IKALIMANG KABANATA: PULA! PULA! PULA!

1.4K 27 9
                                    

Prinsesa's POV

Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay naligo agad ako. Hayup kasi ang tarantadong yun eh, bad timing! Pwede naman kaming mag-away kapag normal days hindi itong pagod ako! Nasaktan ko tuloy siya ng sobra. Siraulo kase.

Badtrip na badtrip ako kahapon pag-uwi ko, hindi na rin ako sinermonan nila Jess at Hans dahil nakita nila ang nangyari. Hindi na rin sila nagbigay ng komento, dahil hindi nila alam kung ano ba ang dapat sabihin.

Nandito ako ngayon sa may library at naga-advance review para sa quiz namin sa Friday sa Filipino. Hindi ko kasama ngayon si Jess at Hans dahil may sari-sarili silang ginagawa ngayon.

Si Hans may dance practice hanggang alas syete ng gabi

Si Jess naman eh ayun busy sa pagse-set up ng stage para sa audition sa Huwebes. Pinag-iisipan ko nga kung sasali ba ako o hindi eh! Kasi for once gusto kong maging si Juliet nako kahit na at the end of the story eh najutay naman sila pareho.

"May bagyo daw bukas." Naririnig ko ang mga chismisan ng mga freshmen na katabi ko. Feeling ko nga rin may bagyo bukas kasi sobrang dilim ng langit ngayon, uulan pa yata.

Pero hindi ko na lang iyon pinansin bagkus ay pinagpatuloy ko na lang ang pagre-review ko.

*riiing!*

Tumunog na ang bell kaya tumayo na ako sa kinauupuan ko.

Uuwi na ako.

Hindi ko na hihintayin ang dalawang iyon, alam na naman nila eh! Tinawagan ko na sila kanina at pumayag naman.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko sa mesa at inilagay ito sa loob ng bag, pagkatapos nun ay lumabas na ako sa library. Nakasalubong ko pa nga si Maximino eh, yung kaibigan nung tarantado.

"Uy Lavinia!" bati niya sa akin.Mabait naman ang taong 'to, siya pa nga ang kadalasang pumipigil sa mga kagaguhan nung kaibigan niya iyon eh! Atsaka matalino din.

"Oyy Max ikaw pala! Pauwi ka na?" tanong ko, may maibukas lang na topic. Actually, hindi naman kami close WAHAHAHAHAHAHA!

"Oo sana kaya lang may gagawin pa ako eh." Sagot niya, tumango na lang ako.

"Ahh ganon ba? Sige una na ako." Tumango naman siya at naglakad na ako palayo.

Pagkadating ko sa may exit gate ng school ay may nararamdaman akong pumapatak sa ulo ko, umaambon na. Pero di ko na lang pinansin, nako! Ambon lang yan noh! Di ko ikamamatay yan!

Ngunit habang palayo ako ng palayo ay unti-unti na ring lumalakas ang patak ng ulan hanggang sa umulan na talaga ng bonggang-bongga! Mabuti na lang at water proof itong bag ko kundi hindi ko alam gagawin ko!

Tumakbo na lang ako ng mabilis pero wa effect kasi sobrang layo pa ng bahay ko, pero ang di ko ine-expect ay may biglang bumuhat sakin. Iyon bang mala-bridal style?! Pagtingin ko...

"HOY IBABA MO KO! KIDNAPPER KANG HAYUP KA! IBABA MO AKO HOOOOOOY!" ibinaba naman ako ng siraulong to at iniwan ako doon sa gilid ng kalsada.

"ANG ARTE MO! IKAW NA NGA ITONG TINUTULUNGAN MISS PULA!" yung feeling na ang lamig-lamig ng tubig na nanggagaling sa ulan pero parang biglang uminit yung buong pakiramdam ko.

"ANONG MISS PULA? SIRAULO KA AH! ANONG IBIG SABI---

Bigla akong napahinto, tiningnan ko yung likod ng palda ko at boom!

"SHIT JUAN TULUNGAN MO KOOOOO!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin bagkus ay lumakad lang siya palayo. ABA!

Kaya naman hinubad ko ang sapatos ko at walang awa na ibato iyon sa kanya. Ayun hahahahaha! SAPUL XD

The Clash [REVISED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon