01 -Blake's Beach

6 2 0
                                    

Val's Pov

"Mommy, do they have sharks here too?"

"Baby, they don't have that here, sharks is too dangerous."

"But ocean parks have them, right?"

"That's Ocean park baby, ofcourse they have every kind of sea animals, but baby...nasa beach tayo eh"

"But Mommy, I want sharks too..."

Napangiti nalang ako sa ka kyutan ng batang nasa tabi ng beach at kasama ang mommy nya ng maramdaman kong may naupo sa tabi ko.

"Ba't nag sosolo ka dito mag isa?" Tanong ni Calvin na ikina-irap ko

"Kaylangan ba pag nag sosolo by group?" I asked sarcastically making him pout.

Hmp! Kala mo naman sinong cute.

"What I mean is...bakit nag sosolo ka dito, nag kakatuwaan sila dun oh" aniya at nginuso ang mga kwagong nag hahabulan sa tubig.

Tsk, parang mga bata talaga.

"Ayoko dun, ako lang naman laging pinag ti-tripan yo eh..." malakas syang napahalakhak dahil sa sinabi ko. Abnoy!

"Come on, Val. Di kapa ba sanay?"

"Sanay na, pero nakakasawa na pag mumukha nyo kaya kaylangan ko munang lumayo"

Madrama syang napahawak sa dibdib "V-Val naman... Nananakit kana-"

"Manahimik ka nga, ang arte mo!"

"Val!" sigaw ng mga kwago, hayst.

Nandito kasi kami ngayon sa Beach na kakabili palang ni Blake last week. Mabilis nag aya ng bakasyon ang mga kwago nang malaman nila to, ang kakapal ng mukha manghihingi lang naman ng friendly discount. Psh!

Ewan ko rin at nag pa uto pako sa mga to.

"Hoy Balerya!" agad kong sinamaan ng tingin si Asher na hindi ko namalayang nakalapit na pala at walang hiyang pinitik ang noo ko.

"Letseng Abo!" I shouted at him

"Ash, umalis ka nga. Sinisira mo imagination ni Val-"

"Mananahimik kang Brief ka o ipapasuot kita kay Trav?" Gigil na putol ko kay Calvin

"Did I just heard my name?" may nagsalita sa likod ko, malamang si Travis.

"Tris yata yun eh, bakit Val?" tanong ni Tristan na bigla nalang din sumulpot

"Letse! Bat nandito na kayo?" inis na singhal ko sa mga ito "Lumayo na nga't lahat sinundan pa..."

"Pinagkaka isahan nyo nanaman si Val?"

"Pabida ka nanaman, Xyv?"

"Mag silayas nga kayo, sinisira nyo date namin ni Val-" mabilis kong tinampal ang braso ni Calvin na agad naman nyang hinimas

"Isa ka pa eh, lumayo nga muna kayo sakin at kanina pako nang gigigil sa mga higad na kanina pa masasama ang tingin sakin dahil sa inyo!"

Totoo naman, kanina pa masama ang tingin sakin ng mga babae dito sa beach na akala mo kung ano ginawa ko sa mga kwagong to. Pakiramdaman ko tuloy may nilalandi akong labing anim na pamilyadong lalaki dahil sa uri ng tingin nila.

"Asan?" tanong ni Tyler at mabilis inikot ang paningin para lang samaan din ng tingin ang mga babae.

Hayst.

Ganon din ang ginawa ng iba maliban kay Vince na nahiga sa buhangin at ginawang unan ang hita ko...

"Don't mind them, Val. Kahit samaan ka nila ng tingin hindi mababago nun na ikaw ang nag iisang prinsesa namin, kaya hanggang ganon nalang sila..." nakangiting pang uuto nya na akala mo'y ika gagaan ng pakiramdam ko.

Nakita ko naman ang pag tango ng iba bago nag si salampakan sa buhangin.

"Yeah, Mabuhusan man ng asido ang mga mata nila..." tatango tangong aniya ni Xyv.

"Magkaroon man ng darkspot ang buong katawan nila..." segunda ni Light.

"Kahit lumobo pa yung maiikli nilang binti..." then Ken.

"Lumiit man yung mga maliliit nilang boobs..." aniya ni Jasper kaya nag tawanan sila.

Tsk, basta kalokohan talaga.

"At kahit mawalan man ng garter yung mga panty nila..." sa sinabi ni Rence ay lalo silang nag tawanan.

"Na-naiimagine ko, gago!" halos hindi na makahingang aniya ni Asher.

I massage my temple.

"Kids, we should go back to our room now!" aniya ko at tumayo na, mabilis naman silang sumunod at sabay-sabay pang sumagot na ikina iling ko nalang.

"Yes Mom!"

I look exactly like this full grown men's babysitter, damn!

Babysitting a Twenty-two to Twenty-five years old crazy owls.

"Grabe, nakakapagod. Bakasyon dapat nakaka relax, hindi nakakapagod!" Rekalamo ni Tristan

"Eh, sino ba nagsabi sayong maghapon kang maglikot sa beach?" Aniya naman ni Travis

"Nagugutom nako!" sigaw ni Vince

"Ulol, kaylan kaba na busog?" agad na bara ni George

"Manahimik nga kayo, natutylog yung tao eh!"

"Ay tao ka pala? Kala ko kwago, sabi kasi ni Val!" aniya ni Ash kay Jasper

"Bopols, nickname ni Val satin lahat yun" angil ni Blake, mukhang proud pa. Tsk.

Rinig ko ang kanya-kanya nilang mga reklamo sa loob ng suite, may isang kwarto kasi ang suite at iyon ang tinutulugan kong solo, silang lahat sa labas na walang bed kaya puro sa sahig sila.

Ewan ko sa mga to, pwede naman kaming kumuha ng kanya-kanya naming suite pero mukhang impossibleng mapalayo tong mga kwagong imprinted na yata sa isat-isa.

Sabagay, mga kuripot nga pala to.

"Gisingin nyo nalang ako for dinner!" I shouted to them from my room bago nahiga.

"Tulog kalang dyan, Jam tayo sa labas mamayang eight." sigaw pabalik ni Blake narinig ko namang napa 'Yes' ang mga kwago sa labas

"Tas gawa tayo ng Bonfire gamit yung tubig..." excited na aniya ni Ash.

Baliw.

"Tanga! Sa hangin gawa ang bonfire!" patol naman ni Calvin sa kabaliwan nito

'Great! Pano nga ulit ako makakatulog?'

"Shut up now, Val is Resting!" Ayun!

Thanks Trav!



|•|

The Princess and the Sixteen HunksWhere stories live. Discover now