Chapter 4

71 11 2
                                    

Venus.

I was in the middle of my night routine nang bigla akong makarinig ng ingay sa baba. Wth? Anong oras na nagiingay pa rin sila Veada. Goodness gracious.

Imbes na nag night routine ako bumaba na lang ako para patahimikin ang ingay sa baba. Pero pag baba ko wala namang tao? the hvck. napatingin ako sa ibaba nang hagdan. May tao. dahan dahan akong bumaba.

Lumapit ako saka 'to tinignan- it was Valentina. Napatingin siya sa akin. “What are you doing here, Venus?,”

“Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan? What are you doing here?,” tanong ko pero nakatuon ang attention niya doon sa tinitignan niya kanina pa.

“Wag ka maingay. i think someone is here parang may nakapasok? Tulog na ba sina Violet?”

I nodded.

Wala naman akong narinig na ingay sa mga kwarto nila, i bet, tulog na sila. And also nung pagbaba ko alam kong hindi sila Vida ‘yon. Alam ko naman kung magiingay sila eh, maririnig namin ang mga tawanan no'n gaya nung isang gabi, jusmiyo.

“oh creep. they're here!,” she said habang nakatingin do'n. aba malay ko rito, bigla bigla na lang nagsa-salita. hindi na ako magugulat kung bigla bigla nalang siyang sisigaw pero sino? sinong sila?

Napalapit naman ako kay Valentina pero hindi ko siya hinawakan dahil nga ayaw naman niyang hinahawakan siya. tumabi ako at tinignan din ’to. Nagulat pa nga ako dahil medyo marami sila ng kaunti, wow. marami na kaunti meron ba no'n?

Who are they? Anong gusto nila sa bahay na ’to? magnanakaw ba sila, pero masyadong obvious kung gano'n. hindi naman masyadong naglilikha ng ingay ang magnanakaw, ’tong mga ito parang mga tanga lang. Nagaaway away pa sa kung anong gagawin. Mahirap ka grupo ang mga ’to panigurado ako.

“Ano ang ginagawa nila sa bahay natin?,” mahinang tanong ko kay Val, tumingin siya sa akin, “hindi ko alam,”

Napatingin uli kami nang biglang nawala yung anim na tao. sabay kaming lumingon sa hagdan, umaakyat sila. nyeta, mga kapatid ko.

“Sina Vida on ba ay magkakasama sa isang kwarto?,” tanong niya. Kailan pa siya nagkaroon ng pake sa amin? “Just answer my damn question, Venus”

Magsasalita na ako nang bigla akong hinila ni Valentina pero naka gloves siya. Shooo! But this is the first time (again) na hawakan niya ako after so many years. She's ridiculous.

Umakyat kami nang dahan dahan. Mamaya kasi may hawak na mga patalim yung anim na ‘yon. At lima lang kami dito pero kung tutuusin kaya namin sila pero dalawa na nga lang dahil tulog na ata 'yong tatlo.

Nang makaakyat kami. Biglang may humawak sa akin at pinasok kami sa isang kwarto. Hawak pa rin kasi ako ni Valentina kaya naisama ko siya sa loob ng kwarto. shit. magagalit nanaman siguro ’to pero hindi ako ang humila okay!

“Fvck! Venus!” sigaw pero mahinahon ni Val. tumingin siya sa likod ko. “It's not me!”

“Vida? Veada? Violet?” lumingon naman ako dahil narinig kong tinawag niya sina Violet.

“Gising kayo?” tumango naman silang tatlo, malamang Venus. mahihila at makakausap mo ba sila kung tulog? gaga ka rin eh.

“We heard some noise kaya nagpunta kami dito sa kabilang kwarto para mag tago. Ni-lock namin 'yong mga kwarto natin. At nandon naman sila sa isang kwarto,” wika ni Violet. napatingin naman sila sa kamay na naka hawak sa akin. kamay ni Valentina pero naka gloves ’to.

Magsasalita na sana si Vida nang makarinig kami ng mga sigawan. Lumapit kami at pinakinggan ’to. Magnanakaw ba ’to? pero bakit ang iingay, parang mga sira.

Mysterious LadiesWhere stories live. Discover now