CHAPTER 2

2.3K 72 82
                                    

Maaga akong nagising, charot wala pakong tulog hindi ako maka tulog. Ewan hindi ako maka tulog eh haha siguro excited?

Pag katapos kong mag ayos, ay nag paalam na ako kila tita, at pumunta sa terminal ng bus.

*ff*

Pag kababa ko ng bus, ay inayos ko muna ang sarili ko dahil gulo gulo ang buhok ko.

"Goodmorning ma'am" pag bati ko kay ma'am celestina.

"u can call me, ma'am irene" sagot nya.

"o-opo, ma'am irene hehe" dumiretso na ako sa table ko at inayos yung mga papers ko.

Makalipas ang tatlong oras, ay breaktime na namin, hindi ako kumain kasi wala akong gana, samantalang si ma'am irene nag papakasarap dun sa kinakain nya ,hmp.

"Bakit di ka mag lunch? don't tell me wala kang pera?" nagulat naman ako sa sinabi nya at napatingin sa kanya.

"hindi po, busog pa po kasi ako" grabe naman tong babaeng to, anong akala nya sakin? na sobrang hirap ko? grabe ha.

"Pag hindi ka kumain" pinutol ko naman ang sinabi nya at nag salita ako.

"ma'am don't worry, okay lang po ako. Ano ba haha" sagot ko

"what!? pag hindi ka kumain, walang laman yang utak mo kapag walang laman yang utak mo tatanggalin kita dito, ayoko ng shunga shunga" pag mamataas nanaman nya sakin

Ay wow grabe to mag salita, personalan.

"Okay po haha, excuse" sabi ko at lumabas ng office, jusq napaka sama ng babaeng yun. Pinag lihi ba yon sa sama ng loob!?

pag kalabas ko ng building nakita ko si tope, sya yung pilit nanliligaw sakin kahit ayoko, alam nyo kung bakit? shempre hindi diba. 50 na sya tapos ang lakas ng loob manligaw sakin, pero mabait naman sya kaso ang kulit talaga eh, wandot ibabaon ko to sa lupa.

"hi my dear my love my everything" pag bati nya saakin.

"Tigil tigilan moko tope, wag ngayon wala ako sa mood" sagot ko

"Bakit my dear my love? may nangyare ba sayo my sunshine?" -tope.

Yes po opo, hindi sya nauubusan ng tawag sakin kung ano ano nalang pinag tatawag nya sakin.

"Pwede ba? wala ako sa mood oh" sabi ko at lumakad papuntang mcdo.

"Samahan kita? gusto mo, my bebeloves?" malambing na sabi nya sakin.

"May boyfriend kana pala?" narinig ko ang boses na yun sa likod ko, at pag harap ko ay nakita ko si ma'am irene, sansan nalang sumuuslpot to, parang kabote.

"ah hindi ho sa ganun-" pinutol nya ang sasabihin ko at nag salita na sya.

"naiintindihan kita, alam ko namang age doesn't matter" sabi nya sabay tawa.

"Hindi po, ganito kasi yun" mag sasalita na sana ako ng nag salita si tope.

"iloveyou my dear my love my sunshine, my honey bunch sugar pie" sabi sakin ni tope.

"Ang sweet" sabi ni ma'am irene at nag evil laugh, umalis din agad si ma'am irene at sumakay sa sasakyan nya.

"ano ba tope! napag kamalan ka tuloy na boyfriend ko!" sigaw ko.

"bakit duon naman din papunta yun ah?" sabi nya sakin at tumawa sya.

"Panong mapupunta? kala mo sasagutin kita? tsaka pumayag ba akong mag paligaw  sayo?" sagot ko.

"eto naman, namemersonal" malungkot na sagot nya.

"umalis ka sa harap ko! tse!" sigaw ko, at lumakad na ako papuntang mcdo.

Pag katapos kong mag lunch ay dumiretso na ako sa office.

pag pasok ko sa office nakita ko si ma'am irene na may kaharutang lalaki, naka yakap pa sa kanya at nag haharutan sila.

"Oh andyan kana pala" sabi nya saakin, ngumiti lang ako at dumiretso na ako sa table ko, hindi ako makapag concentrate dahil sa ingay nila, tawa sila ng tawa tsk ganito siguro kapag no boyfriend since birth nyo? ang bitter ko.

Nakita kong umalis na yung boyfriend nya ata na yun, at hindi ko lang pinansin.

Natapos ang araw ko na puro trabaho at dutdot sa computer, alam kong uwian na namin pero gusto kong mag overnight.

"hindi kapa uuwi?" tanong sakin ni ma'am irene.

"Mag oovernight sana ako" sagot ko.

"Okay" tipid na sagot nya at umalis na sya, ako nalang mag isa dito medj nakaka takot.

*fast forward*

Pauwi na ako ng biglang may humawak saakin.

"akin na pera at bag mo" sabi sakin ng lalaki.

"subukan mong sumigaw, sasaksakin kita" sunod nya pang sabi.

"Sige saksakin moko, wala naman akong kwenta sa mundong to" sabi ko, nagulat ako ng may humarang saming malaking van. akala ko katapusan ko na pero hindi pa pala, sabi nga nila matagal mamatay ang masasamang damo.

Nakita kong bumaba ang 5 lalaki galing sa van, may dalang baril.

"aba ginoong maria punong puno ka ng grasya-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng bigla akong binitiwan ng lalaking gustong kumuha ng gamit ko, natakot ba? sabi na eh dasal dasal lang.

Pag dilat ng mata ko, nakita ko ang 5 lalaki sa harap ko at isang mataray na babae?

"wag nyoko patayin please, unang araw ko palang sa trabaho oh. Di pa nga ako mayaman-" hindi ko ulit natuloy ang sinasabi ng ko ng biglang nag salita yung babae

"Huy! Hindi ka namin papatayin no, mukha ba kami mag nanakaw? grabe ha" sagot nya.

Para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan nang sinabi niyang hindi niya ako papatayin.

"naku, salamat salamat po maraming thank u po" sagot ko

"Gusto mo sumabay kana samin? gabi na kasi oh, baka kung ano pang mangyare sayo"alok sakin ng babae.

"wag na po, salamat nalanh po pero nakakahiya po" sagot ko

"Wag kana mahiya, btw i'm imee." pag papakilala nya sakin.

"A-ako po pala si celestine lyn" -sagot ko

"Wow? i like your name ang ganda, kasing ganda mo" sabi nya sakin

Medjo kinilig naman ako sa sinabi nya, di katulad ng isa kong boss don, ang panget daw ng pangalan ko tsk.

"so ano? tara na sakay kana" aya nya sakin

wala naman akong choice kung hindi sumama, pumasok na ako sa loob ng van.

"salamat po ulit ma'am imee"- celes.

"Wag kana mag thank you hija, kahit naman siguro gagawin yun"- imee.

"Salamat po talaga"- celes.

*ff*.

Naka rating na ako sa bahay namin, at nag paalam na ako kay ma'am imee, ang bait bait nya kasi sakin.

a mother's treasure is her daughterWhere stories live. Discover now