Chapter Seventeen

1.4K 56 6
                                    

Song: Same dream, same mind, same night - SEVENTEEN

Ups! Gambar ini tidak mengikuti Pedoman Konten kami. Untuk melanjutkan publikasi, hapuslah gambar ini atau unggah gambar lain.

Song: Same dream, same mind, same night - SEVENTEEN

Cute 

Masaya ang mga kapatid ko nang inabot ko sa kanila ang turon na binili ni Luke para sa kanila. Hindi ko maiwasang mapangiti nang dahil sa reaksyon nila. Sabi ni Fifi kumain na raw sila ng hapunan pero iisipin mong hindi pa dahil na naging reaksyon nila.

Siyempre hindi ko rin naman kinalimutan si Fifi at binigyan ko rin siya.

"Sorry ayan na muna. Saka na 'yung pasalubong galing fast food kapag nakaipon na 'ko."

Inirapan ako ni Fifi. "Parang tanga 'to! Kahit galing saan pa 'to kakainin pa rin naman namin 'no!"

"Galing ng apala 'yan sa kaibigan ko. Siya ang nagbayad. Ang kulit, e."

At dahil mukhang issue kay Fifi ang lahat, makahulugang tingin ang ibinato niya sa akin. Mamaya pa ay dahan-dahan siyang ngumisi na para bang may pinapahiwatig na kung ano.

"Ikaw ha? Bukod sa boss mo sino pa ang nanliligaw sa 'yo?"

Pinandilatan ko siya ng mata. Kahit kailan talaga ang isang 'to! 'Di ba pwedeng nagmagandang loob lang? Issue agad?

"Walang nanliligaw sa akin! Lahat nalang issue sa 'yo, Fifi."

Humalakhak siya. "Ganda mo kasi, e. Lalo ka pang gumaganda ngayon kasi ano? Inspired ka, teh?"

Pabiro akong inipit ang buhok sa likod ang aking tainga at ngumuso.

"Ganito ata kapag umaahon na sa hirap ng buhay." Biro ko.

Hinampas niya ako at mas lalong napalakas pa ang tawa niya. Tumango-tango siya dahil nakaka-relate raw siya. Sabi niya pa you glow different when you're happy.

E, sino ba naman kasi ang hindi sasaya kung may trabaho ako na maayos ang kita at may napapakain na ako sa mga kapatid ko? Jusko! Parang lahat na ata ng dinadasal ko kay Lord noon unti-unti nang natutupad ngayon.

Akala ko puro kamalasan na lang ang hatid ng mundo sa akin, e.

Unti-unti ko nang nagagawa ang mga gusto kong gawin at mangyari sa buhay naming magkakapatid. Kaya kung papalarin at kung aayon sa akin ang panahon, gusto ko talagang ipagpatuloy ang pag-aaral ko. Sayang naman kasi. Gusto ko pa rin magka-diploma.

Pero ang importante sa akin ngayon ay mabigyan ko muna ng maayos na buhay ang mga kapatid ko. Masaya ako na nakikita ko silang palaging busog. Na nakikita ko silang maganang pumapasok sa school.

Tingnan mo nga si Macoy sa rami ng nakakain araw-araw, unti-unti nang nananaba. Wala sa sarili akong napangiti. Sana talaga ay magtuloy-tuloy na ang ganitong buhay namin. Ang tagal kong inasam nito kaya sana 'wag agad-agad bawiin sa akin.

"Wish ko lang talaga sa 'yo ay hindi mawala 'yang ngiti mo ngayon. Masayang-masaya talaga ako para sa 'yo, Asteria. Sobra." Madramang sinabi ni Fifi.

Nginitian ko siya at sinandal ang ulo sa balikat niya. "Makipag-live in ka na kasi sa akin para mas lalo akong sumaya."

When the Stars Align (Castellaño Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang