Chapter Four

2.1K 75 20
                                    

Song: Holy Ground (Taylor's Version) - Taylor Swift

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Song: Holy Ground (Taylor's Version) - Taylor Swift

Ride 

"Nakakahiya! Tingnan mo ang nangyari! Substitute ka lang pero nakabasag ka agad! Mabuti nalang at mabait si Sir at hindi ka na pinagbayad!"

Nanatili akong nakayuko habang pinapagalitan ng manager. Kanina niya pa ako sinesermonan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.

"Pasensya—" hindi ko na nagawang ipagpatuloy pa ang sasabihin ko dahil agad din itong pinutol ng manager.

"Anong pasensya? Regular customer namin si Sir at ngayon lang siya nakaranas ng ganyang serbisyo rito. Nakakahiya ka!"

Tumikhim ako at pinaglaruan nalang ang mga daliri. Nagpatuloy pa siya sa panenermon sa akin hanggang sa iniwan niya akong mag-isa sa loob ng staff room dahil sa inis.

Lumabas siya upang humingi muli ng tawad sa naging incidente kanina.

Hindi ko naman talaga kasalanan iyon, e. Sadyang tipsy na 'yong katabi nilang table at hindi sinasadya akong naitulak ng kasama nila.

Kahit ilang beses kong ipaliwanag sa manager 'yon, ayaw niya akong paniwalaan. Galit na galit talaga siya sa akin kaya pakiramdam ko, bukas iba na ang kukuning substitute ng kakilala ni Fifi.

Mukhang kailangan ko na naman humanap ng raket. Wala pa kasing kumo-contact sa akin mula roon sa mga pinasahan ko ng resume ko. Kaya hanggang ngayon tuloy wala akong permanenteng trabaho.

Ang hirap kasi na halos lahat ng trabahong nakikita ko puro college graduate ang gusto. Paano naman ako na hindi nakapagtapos? Pahirapan? Kahit ano papatusin para lang magkaroon ng pang araw-araw?

Hay naku! Kung sana mayaman lang talaga ako!

Nagpakawala ako ng malalim na hininga at saka naupo sa silya malapit sa locker kung saan nakalagay ang gamit ko. Tiningnan ko ang sugat ko mula sa nangyari kanina.

Tumigil na naman na sa pagdudugo ito pero kailangan pa ring gamutin. Sariwa pa rin kasi at baka magka-infection pa kung pababayaan ko. Mag-commute pa man din ako mamaya. Baka kung ano pa ang dumapo rito at magkasakit pa ako.

Pumikit ako at sumandal sa silya. Hindi naman gaano kabigat ang trabaho ko kanina pero 'yung pagod ko abot hanggang sa susunod na buwan.

Mahirap talaga sa ganitong trabaho. Mabuti nalang at napapatyagaan ng iba rito.

Saka lang ako tumayo nang umayos na ang pakiramdam ko. Nanghina rin ako ng bahagya sa nangyari dahil na rin siguro sa pagod at takot. Mas nakakapanghina pa lalo nang pagalitan ako ng manager.

Nakakahiya tuloy roon sa kakilala ni Fifi dahil baka mapagsabihan siya tungkol sa akin pagbalik ko. Baka sabihin sa kanya na 'wag nang kukuha ng subsitute na tatanga-tanga.

Inayos ko ang gamit ko. Sa sobrang abala sa ginagawa, hindi ko na napansin na may pumasok sa loob ng staff room.

"Ayos ka lang?"

When the Stars Align (Castellaño Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon