New and Old

101 10 0
                                    

(Reimon Sanches)

Third's P.O.V

*Flashback*

"Happy birthday pala sa anak mo, paki bigay nalamang ito at mukhang hindi ko siya maaabut- Arius anak naandiyan ka na pala-" Sambit ng isang may edad na lalaki na naglalakad palabas ng munti nilang bahay kasabay ang ina ni Arius.

"How many times do I have to tell you to never call me that! You're not my father at hindi ka gusto ni mama-" Sagot ng batang galing eskwela.

"Arius? Pumasok ka na sa loob!" Suway ng kaniyang ina.

"Tsk, aalis muna ako... Paki sabi kay Aaron na mamayang gabi na kami gumawa ng mga assignments!" Dali daling tumakbo paalis muli si Arius.

Natagpuan nalamang niya ang kaniyang sarili na tumatakbo papuntang libingan ng kaniyang yumaong ama, sa likuran ng malaking mansiyon na dati nilang tinitirahan.

"It's my first birthday na wala ka, sabi mo po may regalo ka saakin sa ika 18th birthday ko? I always wished that it will be a puppy or a cat, paano mo na po iyon maibibigay saakin ngayong wala ka na?" Nagsimulang tumulo ang mga luhang namuo sa kaniyang mga mata.

Pinagmasdan lamang niya ang punong tumubo sa paanan ng puntod ng ama, sumandal siya dito at pinunasan ang mga luha.

Isang taon na ang lumipas simula ng umuwi siya sa kanilang mansion at naabutan ang mga tao mula sa Local Government Unit na kausap ang kaniyang ina, ang araw na nakita niyang magwala ito dahil sa balitang nalaman tungkol sa pagpanaw ng kaniyang asawa, ang kanilang ama.

"Hindi ka dapat umalis nung araw na iyon, pinilit ka namin-" Natigil siya sa pag iyak ng maramdaman niyang may namumuong hugis sa kaniyang tabi.

Dali dali siyang tumayo at hinarap ito, isang kaluluwa na puno ng makatindig balahibong kalakasan ng puwersa. A sinister Aura!

"Sino ka? A regular soul cannot penetrate this land, anong pakay mo-"

"Huh? So you are the one responsible for this irritating barrier?" Sagot ng isang boses na nagmumula sa itim na usok na namumuo katabi ng puno.

"Let the sky crack-" Naputol ang konsentrasyon ni Arius ng maramdaman niya ang panghihina ng katawan.

"Finally! I found a one in a million Dark Arts user, a talented Necro!" Nakakangilabot na sigaw ng imaheng itim.

Sa panahong inilaan para turuan siya at hasain ang kapangyarihan ng kaniyang ama, upang ma protektahan niya ang kaniyang sarili laban sa mga masasamang elemento ay ngayon lamang siya tunay na nakaharap ang isang masamang elemento, kaya't labis nalamang ang kaniyang pagka bigla ng masaksihan ang nakakatindig balahibong nilalang na kaharap niya ngayon!

NecromancyWhere stories live. Discover now