TADHANA KABANATA 30

14 2 0
                                    

[Kabanata 30 - Ikalawang Pagkakataon]

BILIS ng pagtibok ng aking puso ang aking nararamdaman habang pinagmamasdan ngayon ang aking sarili sa salamin, narito ako ngayon sa loob ng palikuran at may mahabang salamin sa aking harapan na nagpapakita sa akin ng aking kabuoan.

Nakasuot ako ngayon ng magarbong baro't saya na kulay kahel, narito rin ako ngayon sa Hacienda Santiago at ito ang dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon. Tapos na akong maligo at kanina pa rin ako nakapagbihis, kanina ko pa iniisip kung kailan ba ako lalabas sa palikuran na ito.

Ang palikuran na ito ay nasa loob lang ng silid ni Khalil, matapos ang aming tagpo kaninang umaga ay nagulat na lamang ako dahil dinala nya ako sa Hacienda Santiago. Walang katao-tao at hindi ko alam kung bakit, ang tanging alam ko lang ay kinakabahan ako na masaya.

Masaya dahil sa muling pagkakataon ay nakita ko muli ang aking hitsura bago pa ako bumagsak sa hirap, kay ganda ng baro't saya na ito at labis ko itong nagugustuhan. Ngunit patuloy pa rin akong kinakabahan dahil sa katotohanang kami lang ni Khalil ang nasa loob ng kanilang hacienda ngayon.

Napahinga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang aking sarili. Natuyo na ang aking buhok at nasuklay ko na rin ito gamit ang aking mga kamay, kay ginhawa naman sa pakiramdam sapagkat sa wakas ay nagkaroon na ako ng maayos na ligo.

Habang pinagmamasdan ang aking sarili sa salamin ay napapikit na lang ako at napayakap sa aking sarili, ako'y kinakabahan talagang lumabas sapagkat pakiramdam ko ay naroon ngayon si Khalil. Ano na lang ang sasabihin nya sa aking hitsura? Paano kung hindi pala kaaya-aya ang aking hitsura ngayon?

Napasapo na lang ako sa aking noo at muling idinilat ang aking mga mata upang muling pagmasdan ang aking sarili sa salamin, ito pa rin naman ang aking hitsura ngunit dahil sa paulit-ulit na pagsulyap ko sa aking hitsura ay pumapangit na ito.

Habang pinagmamasdan ang aking sarili ay napatigil ako matapos maalalang tumatakbo ang oras at baka abutin pa ako ng gabi rito, pinaghihintay ko rin sya. Tila maiiyak akong napahilamos sa aking mukha at humakbang na papalapit sa pinto ng palikuran.

Napahinga ako ng malalim. Kaya mo ito, Anastacia. Bubuksan mo lamang ang pinto at ngingitian si Khalil, naiintindihan mo? Napapikit na lang ako ng mariin bago lakas loob na buksan ang pinto.

Bumungad sa akin si Khalil na nakaupo ngayon sa kanyang malambot na kama at nakatalikod sa akin, binobotones nya ang kanyang polo ngunit napalingon sya sa akin matapos marinig ang pagbukas ng pinto. Nagtama ang aming paningin, napagtanto ko na bagong ligo rin sya.

Naramdaman ko ang muling pagkabog ng aking puso na nangyayari sa tuwing sya ay aking nakikita. Napalunok ako at nahihiya syang nginitan, ako'y tinignan nya mula ulo hanggang paa. Akala ko ay hindi nya magugustuhan ang aking hitsura ngunit naglaho ang lahat ng iyon matapos makitang mapangiti sya.

Tumayo na sya at pinagpatuloy ang pagbubutones nya sa kanyang suot na polo, roon ko lang napagtanto na kulay kahel din ang suot nyang panloob. Nakasuot sya ng itim na sapatos at pantalon, hindi ko mapigilang mapangiti matapos maisip na sinasadya nyang makapares ako.

Tila nagmamadali sya kung kaya't nagkamali ang pagbubutones nya, napalunok sya at napasulyap sa akin. "S-sandali lang," saad nya at sinubukang ayusin ang kanyang butones, napahinga ako ng malalim at nilapitan sya upang tulungan.

"H-hindi mo naman kailangang magmadali," saad ko at tinulungan syang ibutones ang suot nyang polo, hindi ko magawang tignan sya ng diretso ngayon sa kanyang mga mata dahil hindi rin ako makapaniwalang ginagawa ko ito ngayon!

Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi hanggang sa matapos ko nang ibutones iyon, dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa kanya at napatigil sya dahil sa aking ginawa ngunit hindi nya rin napigilang ngumiti.

Pag-ibig Serye #3: TadhanaWhere stories live. Discover now