Chapter 7: The Bitches

77 7 13
                                    

Song to vibe: Best friend by Saweetie ft. Doja Cat.

Chapter Seven

The Bitches

Ipinarada ni Zell ang kaniyang yellow subaru hatchback car sa parking lot ng kaniyang coffee shop.

So, dito niya ko balak dalhin, huh?

Binuksan ko ang sports car niya at bumaba. Nauna na siyang bumaba. Ako naman pinagmasdan ko pa muna ang coffee shop niya. The moment I laid my eyes on his coffee shop, namangha ako. Parang kelan lang kasi nagbabalak palang siyang mag business at kinontra ko pa siya, ngayon naman ay heto at manghang-mangha ako dahil tapos na ang kaniyang dream business. Oh well, he's a business major afterall.

Napatango-tango ako sa laki at ganda ng labas ng interior design nito.

Hmm. Not bad.

Pero the moment na makita ko ang pangalan ng coffee shop niya, hindi ko alam kung mapapataas kilay ako o matatawa.

The hell?

Mr. Bean Café?

"Seriously?! Mr. Bean Café?" Natatawang sinundan ko siya papunta sa entrance ng coffee shop. "Bitch, where the hell did you get your coffee shop's name? That's weird. Idol mo ba si Mr. Bean?"

"Shhh!" Sinenyasan niya kong tumahimik. Kaagad naman tuloy ako napahinto.

"Bitch, what's the problem?" Kunot-noo kong pabulong na tanong sa kaniya. Hindi siya sumagot, may tinuro lang siya. Tinignan ko naman ang tinuro niya. Napakunot-noo lalo ako nang makita ko ang isang babaeng nahihirapang buksan ang pintuan ng entrance ng coffee shop niya.

"What is she doing?" Pinigilan ko ang hindi matawa dahil mukhang matatae na ang babae para mabuksan lang pintuan pero ayaw nitong mabuksan.

"Fucking idiot." Malutong naman na mura ni Zell na tuluyan kong ikinatawa dahil sa itsura nito. Para kasi itong na-offend sa ginawa ng babae.

Nilapitan niya ang babae. Pagkalapit niya ay tinapik niya ito sa balikat. Kaagad naman napatigil ang babae sa ginagawa nito at inosenteng tinignan siya. Napatirik ang mata ni Zell, pinamewangan ang babae at maarteng sinenyas nito ang kamay para mausog ang babae dahil siya na ata ang magbubukas ng pinto. Kaagad naman tumalima ang babae at gumilid nga para bigyan siya ng daan.

Napa flip hair muna si Zell ng kaniyang imaginary long hair bago nito buksan ng walang kahirap-hirap ang pintuan. Ang pintuan kasi ay kailangan i-push papasok. Nahirapan ang babae dahil she keep on pulling the door handle. Tinignan ni Zell ang babae na parang pinipigilan nito ang sariling kutusan ito.

"Bitch, this is how you open these fucking door, okay? Come!"

Pagkasabi nun ay sinenyasan pa nitong maunang pumasok ang babae pero pareho kaming napatanga ni Zell dahil imbes na pumasok ay parang manghang-mangha ito dahil sa ginawa ni Zell at pumalakpak pa.

Nagkatinginan kami ni Zell. Na-weird-uhan ako. Ganun rin ata siya? Pero nagkibit-balikat lang ako sa kaniya. Napairap tuloy si Zell at tuluyan nalang pumasok sa loob. Sinundan ko ito pero bago iyon, huminto ako sa harap ng babae at nginitian ito. Pero dapat pala hindi ko na ginawa dahil biglang napamulagat ang mata nito pagkakita sa'kin na parang nakakita ng multo? Nawala tuloy ang ngiti ko at biglang naalala ang itsura.

Damn,  I'm a mess nga pala..

Tinalikuran ko na tuloy ito at pumasok nalang sa loob. Pagpasok ay bumungad sa'kin tunog ng wind chime na nakasabit sa entrance at ang kanta ni Saweetie at Doja Cat na Best friend ang title. I looked around. Napansin kong brown, white and black lang ang kulay ng interior sa loob pero halos lahat ay transparent na salamin lalo na ang mga dingding. It has also a touch of European style because Zell is a half British.

Long Story Short (CS#1)Where stories live. Discover now