Chapter 22

98 6 0
                                    

"I like photography. Bata pa lang ako, hilig ko nang kumuha ng mga pictures. Though hindi ko naman siya gustong maging career talaga kaya hobby na lang. Ikaw, ano ang favorite color mo?" magaang tanong ni Seven sa kanya.

Hapon na noon at sabay silang naghahapunan. Natigil si Hillary sa tangkang pagsubo bago tinaasan ng kilay ang binata. Sa mga pagkakataong tinatarayan niya ito ay sinisiguro niya na silang dalawa lang ang magkaharap. Lagi niyang pinapaalalahanan ang sarili na sa harap ng ibang tao ay mag-asawa sila na kakakasal pa lang at nasa honeymoon stage pa.

Kaya dapat na umakto sila na in love na in love sa isa't isa. Kaya nga hindi stay-in si Luni, para ibigay sa kanila ang privacy ng gabi.

"I'm trying to make a conversation here," anito bago marahang ngumiti. Parang maamong tupa ang hitsura ni Seven. "Mas makakabuti kung magkasundo tayo 'di ba, Hillary? Hindi tayo mahihirapan na pakiharapan ang bawat isa. Hindi magiging ganoon kabigat sa 'yo ang pananatili rito. Huwag kang mag alala dahil hindi ko kakalimutan ang mga boundaries ko."

Pagkatapos ay sumandok ito ng pagkain at dinagdagan ang nasa plato niya. Kakaunti naman kasi talaga ang kinuha niya. "Please eat well. Ayokong magkasakit ka."

Napatitig si Hillary kay Seven. Napaka-sweet ng inaakto nito. At hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng tuwa. At kilig.

"O, mas makakakain ka ba kung hindi mo ako kasabay? Puwede rin naman." Tumayo ito.

"N-no." Biglang nahawakan ni Hillary ang kamay
ni Seven para pigilan ito sa tangkang pag-alis.

Sa loob ng ilang sandali ay pareho silang nakatingin lang sa maghawak na mga kamay nila. Hindi malaman ni Hillary kung alin ang mas pagtutuunan ng pansin, ang nawala sa ritmong tibok ng puso niya, o ang init ng palad ni Seven na parang tumutulay sa kanyang palad papunta sa kaibuturan ng kanyang pagkatao. Para siyang biglang ninerbiyos.

"Uhm..." Pilit sinisikil ang pagkataranta na binitiwan niya ang kamay nito. Umayos siya ng upo. Ipinatong niya sa mga hita ang kamay para maitago ang panginginig niyon.

"H-hindi mo kailangang umalis. T-tama ka. Mas... mas magiging magaan ang lahat kung magkasundo tayo," hindi tumitingin nang deretso na sabi niya.
Sa gilid ng mga mata, nakita niya nang muling
maupo si Seven.

"Salamat. So, puwede mo na sigurong sagutin ang tanong ko tungkol sa favorite color mo?"

Kapansin-pansin ang sigla sa boses ng binata. Naisip
tuloy ni Hillary, kung titingnan kaya niya ang mga
mata nito, ganoon din kaya ang makikita niya?

Kaswal na nagkibit-balikat siya. "Wala naman
akong gustong partikular na kulay. Basta ayoko lang
ng masyadong matingkad tulad ng mga neon colors..." Muli niyang hinawakan ang mga kubyertos at bumalik sa pagkain, pilit sinisikil ang pagka-conscious na nararamdaman.

"No neon colors. Noted. So... ahm... Ikaw naman
ang magtanong sa akin."

"Sigurado ka na bang sasagutin mo ang itatanong ko?" Bahagyang umangat ang kilay niya.

Tumaas ang sulok ng mga labi ni Seven dahil sa pinipigilang ngiti. "Why, buhay at kamatayan ba ang
katumbas ng tanong mo?"

Bahagyang napangiti si Hillary. She looked at him.
Katulad ng sigla sa boses nito, kapansin-pansin din nga ang saya sa mukha nito.

"Hindi naman."

'Then shoot. Sasagot ako."

"Ilan na ang mga babaeng umiyak dahil sa 'yo?"

Halos matawa si Hillary nang mamutla si Seven. Parang nasukol ito sa tanong na iyon. "So?"

Tumikhim muna ito bago sumagot. "Intentionally? I mean, iyong intensiyon kong paiyakin?" Umiling ito.
"Wala pa. Pero siyempre, alam naman natin kung ano talaga ang gusto mong sabihin. Well, honestly, hindi ko alam. Hindi ko gustong magbilang. Ang sigurado lang ako, hindi ka mabibilang sa mga iyon, Hillary."

The Remarkable NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon