4) Bazooka Joe

1.7K 95 27
                                    

Kabanata 4 - Bazooka Joe

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 4 - Bazooka Joe

Hinihintay namin nina Gil at Teresa na lumabas si Simeon sa kaniyang kwarto dahil hindi pa ito tapos magbihis. Inalok kami ni Mama Rosalinda na kumain ng pandesal ngunit tumanggi kami dahil kakatapos lang din naming mag-almusal at mabigat pa ang aming mga tiyan.

Unang araw ng pagiging third year hayskul namin at sobra kaming nasasabik na pumasok sa eskwelahan. Nasasabik dahil sa baong pera, makakagala na muli kami sa kung saan-saang lugar, at higit sa lahat ay makakasama namin si Simeon sa pagpasok sa eskwela.

Napalingon kami kay Simeon nang lumabas ito sa kaniyang kwarto. Napangiti kaming tatlo sa kaniya dahil suot na nito ang uniporme at isa na talaga siyang ganap na Rizalian. Rizalians ang tawag sa mga estudyanteng nag-aaral sa Rizal High School.

Ang itsura ng uniporme para sa mga kababaihan ay kulay puting blusa, neck tie at palda na may pattern na buffalo plaid at may mga kulay na pula at puti samantalang puting polo at kulay brown na slack na hanggang bukong-bukong ang para naman sa mga kalalakihan.

Agad kaming nagtungong apat sa sakayan ng jeep. Mabuti na lamang ay agad kaming nakasakay. Tabi-tabi kaming apat na nakaupo sa loob ng jeep at pinagtatawanan ako ng tatlong tukmol dahil ako ang naging taga-abot ng bayad ng mga pasahero. Ayaw kasing mag-abot ng pamasahe ng lalaking nasa harapan ko at nagtutulog-tulogan pa ito. 

Wala pang kinse minutos ay narating na namin ang Rizal High School. May iilang mga estudyante ang hindi pa pumapasok dahil ang iba sa kanila ay may hinihintay, ang iba naman ay inuubos pa nila ang kanilang kinakaing taho, at ang iba naman ay naghahanap ng away.

Nakangangang sinusuyod ni Simeon ang buong paligid dahil hindi niya akalain na maraming estudyante ang pumapasok sa Rizal High School. Sa kanilang probinsya kasi ay hindi aabot ng trentang estudyanteng hayskul ang pumapasok sa kanilang eskwelahan samantalang sa Rizal High School ay libo-libong estudyante ang pumapasok.

"Simeon, kailangan mo ng sanayin ang sarili mo na makipagsiksikan" payo ni Gil habang nakaakbay ito kay Simeon na nahihirapang makipagsiksikan.

"Lalo na pag-uwian, maraming estudyante ang lumalabas. Akala mo ay laging may People Power sa daan!" ani ni Teresa. Hindi malaman ni Simeon kung kakabahan ba siya sa mga sinasabi ng mga ito.

Agad kaming pumila nang makapasok kaming apat. May mga estudyante rin ang nakapila na at inaabangan na mag-umpisa ang flag ceremony. Kinakalikot ko ang bulsa ng aking palda nang may nakapa akong apat na Bazooka Bubble Gum. Binigyan ko sila ng tig-isa at masaya naman nila itong tinanggap.

Paborito naming apat ang Bazooka Bubble Gum dahil ang waxed paper na nakabalot sa kulay pink na bubble gum ay mayroong comic strip. Ang bida rito ay si Bazooka Joe na mayroong suot na baseball cap at eye patch. Sikat na sikat ang Bazooka Bubble Gum sa mga bata at pati na rin sa mga dalaga at binata. Nagtatalon pa kami sa tuwa nang malaman namin na hindi magkakaparehas ang comic strip na hawak namin dahil kapag natapos naming basahin ang hawak naming comic strip ay magpapalitan kami.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon