08 - Promise

2 2 0
                                    

Val's Pov

Two lonely Months later...

"Valerie!"

I rolled my eyes after hearing Gusion's voice.

Nandito nanaman sya. Tsk!

Pumasok na ako sa Locker room ng mga staffs matapos ang duty ko. Nag work ako sa isang coffee shop as waitress para lang ma divert ang attention ko at hindi na tumunganga lang sa bahay para isipin yung mga taong wala.

Matapos kong mag palit ay kinuha ko na ang bag ko para lumabas...

"Uuwi kana, girl?" tanong ni Stephanie, she's one of the staffs. At naging friend ko nadin sumula ng mag simula akong mag trabaho dito one and a half months ago.

"Yeah, ikaw?"

"Mamaya pa, dami pang dumadating eh. Alam mo namang mamayang Six pa yung off ko." nakangusong aniya kaya Natawa nalang ako.

"See you sa Monday... Wala akong pasok bukas eh, bye Steph"

Paglabas ko ay sinalubong ako ng makulit na si Gusion. Tuwing duty ko bigla-bigla nalang talaga syang sumusulpot at nag ooffer ng kung ano-ano  na lagi ko namang tinatanggihan.

"Hi Valerie! Gusto mong kumain sa labas?"

"Nah, busog pa ako"

"How about mamasyal tayo sa Mall?"

"I'm tired, I need some rest"

"Oh, cge hatid na kita!"

"No, I have my Car!"

"Edi samahan nalang kita sa parking—"

Ang kulit!

"Will you please stop? I'm tired okay?! I badly want to rest and the last thing I want right now is your presence. So get the fucking lost!" I said extremely annoyed bago sya nilagpasan at pumasok sa Lamborghini ko.

Pabagsak kong sinara ang pinto nito at malakas na bumuntong hininga.

Geez! Ba't ang kulit nya, ilang beses ng pinagsabihan ang tigas parin. Tsk!

Pag dating sa malaki at tahimik kong bahay ay pabagsak akong naupo sa sofa upang umidlip sandali. At hindi naman ako na bigo.

Nung magising ay iniwan ko lang ang bag ko sa Sofa bago nag hanap ng pagkain na ready to eat sa Ref, tinatamad akong mag luto gusto ko nalang mag linis ng katawan at magdamag humilata sa kama ko.

Matapos kong kumain at makapag bihis na nang pang tulog ay lumabas ako sa Veranda dala ang laptop ko bago naupo sa isang upuan duon at ipatong ang laptop ko sa maliit ng glass table.

Napalingon ako sa bahay sa kanan ko para lang malungkot.

The house is so quite and dark, two Months ng hindi binibisita ng may ari na si Travis dahil naka base sya ngayon sa Bahay ng parents nya ten hours ride away from here.

Then lumingon ako sa kabila na bahay ni Tyler na ganon din same sa harap ko na bahay naman ni George.

I sigh.

Kaylan ko ba sila ulit makakasama? Nag kikita kami minsan ng iba, yung medyo malapit lang din dito pero maybe twice or thrice a month? Tapos hindi pa inaabot ng isang oras dahil mga nag mamadali.

Hindi nasunod yung balak nila na mag sasama-sama kaming lahat twice a Month.

Nakakapag usap nga kami minsan sa messenger lang. Pero by minsan, ibig sabihin once or twice a week dahil hindi na sila active sa social media unlike before na kahit mag kakapitbahay lang kami nag cha-chat parin kami.

The Princess and the Sixteen HunksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon