CHAPTER 31

81 2 2
                                    


"What are you doing there?"

Literal na nanlaki ang mga mata ko at naistatwa sa pinagtataguan nang makita ang dalawang pares ng sapatos sa harap ko. Unti-unti kong inangat ang ulo at nang makita ang seryusong mukha ni Caleb ay mas lalo akong kinabahan. Sh*t! Sa lahat ng kuya ko, siya ang pinakamahirap takasan o taguan, mabilis ka niyang mahuhuli bago ka pa makahakbang.
Pero gayun paman ay hindi dapat ako matakot, narinig ko ang Kalahati sa mga pinag-usapan nila kaya dapat lang na malaman ko ang karugtong nun dahil karapatan ko yun, dinala nila ko sa ganitong mundo kaya dapat lang talaga na malaman ko.

Buong tapang akong tumayo kasabay ang pagsulpot ng tatlo ko pang kuya na hindi alam kung dapat bang matuwa dahil nakita nila ko o mabahala dahil narinig ko ang mga pinag-usapan nila.

"Clover, I'm happy to see you pero hindi ka dapat nakikinig sa usapan ng iba"

Pangaral ni Jefferson na lumapit sa' kin at ginulo ang buhok ko.

"Narinig ko ang nangyari sayo, okay kalang ba?"

Tanong naman ni Cedi na bakas sa mukha ang pag-aalala sa' kin.

"Clover, it's okay, you can stay here forever if you want, we want you here clover"

Pag comfort naman ni Patrick na niyakap ako ng maingat saka ginulo ang buhok ko. Patrick looks different today, sa tingin ko nagmature siya ng kunti.

Ngumiti ako ng tipid at yumuko.

Bakit pakiramdam ko ay mali ito? Ang tumira sa bahay ng mga lalaki, gayung hindi naman kami magkakadugo. Hindi naman siguro sila yung tipo ng mga lalaking magpapatira ng babae kahit pa sabihin nilang wala silang gagawing masama. Bakit Ang bait bait nila sa' kin? Dahil ba tinuring na talaga nila kong kapatid? Bakit parang may kailangan akong malaman? Bakit parang may mali.v

"Clover are you okay?"

Tanong Jefferson na hinuli ang mga mata ko.

Right may kailangan pa kaming pag-usapan.

Hinarap ko silang lahat.

"Narinig ko ang mga pinag-usapan niyo. Alam kong hindi kayo nanggaling sa isang normal sa pamilya pero hindi ko naman alam na malaking gulo pala ang kinasasangkutan niyo"

Sabay-sabay silang umiwas ng tingin. Sinubukan kong hulihin ang mga mata nila pero sabay-sabay lang silang napabuntong hininga at ayaw parin akong tingnan sa mga mata.

"Gusto kong malaman ang buong pagkatao niyo. Alam kong ayaw niyong magalit ako sa inyo at hindi madali para sa inyong sabihin sa' kin ang lahat dahil nag-aalala kayo bilang mga kuya ko pero pagod na' kong mangapa at siguro naman ay may karapatan akong malaman gayung may taong gustong pumatay sa' kin at malay ko ba kung kaninong kalaban yun, sa inyo? Kay Matson? Kay Uno? Hindi ko na alam kung sino ba talaga ang mabubuting taong kaharap ko kaya pakiusap . . . . Sabihin niyo sa' kin ang totoo"

Sa pagkakataong ito ay nakatingin na silang sa isat-isa at nangungusap ang mga matang nagtitinginan na para bang sa pamamagitan nun ay may makukuha silang sagot.

"Fine . . . we will tell you everything"

May pagsukong sagot ni Jefferson.

"First, let's sit"

Aniya kuya Caleb na hinawakan ako sa kamay at ginabayang bumaba ng hagdan.

"Teka, bakit hindi ko kayo napansing umakyat kanina?"

Nagtataka kong tanong nang maalala ko kung paano nila kong nahuli na hindi ko man lang napansin.

"Inakyat namin yung hawakan ng hagdan para shortcut"

HOLDING YOU IN MY ARMSDove le storie prendono vita. Scoprilo ora