short comedy story (untitled)

10.1K 72 1
                                    

Ang saya rin pala kapag yung boyfriend mo sakristan tapos ikaw demonyo, ano?

Nagmura lang naman ako ng isang beses sampung misa na yung sinabi niya sa akin.

"Eh, ginulat mo nga kasi ako!" naka-pout kong sabi.

"Nagulat ka man o hindi, nagmura ka pa rin. Alam mong kasalanan ang pagmumura, Lyka," aniya kaya naman napayuko na naman ako.

"Sorry na," paglalambing ko. Ngumiti naman ito at agad akong nilapitan.

"Bawas-bawasan mo na ang pagmumura hanggang sa tuluyan ka ng masanay na hindi ka nagmumura." Tumango ako at niyakap siya.

"OH MY GOD!" Napatalon ako ng may makitang ipis!

"Lyka, huwag mong babanggitin ang pangalan ng Diyos sa mga bagay na walang kabuluhan," sulpot na naman ni Michael.

"Eh tangina ka ba! Alam mo namang takot ako sa ipis. 'Tsaka expression ko lang yon!" Pagtatanggol ko sa sarili.

"Nagmura ka na naman." Napa-iling na saad nito.

"NOOOO! DIOS KO PO!" asik kong muli ng makitang papalapit ang ipis.

Umiling si Michael bago 'yon patayin gamit ang tsinelas.

Halos umatras ako sa kinatatayuan ko ng makita ang matatalim nitong titig.

"Sa susunod na sumigaw ka pa kasama pangalan ng Panginoon, sa ibang lugar mo na magagamit pagsigaw mo." Matalim nitong sabi kaya naman napatahimik ako.

Nang maintindihan ang kanyang sinabi ay agad kong tinakpan ang aking bibig.

GAGONG SAKRISTAN 'TO!!!

#shortstorychallenge

her piecesWhere stories live. Discover now