KABANATA APAT

18 2 0
                                    

"You're awake, finally" Isang mahinahon ngunit may makapal na boses ang sumalubong sa akin. May mala-anghel na pigura na siyang ilang beses nang naghatid sa akin ng gaan ng loob.

Bakas ang pag-aalala sa mga mata nito, na siyang naging dahilan upang maiwan ang paningin ko sa kaniya na animo'y nanghihigop ito. Bakit ganito ang nararamdaman ko?, nagchicheat na ba ako? Ang tanong ko sa aking sarili dahil hindi ko maintindihan ang mga nararamdaman ko sa mga oras na ito. Ang tanging alam ko lang ay safe ako sa kaniya at komportable ako sa kaniya.


"May dala ka bang phone? Nataranta ako kanina dahil wala kang kadala-dalang gamit, pasensya ka na kung imbis sa hospital ay dito kita dinala sa condo ko. Trust me, I wont do anything. Its just that, hindi ako masiyadong naniniwala sa kakayahan ng Doktor"  Paliwanag nito sa akin. Hindi ko na muna tinapunan ng pansin ang sinabi niyang hindi siya naniniwala sa kakayahan ng mga Hospital Doctors, at umiling bilang sagot sa tanong kung may dala akong phone.Nang makapasok kasi ako sa aming bahay noong mga oras na iyon, nilapag ko ang bag ko sa table na nakatapat sa sofa namin nun, at naroon ang aking cellphone.

That explains why I saw gray theme instead of white one. Nang sabihin lang ni Erven na nasa kwarto niya ako, doon ko palang nilibot ang paningin ko sa isang simple ngunit napakaeleganteng tignan na kwarto niya. Ang kanyang comforter ay kulay abo rin, pero ang mga cabinets niya at ang mga pinto ay puti. Basta napapalibutan nang pinaghalong puti at kulay abo ang kwarto niya, grabe ang gandaaaaa.



Sa nakikita kong ibang accessories niya rito sa kwarto niya, kagaya ng isang painting sa gilid ng pinto niya, masasabi kong mayaman itong si Erven. Siya nga pala, andon siya sa kusina niya ngayon dahil daw ipagluluto niya akong soup. Medyo nahihiya ako kasi inaasikaso ako ng isang stranger pero hindi ko talaga maintindihan kasi para siyang familiar talaga sa akin at napaka komportable ko talaga sa kaniya.


Halata naman kasi sa mukha niya na  mabait siya, ang linis niya kayang tignan. Simula sa maamo niyang itsura, hanggang sa kaniyang pananamit at mga ikinikilos. Para siyang pinaglihi sa kahinhinan kasi napaka kalmado niya kumilos at magsalita, kapag kausap mo siya parang pinaparamdam niya sayong hindi ka na dapat pang mamroblema, yung pakiramdam na I always got your back, so don't worry feeling ganooorn.


"Hope you like this soup I cooked for you" Sambit nito matapos ilagay sa lamesa ang isang tasa ng sopas. May lamesa kasi siya dito bukod pa sa study table niya, parang mini living room kaya inakay niya ako papunta sa lamesa niya doon at inaya akong gayahin ang paraan niya ng pag upo na Indian Sit.


Matapos kong matikman ang malinamnam niyang Sopas ay umupo ako sa sofa na nasa tapat ng kanyang maliit na lamesa. Hindi kasi nakalapit ang lamesa sa sofa kaya naman ay umupo nalang kami sa sahig noong kumain ako. Naiilang pa nga ako dahil sa buong oras na kumain ako ay nakatingin lang siya sa akin, pinapanood ang paraan ko ng pagkain.


"Bakit ka nga pala sa kalsadang iyon? Anong ginagawa mo roon?" Panimula nitong tanong matapos mapansing medyo gumiginhawa na ang pakiramdam ko. Ikukwento ko ba?




"You know what, I am not forcing you to tell the real story. Just don't forget to think of yourself, kasi hindi mo malalampasan yang pinagdadaanan mo kung hindi mo iisipin ang kalusugan mo. What if hindi ako yung nakasama mo roon?" Medyo kinikilig ako kasi para siyang bf ko sa mga sinasabi niya, pero sa kabilang banda'y nagtataka lang ako kasi concern na concern siya sa akin.

Untold Lovestories (All for love)Where stories live. Discover now