Chapter 28: Draco

44 8 1
                                    

Kinabukasan ay maaga ako muli nag tungo sa mental upang abangan sa labas si Draco at ang makakatulong na lawyer sa kaso ni Damon. Alas syete palang ng umaga ay naruruon na ako sa labas, nakatayo at nag hihintay sa pag dating nila Draco.

Huminga ako ng malalim saka ininom ang mainit na kape na nabili ko sa tyange malapit dito sa mental, muli kong nilibot ang tingin. Mahigit kalahating minuto na ako nag hihintay sa kanila, wala namang sinabi si Draco kung anong oras siya pupunta pero sigurado ako na dadating siya.

"Ma'am, may hinihintay po ba kayo?" Napatingin ako kay kuyang guard na biglang sumulpot sa likod ko, tumango ako bilang sagot.

"Sa waiting shed nalang po kayo mag hintay, makakaupo ka pa po roon." Sabi niya pero umiling ako.

"Okay na po ako dito kuyang guard, baka kase hindi ako makita ng hinihintay ko."sabi ko, tumango sya.

"Sige po ma'am, basta po pag nangawit po kayo kakahintay umupo nalang po muna kayo roon."sabi nya kaya tumango ako at muling hinigop ang hawak kong kape.

Nag dadalawang isip ako kung puntahan ko muna kaya si Damon habang wala pa si Draco o mamaya nalang, sa palagay ko kase ay tulog pa si Damon sa mga ganitong oras, ayoko namang maabala sya at magising para lang may makausap ako habang hinihintay si Draco.

Si Gazer at Havacco naman ay mamaya pa pupunta dito mga 9 AM, may gagawin pa raw kase sila.

"Erelah." Napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan at napangiti ng makita ko si Draco na kakalabas lang sa sasakyan niya, kasunod naman ang isang babae na maputi at naka formal attire, kasing edad lamang ata siya ni Draco.

"Magandang umaga." Bati ko.

"Good morning, kanina ka pa ba dito?"tanong niya, umiling ako saka napangiti.

"Okay, anyways siya nga pala yung sinasabi ko sayo na makakatulong sa kaibigan mo." Sabi niya saka tinuro yung babaeng nasa tabi niya.

"Mielda Afuertez." Pakilala ng babae saka nilahad ang kamay niya sa harap ko, agad naman akong nag punas ng kamay sa damit ko saka tinanggap ang pakikipag kamay niya.

"Erelah." Pakilala ko saka ngumiti sa kanya.

"Nasa loob yung kaibigan ko." Sabi ko ng maibaba ko na ang kamay ko, tumango silang dalawa saka naunang mag lakad si Mielda.

Sunod si Draco kaya naman nag simula narin akong mag lakad, tinapon ko muna yung hawak kong baso ng kape saka sumunod sa kanila sa loob. Pag pasok ko ay nakita ko si Mielda na may kinakausap sa front desk.

Dahan dahan akong lumapit sa kanila saka nakinig sa usapan.

"May pasyente ka dito? "Tanong ng lalaking nasa front desk, umiling si Mielda habang nakangiti.

"Nope, may tinutulongan lang."sagot niya.

"Ohhh, i see. Anyways ang tagal mong nawala ah, abogado ka na ba?" Tanong ng lalaki kay Mielda, so ibig sabihin ay dating nag tatrabaho dito si Mielda? Ang galing.

"Oum." Maikling sagot ni Mielda bago tignan ang kakalapag lang na papers ng lalaki sa harap niya.

Sinilip ko ang papers na iyon at nakitang mga papers yun ni Damon, lumingon ako kay Draco na nasa tabi.

"Magkano pala ang babayaran ko kung sakali?"tanong ko sa kanya, natawa lang si Draco saka umiling.

"Naah, ako na ang bahala sa lahat." Sabi niya kaya napaawang ang labi ko.

"Ano? Hindi pwede, dapat ay--"

"Tulong ko na 'to, isipin mo ito na yung kapalit ng ginawa mong tulong sa akin noon."sabi niya kaya napangiti ako.

"Nakakahiya, pero salamat." Sabi ko kaya napangiti siya.

"Tara na." Napatingin kami kay Mielda ng mag salita siya, hawak niya ang papers ni Damon.

"Gusto kong makausap ang kaibigan mo."sabi niya habang naka ngiti sa akin, tumango ako saka sumunod sa kanila sa pag lalakad, may nag guide na isang helper sa amin para mag tungo sa visitors area.

Tahimik naming hinintay si Damon, ilang minuto ang lumipas ng mapansin kong tumakbo yung helper palapit sa isang guard na nag babantay malapit sa amin, kumunot ang nuo ko dahil sya yung helper ni Damon.

"Kuya anong nang--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapatingin ako sa dereksyon kung saan nanggaling yung helper, mula sa gitna ng pasilyo nakatayo si Damon habang hawak hawak ang isang baril at nakatutok iyon sa kanyang ulo.

"Damon!" Sigaw ko at akmang lalapit sa kanya ng pigilan ako ng mga gwardya.

"Damon ibaba mo yan!"sigaw ko at mag pumiglas sa mga pumipigil sa akin.

"Damon ano ba!" Napatingin sa gawi ko si Damon, nakita ko ang pag babago sa kanyang mata, natigilan siya habang nakatingin sa akin.

Patuloy sa pag agos ang aking luha habang nag pupumiglas sa mga naka hawak sa akin na helper. Pinipigilan nilang puntahan ko si Damon.

"Damon... Ibaba mo yan, pakiusap." Umiiyak kong sabi sa kanya, nakita ko ang pag lunok niya ng kanyang laway habang nakatingin sa akin.

"Erelah." Mahinang sabi nya saka dahan dahang binaba ang baril na hawak niya. Nilapag niya yun sa sahig saka sinipa palapit sa guard ang baril, itinaas niya ang kanyang kamay sa ere saka muling tumingin sa akin.

"Damon..." Umiiyak kong tawag sa kanyang pangalan.

"Sorry." Yan lang ang lumabas sa kanyang bibig bago siya lapitan ng ilang mga helper, nilagyan nila ng posas ang kamay ni Damon bagay na kinainis ko, agad akong kumawala sa mga naka hawak saakin saka tumakbo palapit kay Damon para yakapin siya.

"Ano bang ginagawa mo." Umiiyak kong tanong habang yakap siya. "Ano bang iniisip mo Damon? Talaga bang gusto mo ng mamatay?"inis na tanong ko habang yakap yakap siya.

"Sorry." Yan lang ang sinabi niya.

"Nakakainis ka na, bakit ba gustong gusto mong mawala? Damon nangako ka sa akin na tutuparin mo ang pangako mo na lalabas ka dito." Umiiyak kong sabi saka tinignan siya.

"Umaasa ako na tutuparin mo yon Damon, may tiwala ako na tutuparin mo yon." Sabi ko, pinunasan niya ang luhang tumulo sa aking pisngi kahit na naka posas siya. Ngumiti siya sa akin, isang malungkot na ngiti.

"Sorry, pero hindi ko alam kung matutupad ko ba ang pangako ko o hindi." Sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko, umiling ako saka muli siyang niyakap.

"Hindi mo naman ako iiwan hindi ba?"tanong ko, hindi siya sumagot, sa halip ay huminga lamang siya ng malalim.

Kumalas ako sa pag kakayakap saka tumingin sa kanya.

"Pakidala nalang ako sa kwarto ko, kung sino man ang gustong kumausap sa akin pakisamahan nalang siya sa kwarto."sabi niya sa helper na nasa tabi niya saka nag simulang mag lakad, parang nadurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya na nag lalakad palayo.

"Chai..." Dahan dahan akong napatingin sa katabi ko, si Draco, binanggit niya ang pangalan ng host sa katawan ni Damon.

Nakatingin din siya kay Damon na nag lalakad palayo.

"Kilala mo yung host?"tanong ko dahilan para mapatingin sa akin si Draco.

~~~~

Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper

The Suicidal KillerWhere stories live. Discover now