SPECIAL CHAPTER 🔞🔞🔞

13.5K 321 34
                                    

R-18 

***

Dahil busy si Azrael sa opisina, napagpasyahan ni Nyx na mamasyal muna sa malalapit na lugar. Napatigil siya sa paglalakad nang makitang tumatawag si Tabi sa kanya.

Nasa Maynila rin daw ito at malapit sa kinaroroonan niya. Napagkasunduan nilang magkita na lang din.

"Saan tayo pupunta?" Tanong niya nang makasakay sa sasakyan nito.

"Kain tayo sa cafe ko rito. Tapos may magandang bar tayong pupuntahan."

"Uh...hanggang anong oras tayo roon?"

"Gusto mo bang ipaalam kita sa asawa mo?"

"Ako na lang-"

"Ako na. Akin na."

Itinabi ni Tabi ang sasakyan at saka tinawagan ang asawa niya.

"Mga anong oras ko siya ibabalik sa iyo Sir?...Ah ganoon ba? Sige, thanks Sir Azrael!"

"Ano daw?"

"Susunod na lang daw siya. Itetext ko na lang sa kanya iyung bar. For sure alam niya. Suki naman siya rito noon."

"Talaga?"

Tumango ito. "Sa tingin mo saan niya nakuha ang pagka-playboy niya kung hindi siya tambay sa mga bars?"

"Ah..."

Tinapik siya nito. "He's married to you. He's as faithful as he can be, my friend. Magba-bar tayo to have fun."

She just nodded. Nae-excite siya actually. This is the side of her husband that she wasn't exposed to. She was curious.

Nang makarating siya sa cafe ni Tabi ay iba ang hitsura nito sa Drunk and Sober. Mas modern at minimalist ang style ng cafe na iyon.

The food was as great kaya naman nabusog talaga siya.

"Anong ginagawa mo pala rito?"

"Hinila lang ako ni Calhoun. Alam mo naman iyon, clingy."

"Malapit na pala iyung awards night 'di ba?"

Tumango ito. "Isa pa iyon. Isasama raw ako. May pabaon tuloy si Marceline na gown sa akin."

"Baka gusto ka na niyang ipakilala sa mundo, Tabi. It's high time."

"I'll just miss those days when we can still enjoy what we have to ourselves."

"Don't divulge everything. Keep your relationship private. Pwede pa rin naman iyon. People can't ruin what they don't know."

"Salamat." Tumayo na ito at nag-inat. "Tara na sa bar. Nagsisimula na ang mga kasiyahan. But before that, we have to dress up more appropriately."

Hinila nanaman siya nito sa isang boutique at pinilian ng puting mini dress. 

She was pulling the hem lower. "Hindi ba ako masisilipan dito, Tabi?"

"Hindi iyan!"

"Baka magalit iyung asawa ko."

"Oh he'll love that outfit."

Napakamot na lang siya ng batok bago sumama na rito palabas.

And so they went to a posh club. Maraming nakapila sa labas. Parang conservative pa pala iyung suot niya. Women were wearing clothes that are more revealing than what she's wearing.

Tabi flashed a card and they were let in immediately.

Pinakita ni Tabi sa kanya ang card. "Extension ako ni Calhoun. VIP kasi siya sa club na ito."

Versailles Series Book 3: The Nun [COMPLETED]Where stories live. Discover now