kumain. Pumunta kami sa may sala dahil first day ngayon ng mga kinuhang taga-bantay sa amin.

I wonder who they are. mabait kaya sila, sana atsaka yung sa akin sana mabait kasi kung hindi. baka mamaya mapatay ko ’yon kapag sinungitan ako. charot.

Umupo ako sa tabi ng ate val, nasa gitna namin siyang lima. kaharap namin yung isang upuan para don sa apat na lieutenant.

“Mam Valentina, they are here na po. papasukin ko na ho ba?” tanong ng isang guard namin.

Tumango si Ate Val, “Yes. Please. Thank you,” wait.

Totoo ba yung narinig namin? Nagpa-salamat si Ate? sabay sabay kaming apat na tumingin kay Ate Val. Gosh!!

Tinaasan niya kami ng kilay, “What? Hindi na ba pwedeng magpa-salamat?”

Umiling-iling nalang ako dahil baka mamaya magbago pa isip nito at bawiin ’yon.

Napatingin kaming lahat sa apat na lalaking pumasok. woah! they're so handsome.

Dalawang maliit at dalawang matangkad. mukhang close silang apat dahil na rin pare-parehas sila ng damit. Oo, judgemental ako bakit?

“Goodmorning, Matisze sisters.” sabay na sabay nilang sabi.

Sabay naman kaming apat tumayo except kay Ate Valentina na nakaupo pa rin.

“Umupo na kayo. Buenas diaz.” Ate Val said.

Umupo na rin kaming apat dahil baka magalit pa sa amin si ate val kung hindi kami uupo.

“So, sila ang napili mo Val?” kahit kailan talaga Venus.

“Yes, sila nga. Naka assigned na sila kung sino sa inyong apat ang babantayan nila, alam na rin nila kung sino kayo. mukhang mababait naman pero once na break niyo ang rules sa mga kapatid ko, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo.”

Kita ko namang napalunok ang dalawang maliit, gusto kong tumawa pero hindi ko magawa.

“Kidding. Hindi ko gagawin ’yon. Pero once talaga na napahamak ang mga kapatid ko asahan niyo ang pwedeng mangyari sainyo,” Ate Val warned them.

“Yes, Mam!” sabay ulit nung apat.

“Nasaan ang pinaka head sainyo?” Vea asked.

“Uhm, si Sir Rage po? Wala ho siya eh.” sabi nung isa.

“Can you introduce yourself? Para naman malaman namin kung sino kayo.” Vida said.

Unang tumayo yung nasa kanan yung sumagot sa katanungan ni Veada. “I’m Sergeant Rafael Santiago. I’m assigned to guide your sister, Veada Chanel Matisze.”

Mukhang makaka-sundo ito ni Vea dahil mukhang mabait siya.

“I am Stanley Cortez, assigned po ako kay Ms. Violet Czanei Matisze.” sabay tingin niya sa akin. He's good.

I hope maka-sundo ko siya. Sana mabait. First impression ko sakanya siguro funny.

“Ako naman si Lieutenant Gideon Buenaventura, assigned akong bantayan at pangalagaan ang pangalawa sa Matisze sisters na si Ms. Vida Cascielle Matisze.” haba naman ng intro nitong matangkad.

Kita kong napangiti ng patago si Vida, ay feeling ko may crush siya dito. ayie.

Sunod na nag pakilala ang lalaking nasa harapan ni Venus. “Lieutenant Wade Andrade. I’m assigned to guide and protect your youngest sister, Venus Cyxyza Matisze.”

“Oh, good. Thank you for introducing yourselves.” ate val said.

“What about you, ate val?” Veada asked ate val.

“Not—” napatigil si ate val sa sabihin niya ng magsalita yung isa na si Rafael.

“Hindi na po kailangan may nagbabantay na sakanya.” siniko naman siya ni Stanley. “Ah, oo kami po. isa rin kami sa magbabantay sa panganay niyo po.”

“May iba pa ba sainyo? i mean, bukod sa inyong apat. may kaibigan pa ba kayo na mas mataas sa rank niyo,” Venus said.

“Ah, yes po. Mas mataas pa sa amin. mas mataas po sa kung sino. at one of the most powerful.”

Tumaas ang kilay ni ate ng banggitin ‘yon ni Wade. “Really? Mas powerful pa sa akin?”

Oh goodness. Paktay.

Biglang tumunog ang phone ni ate val. may message ata. Nagulat siya ng mabasa niya ‘yon. Lumingon siya sa buong bahay. Anong nangyayari?

“Ate, what happened?” Vida asked.

“Uy, teh! Okay ka lang?” sabi ko naman.

“May nangyari ba?” Veada.

Tumingin siya sa apat na lalaking nasa harapan namin. “Siya ba ‘yong nag-message sa akin? he's watching me?”

Nag-taka naman kaming apat. Who??

Sino ’yon? Sino yung tinutukoy ni ate Val?.

Mysterious LadiesWhere stories live. Discover now