IKA-WALONG KABANATA: SISTERS

1.3K 31 11
                                    

[Lavinia's POV]

"ANO?! HINDI TULOY ANG PLAY? PERO BAKET?!" ang aga-aga pero ang ingay na nilang dalawa dito sa canteen. Si Jessica kasi chinika na di daw tuloy ang Romeo and Juliet play dahil daw hindi nakapag-rehearse ng maayos yung mga actors kasi nga bumagyo.


Ganyan yung reaction ni Hans kasi isa s'ya sa mga casts, main dancer s'ya. Ewan ko kung ano talaga yung role ng gagang yan. Ako naman expected ko na na hindi matutuloy, syempre sino ba naman ang makakapag-practice ng play sa gitna ng baha jusko.

"Wala! Sayang yung efforts ko, kailangan ko na namang ire-sched yung mga practice nila dapat pasok sa schedule nila yung oras ng rehearsals. Ayoko na, laslasan nyo na nga ako." si Jessie na napasandal na lang sa bangko at nagpatay-patayan.

"Nako Jessica wag kang magsabi ng ganyan, may hawak akong tinidor ngayon pwede na kitang tuluyan." mabilis pa sa alas kuwatro ang pag-ayos nya ng upo. HAHAHAHAHAHA! BAT BA SINESERYOSO NILA ANG MGA JOKES KO? HAHAHAHAHA!

"Nako Lavs ikaw talaga,  Stress Maria na nga ang lola mo tapos tatakutin mo pa. Kaloka ka!"

Kami lang ang kumakain ni Hans ngayon dahil itong si Jessica ay wala daw gana, sabi ko sa kanya magpakamatay na lang s'ya kung balak nyang gutumin ang sarili n'ya ngayong araw. I even offered her a rope, but she just refused it. Boom kabog! English yon mga bessy!

Hindi ko alam kung bakit tuwing isusubo ko na yung kutsara na may kanin sa bibig ko ay may dumarating, mga epal sa buhay!

"Uy Miss Jessica! Nandito ka pala." bati ni Anthony sa kaibigan kong nanigas na sa kinauupuan n'ya. Lakas talaga ng tama ng gagang to sa baklang to eh.

"Ahhhh ehhhh uhmmmm..." si Jessica yan with matching sweat all over her body hahahaha!

FEELING KO MAISUSUKA KO LAHAT NG KINAIN KO DAHIL DITO KAY JESS HAHAHHAHA! YUNG MUKHA NYA NAPAKA-EPIC! TAPOS TANGINA PAWIS NA PAWIS PA PUCHA HAHAHAHAHA!

Dahil hindi ko na makaya ang pagpigil ng tawa, sinenyasan ko si Hans na lumabas muna kami ng cafeteria. Nafeel nya rin siguro ang nafeel ko kaya naman pumayag agad sya, hindi na kami nagpaalam kay Jessica moment nya yun hahaha!

"Langhiya yung si Jessica eh no? Tuwing maiinlove lagi na lang inaatake ng epilepsy nya hahaha!" matawa-tawang sabi ni Hans. Ako naman halos magmukhang manok kakapalapak dahil sa sobrang tawa. Gusto ko ngang itulak tong katabi ko kaya lang baka masapok ako.

Sinilip namin yung dalawa, nakita naming naupo na si Anthony sa tabi ni Jessica.

[Jessie's POV]

Mga siraulo talaga ang dalawang yun! Wari ba namang iwanan ako kasama si Anthony, mamaya talaga kukurutin ko mga kepay nila.

"Narinig ko sa Drama Club na cancelled daw muna yung play nang dahil sa bagyo? Paano yun? Kailangan n'yo ulit magre-sched?" napatalon ako sa kinauupuan ko nang marinig ko na s'yang magsalita. Pesteng yawa talaga itong katawan na to eh, hindi marunong makipag-cooperate ang leche! Tutuktukan ko talaga to pag ako naasar eh!

"Ayy oo ka--kasi nga diba bumagyo? Yung ibang props din na naiwan sa auditorium ay nabasa kaya kailangang gumawa ulit." tatango-tango lang s'ya habang nakatingin sa akin na nagsasalita.

Juice colored! Mabuti na lang talaga maganda akong nilalang kundi baka naging isang umuugang patatas na lang ako dito sa harap ng isang nagliliwanag na nilalang na ito!

"May maitutulong ba ako? Sabihin mo lang, kung kailangan n'yo ng tulong I'm always here to lend a hand, ha?" tatango-tango lang ako na para bang aso sa isang family van. Bigla namang nagbago yung expression ng mukha n'ya, mukhang disgusted na ewan. Hinintay ko s'yang magsalita dahil baka may gusto s'yang sabihin.

"Uhmmmm Jessie? Ahhh kasi ano yung..." Nauutal-utal n'yang sambitla.

