TADHANA KABANATA 13

9 2 0
                                    

[Kabanata 13 - Bahala]

TAHIMIK akong naglalakad ngayon sa gitna ng kalsada, hapon na at marahang umiihip ang hangin. Mga ulap ang namumutawi ngayon sa kalangitan, may iba't ibang tao akong nakakasalubong at may mga kalesa ring nagdadaanan sa kalsadang aking linalakaran ngayon.

Hindi ko na ipinahanda pa ang kalesa sapagkat nais kong maglakad ngayon, hawak ko ngayon ang aking abanikong nakatakip sa aking ilong at bibig dahil hindi maaaring makita ng mga lalaki ang kabuoan ng iyong mukha. Hindi ka maaaring makipagtitigan at mas lalong hindi maaaring maghawak o hawakan ang ano mang parte ng iyong katawan.

Mga bagay na ilang beses na naming nasuway ni Khalil.

Nais ko tuloy magtungo ngayon sa simbahan upang doon humingi ng tawad. Napatingin ako sa klinikang aking nasa harapan ngayon, hindi ko namalayang madadaanan ko pala ito. Napahinga ako ng malalim at humakbang papunta roon.

Maraming tao sapagkat bukas sila ngayon sa pagsisilbi ng libre, may mga mayayamang kuripot sa pera ang naririto rin ngayon. Nang makarating sa unang kubo ay sumilip ako roon, nang makita si Danyiel Villanueva na abala ngayon sa pagsusuri ng batang babae ay agad na akong nagtungo sa kabilang kubo.

Sinilip ko kung sino ang naroroon, napatigil ako nang makita si Sergio na napagtagumpayan nang bunutin ang ngipin ng isang pamilyar na bata. "Isa kang matapang na ginoo, Tonyo. Sino kaya ang nakabighani sa iyo?" Nakangiting tanong ni Sergio at sinulyapan si Aling Tanya na hawak ngayon ang kamay ng kanyang anak.

"Iyong anghel po na nakita ko noon. Si binibining Taciang," nakangiting sagot ni Tonyo at kinindatan ng paulit-ulit si Sergio, natawa naman si Sergio. Hindi ko rin mapigilang mapangiti habang pinagmamasdan sila.

Ang isa rin palang ito ay mahilig sa bata, maging ako! Ang sarap kuritin ng kanilang pisngi lalo na ang malulusog na bata. "Sino ba namang hindi," natatawang saad ni Sergio na ikinatigil ko, ginulo ni Sergio ang buhok ni Tonyo at tumayo na upang samahan ito palabas.

Aatras pa lang sana ako ngunit huli na ang lahat dahil nahagip na ako ng mga mata ni Sergio na nangungusap, tuluyan na silang nakalabas at nagulat sya nang makita ako. Mukhang hindi nya inaasahan na sa kauna-unahang pagkakataon ay magagawa ko syang dalawin nang hindi ipinag-uutos ng iba.

Kinawayan ako ni Aling Tanya at Tonyo bilang pamamaalam, kinawayan ko naman sila pabalik bago sila tuluyang umalis sa aming harapan. Napahinga ako ng malalim bago lingunin si Sergio na nakatitig pa rin sa akin ngayon, hindi na nya nagawa pang alisin ang kanyang mga mata sa akin.

Sandali kong pinagmamasdan ang kanyang mukha sa kauna-unahang pagkakataon, magkahawig pala sila ni Khalil. Hindi sila iisa ang kanilang hitsura ngunit may mga bagay talaga na maihahalintulad sa kanilang dalawa. Tulad na lang ng paraan ng kanilang pagtingin sa akin, hindi ko alam kung sinasadya ba nila iyon sapagkat normal lang naman silang tumingin sa iba.

"T-taciang, anong ginagawa mo rito?" Nagugulat na tanong ni Sergio at napangiti rin, kumpara kay Khalil ay palangiti si Sergio at mapagbiro. Si Khalil kasi ay ngumingiti nga ngunit madalas ay seryoso at hindi namamansin.

"Ah, wala. Ako'y napadaan lang talaga," pagiging tapat ko, nakita ko nang mamutawi ang saya sa kanyang mga mata dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay nagawa ko syang dalawin nang kusa. Mga bagay na kay hirap pala para sa akin.

"Ikaw ay may nararamdaman bang sakit? Bukas ang aming pagamutan para sa binibining katulad mo," nakangiting tanong at saad ni Sergio, napangiti ako. Maging ang mga salitang binibitawan nila ay may magkapareho.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWhere stories live. Discover now