CHAPTER 1

5.5K 99 39
                                    

Hi i'm celestine lyn.

"Celestine!! gumising kana!!" sigaw sakin ni tita.

"grabe ka naman po tita, maka sigaw. Bakit nasa kabilang kanto ba ako?" sagot ko

"naku wag mokong pilosopohin, hindi ba sabi mo saakin ay gisingin kita ng 7 am? kasi may interview ka?"  sabi sakin ni tita.

"Halaa!! oo nga po pala!!" kinuha ko ang phone ko at pag tingin ko ay 7;33 am na, dali dali akong nag punta sa c.r para maligo. Naka limutan ko ngayon pala yung interview ko!

Pag katapos kong maligo ay nag damit na ako nang pormal na damit, at hindi na ako nakapag paalam kila tita dahil sobrang late na ako.

Habang andito ako sa bus, biglang nasiraan kami ng gulong, kapag minamalas ka nga naman talaga oh.

"manong matagal pa ba yan!? late na late na ako oh" tanong ko.

"Oo matagal pa to, kaya kung hindi ka makakapag hintay bumaba ka" sigaw sakin ng driver.

Wala na akong oras kaya bumaba nalang ako kesa hintayin kong matapos si manong dun sa gulong.

Nag lakad ako papunta sa pupuntahan ko, hindi ko napansin na may sasakyan pala.

"pasensya na po, nag mamadali kasi ako" sigaw ko sa driver.

"Mag papakamatay kaba!? kung gusto mo mag pakamatay, wag mo kaming idamay" sigaw sakin ng driver.

"ay wow ang sungit, sorry na nga eh diba?" sagot ko, hindi talaga ako nakikipag talo sa kanya. Nakakainis kasi yung mukha nya.

"Alis dyan, ano wala kang balak umalis?" sigaw sakin ng driver.

Nakita ko naman na may nag baba ng binta sa sasakyan, isang babae, maikli ang buhok, amo'y expensive, at mukhang mayaman.

"p-pasensya na po ulit, eto na oh aalis na. Nag mamadali ha?" pang aasar ko sa driver at lumakad na ako.

Wala pang ilang oras ay naka rating na ako sa pinupuntahan ko, nagulat ako ng nakita ko ang sasakyan na muntik ng maka bangga saakin. Sinusandan kaya ako nito? may galit kaya sila sakin? ipapapatay ba nila ako? Naku wag muna jusq.

Dumiretso na ako sa loob ng building, napaka laki ng building ang ganda ganda, natigil ako sa pag iisip ng bigla kong nakita yung babaeng nasa kabilang bintana kanina ng sasakyan.

At shempre nakita ko ang driver nya, nginisian ko lang ito at nag patuloy na sa pag lalakad.

Nandito ako ngayon sa loob ng elevator papunta ng 23 floor, nang maka rating ako sa pupuntahan ko nakita ko ang babaeng naka suot ng fitted skirt.

"hi, ikaw ba si celestine lyn?" malambing na tanong nya sakin, with matching smile pa.

"uh oo ako nga" sagot ko sa kanya.

"halika, ituturo ko sayo yung daan papunta sa office ni ma'am irene" sabi nya saakin, at nag patuloy kami sa pag lalakad.

Nang makarating kami sa pintuan ng office ng sinasabi nyang ma'am irene bigla syang nag salita.

"Galingan mo! sana makapasa ka!" sabi nya saakin at umalis na sya.

Oo aaminin ko kinakabahan ako, alam kong ilang beses na akong nag apply  pero ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

*knock knock*

"come in" sabi ng babaeng nasa loob ng office.

Pag pasok ko ay naka yuko lamang ako, dahil sa sobrang hiya ko.

"have a sit ms"

"so, what's your name?" tanong nya sakin

"uh ah uhm, ako po si celestine lyn" pag kasabi ko ng pangalan ko ay tinignan ko sya. At nagulat ako sa nakita ko, sya yung nasa sasakyan kanina, sya nga!

"What's wrong ms. celestine? para kang naka kita ng multo" tanong nya saakin

"uh, ma'am pasensya na po kanina hindi ko po sinasadya" pag makakaawa ko

"no it's okay, btw i'm maria irene celestina marcos, i am the owner of this building. In short i'm the c.e.o" pag papakilala nya saakin

"mag kapangalan po pala tayo haha" sagot ko

"hindi, mas maganda ang pangalan ko" pag mamataas nya saakin

Nagulat naman ako sa sinabi nya, akala ko pa naman mabait to mukhang masungit hmp. Anong maganda sa name nya eh halos mag kaparehas kami duh.

Maka lipas ang ilang minuto, natapos na ang interview.

"okay, pwede kana mag start bukas bilang secretary ko " sabi nya sabay smirk.

"S-salamat po" tanging sagot ko

"bukas ayokong malelate ka, kapag nalate ka tatanggalin kita" sabi nya sabay taas ng kilay.

Abaaa!! napaka sungit naman neto, porket sya ang boss. Kalma celestine boss mo yan

"yes po, salamat ulit" sabi ko at nag fake smile

Agad naman akong umalis, hindi ko matiis ang katarayan nya jusq, panget ba yung pangalan ko? totoo ba?

Maaga akong umuwi sa bahay dahil sa sobrang saya ko, dahil natanggap ako sa isa sa mga magandang kumpanya sa pilipinas.

"tita guess what!!" sigaw ko

"Naka pasa ka!?" tanong nya.

"yes po!!" sabi ko at sabay kaming tumalon talon dahil sa tuwa.

"sabi na nga ba, sino ba kasing hindi kukuha sayo? eh ang talino mo na nga masipag kapa!" tita

"naku tita, sa unang sweldo ko mag papakain ako haha" sagot ko sa kanya

"naku masaya yun!" tita

"Opo haha, tita maiwan na po kita mag papahinga na po ako maaga pa po ako bukas eh" sagot ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

sobrang nakaka pagod ang araw na'to, pero atleast may nangyaring maganda, at ako yun ako yung maganda eh charot haha.

a mother's treasure is her daughterWhere stories live. Discover now