OMG! Hirap na hirap si Anthony my loves so sweet ko na magsalita, hala what happen?

"Ano kasi yung laway mo kanina pa tumutulo."

Naestatwa ako sa kinauupuan ko.

Jessica Watson you're doomed.

Turn-off, wasak, lagapak, aray, arawch, saket!!!

[LAVINIA'S POV]

Tuwing magkikita si Jessica at Anthony lagi na lang kaming humahagalpak sa tawa ni Hans pagkatapos. Actually sinisinok na nga ako kakatawa dahil na-witness namin talaga ang pagtulo ng laway n'ya.

"LAVINIA KURUTIN MO NA NGA AKO! MAMAMATAY NA YATA AKO KAKATAWA HAHAHAHAHAHA!" si Hans na kanina pa nanlalambot sa kakatawa. Maski ako ay hindi ko na s'ya makurot dahil nanlalambot din ako.

"AYOKO NA RIN PERO BWAHAHAHAHAHAAHAHAHAHAHA!"

"Mamatay na talaga kayong dalawa kakatawa! Friendship Over na talaga mga tupa kayo!!!" padabog s'yang umakyat sa kuwarto  niya, narinig pa nga namin yung kalabog ng pinto eh.

Kanina pa kami dinadabugan ni Jessie simula nang umuwi kami galing sa school. Gusto ko man s'yang amuin pero kasi yung katawan ko ayaw makisama, gusto pa n'yang tumawa.

Siguro mga 10 minutes bago humupa yung tawa ko pati na rin yung kay Hans. Sinundan na namin si Jessica sa kuwarto n'ya. Nung unang katok namin ay ayaw kaming pagbuksan pero nung sinabi ni Hans na walang magluluto ng hapunan ay agad n'yang binuksan ng walang pasubali ang pinto.

"Tangina n'yo." bungad n'ya sa amin. Pugtong-pugto yung mga mata n'ya habang yakap-yakap n'ya si Chichi; ang chihuahua n'ya na kamukha nya rin. Nilapitan namin s'ya at tinapik-tapik ang likod.

"Okay lang yan beh hahahaha! Bakit kasi kung hindi ka mahimatay ay tutulo ang laway mo sa harapan pa ng crush mo? Nakakaloka ka talaga!" pampalubag loob na sabi ni Hans. Hindi ko nga alam kung paano naging pampalubag loob iyon.

"Eh iniwan n'yo kasi ako mga gago!" nagdadabog pa rin s'ya, bigla n'yang binato si Hans ng unan at natamaan ito sa mukha.

Hahahahahaha!

"Aba! Gago to ah!" at yun, nagsimula na silang magbatuhan ng unan. Pinagmamasdan ko lang yung mga kagaguhang ginagawa nilang dalawa hanggang sa....

*BOOOOOGSH!*

Tumama sa mukha ko yung hotdog na unan ni Jessica, eh medyo matigas pa naman yon kaya may naramdaman akong sakit. Feeling ko namumula yung ilong ko eh!

"LINTIK LANG ANG WALANG GANTI!!!" kinuha ko yung walis tambo sa may pintuan at hinabol silang dalawa hanggang sa makarating kami sa baba. Para kaming mga bata na naghahabulan dito sa loob ng bahay.

Nakita kong kumaripas ng takbo si Hans papunta sa banyo kaya agad-agad ko s'yang hinabol kaya lang sobrang bilis tumakbo ng loka kaya di ko naabutan. Si Jessie naman akala n'ya hindi ko s'ya nakitang magtago sa ilalim ng lamesa sa may kusina kaya  naman dahan-dahan akong lumakad at nagkunwaring hinahanap ko s'ya.

"Huy Jessica nasaan ka na ba? Ang hirap mo namang hanapin! Labas ka na, di na ako manghahabol pagod na ako." pagpapanggap ko. Oo, isa akong mapagpanggap na tao BWAHAHHAHHAHA!!!

Narinig ko yung ipit n'yang tawa kaya naman dumaan ako doon sa likod ng lamesa kung saan di n'ya ako makikita. Dahan-dahan akong naglalakad at tumungo sa ilalim. Narinig ko pa nga yung sinabi n'ya.

"Shunga-shunga ni Lavs, di marunong maghanap hihihihihi!" pinigil ko muna yung tawa ko, tyumempo ako hanggang sa...

"BULAGA!"

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!" para bang may tumiling dolphin sa sobrang lakas ng tili n'ya. Napatakip ako ng tenga dahil feeling ko nabingi ako. Grabedad talaga!

Surreal!


Natapos ang buong araw namin na ganun lang. Nakahiga na ako sa aking kama nang may natanggap akong text mula sa isang uknown number.

From 0912*******

Guess who's back?

Luuuh sino 'tong hinayupak na 'to?!

The Clash [REVISED]Where stories live. Discover now