CHAPTER TWO U.S

90 6 0
                                    

CLOVER



Nang idilat ko ang mga mata ko ay ang nakabukas na bintana agad ang napansin ko dahil ramdam ko ang hangin na nagmumula ruon.

Nilibot ang paningin ko sa kabuuhan ng kuwarto at hindi nga ko nagkamali na nasa hospital ako.

Tumayo ako at tinungo ang glass window. Dumungaw ako sa ibaba. Natigilan ako nang saktong pagdungaw ko ay may lalaking nakatingala at mukhang kanina pa nakatingin sa kuwartong kinalalagyan ko. Kaya nang makita niya ko ay nabasa ko ang gulat sa mga mata niya.

Si Uno? Oo, hindi ako puwedeng magkamali. Siya ang lalaking nakatingin sa' kin ngayon, pero bakit siya nakatingin sa kuwarto ko? Alam niya kayang ako yong babae nung gabing may nangyari samin? Lumabas na kaya ang resultang buntis ako? Dapat na ba kong kabahan?

Lumipas ang isang minuto na wala ni isa samin ang umiwas ng tingin. Malakas ang loob kong makipagtitigan dahil pakiwari ko ay nasa pinakamataas akong floor. Kaya hindi ako ganung kinakabahan dahil alam kong malayo ang agwat namin sa isat-isa kaya hindi niya magagawa ang ano mang nais niyang gawin.

Hindi ba siya nangangalay sa ginagawa niya? Mainit sa parte ng kinatatayuan niya at deretyo ang tayo. Parang wala lang sa kanya yong mga taong pinagtitinginan siya. Para bang may sarili siyang mundo? Nung una ay kampante pa' ko pero habang tumatagal ay unti-unti ko ng nararamdaman ang pagkailang. Sumilay ang ngiti sa labi niyang minsan ko na ring natikman. Shet! Anong nginingiti ng gagong 'to!

Naputol ang titigan moment naming dalawa nang biglang bumukas ang pinto. Unang pumasok si Mom, ate at panghuli si Dad.

"Buti at gising kana"
Si ate. Lumapit siya sa' (kin at inalalayan akong bumalik sa kama. Nang makaupo ay nagtatanong ang mga mata kong tumingin sa kaniya.

"Ate, anong nangyari sa' kin?"
Kinakabahan kong tanong. Matagal siyang napatitig sa' kin hanggang sa bumaling siya kina mom and dad.

"Ate?!"
Naiinis kong tawag sa kaniya nang hindi siya sumagot.

"You should know that to yourself Sis"

"Hu?"
Awtomatikong bumagsak ang balikat ko. Naintindihan ko ang nais niyang ipahiwatig pero ayaw iyung tanggapin ng sistema ko.

"Mom, d-dad . . . Ano pong sabi ng doctor?"
Naglakas loob akong harapin sila.
Nautal ako nang banggitin ko ang salitang Dad. Kay dad ako mas takot. Mataas ang expectations niya samin ni ate at ngayon ay binigo ko siya.

Tumabi sa' kin si mama at ate sa magkabilang gilid ko habang si Dad ay malalim ang mga pinapakawalang hininga, panay ang kuyom ng kamao, at hindi malaman kung ano ang unang gagawin. Base sa mga kilos niya ay halatang pinipigilan niyang hindi ako bulyawan. Wala na, mukhang totoo nga ang hinala ko. Kapatapusan ko na ba?

"Buntis ka"

Tuluyan ng bumagsak ang balikat ko pero agad naman akong inalo nina mom at ate. Hindi nun nagawang bawasan ang kabang naramdaman ko. Hindi ako makapaniwalang buntis ako.

"Pasalamat ka at mabilis kong napagtakpan ang nangyari sa birthday party mo"

"P-pa . . . "

Pinilit kong inangat ang ulo ko at naglakas loob na salubungin ang matatalim niyang tingin.

"Sinong nakabuntis sayo?"

Mas dumumble ang kabang naramdaman ko. Bigla ay parang nagkaroon ng tahi ang bibig ko. Kapag sinabi ko kung sinong ama ng dinadala ko, paninigdigan niya ba' ko? Magagalit kaya siya? O Hindi siya maniniwala? Anong magiging reaksiyon ni dad? ni ate na ngayon ay alam kong may koneksiyon sa kaniya? Anong mangyayari kapag nalaman nila na ang ama ng batang dinadala ko ay ang isa sa pinakamayamang tao sa buong mundo na walang iba kundi si Ventre uno Devunto. Shet! Ang hirap ng sitwasyon ko!!

HOLDING YOU IN MY ARMSWhere stories live. Discover now