Chapter : 18- Shaina's Voice

61 16 8
                                    

Chapter Eighteen

Seth's Point Of View

Mabilis na kumilos si Elijah na tumakbo tungo sakin at hindi nagtagal bigla itong lumitaw sa harapan ko kaya naman mabilis din akong tumakbo pagilid para iwasan at e maintain sana ang distansya namin pero hindi palang ako nakakalayo ng sobra ay mabilis din naman niyang naharangan ang daan sabay mabilis na hinambalos nito pa swing horizontally ang kanang braso niya kaya't mabilis ko din namang naiharang patayo ang kaliwang braso ko kaya't nung sandaling tumama ang suntok niya malakas din akong tumalsik pagilid at ilang paggulong din ang nangyari bago ako tuluyang makakuha ng tamang balanse at kaagad na nakatayo ulit at halos 20 meters o higit ang inilayo ko sa kaniya.

Napadaing naman ako ng bahagya dahil tila nagkapasa ang braso ko dahil sa pagsalag sa suntok niyang yun.

Hindi ko talaga dapat patagalin ang laban nato dahil malamang matatalo na ako pag nangyari yun. Hinawakan ko ang hilt ng aking espada para sana bunutin na ito pero bigla ko namang naisip na hindi ko siya dapat patayin kaya't inis nalang akong bumitiw dun at nag offensive stance nalang bago mabilis na tinakbo ang distansya naming dalawa ni Elijah.

Sa estado talaga ngayon ng lalaking to, imposible na ang maka distansya pa ako sa kaniya. Kaya't wala akong ibang mapagpipilian kundi ang labanan nalang talaga ito ng mabilisan.

Pero nung sandaling malapit na ako sa kaniya mabilis din namang kumabog ng sobrang lakas ang dibdib ko kasabay nun ay tila isang karayum na tinusok ito kaya't napatigil ako sa king pagtakbo at napadaing sa sakit.

Mahigpit ang hawak ko sa aking dibdib at naisip ko na baka hindi na ako aabot sa oras kapag nag tuloy tuloy na ang sakit na ito.

Dahil dun hindi ko naman namalayan na nakakilos na pala si Elijah at mabilis itong lumitaw sa likuran ko sabay mabilis na inihambalos pababa saking bunbunan ang kanang kamao niya pero mabuti nalang at gumulong agad ako pakaliwa kaya't yung lupa lang ang tuluyang nabitak at nawasak at hindi ang mismong ulo ko.

Paikot niya namang isinipa ang kaniyang kanang paa pa swing sa direksiyon ng kanang pisnge ko din pero kaagad ko ring iniyuko ang aking ulo sabay nag step back ng isa hanggang dalawang beses pero mabilis lang din siyang nakasunod at tila kidlat na lumitaw sa mismong harapan ko sabay malakas at harapang isinuntok ang kanang kamao niya tungo sa mismong mukha ko.

Pero bago yun tuluyang tumama mabilis din naman akong pumagulong ulit tungo sa kanang side niya at nung sandaling makatayo ako dun mabilis niya ding pa swing na isinuntok saking kanang pisnge ang left fist niya pero mabilis akong nag somersault palagpas sa uluhan niya sabay mabilis na lumapag kaliwang side naman niya.

Kasabay nun ay mabilis ko ding itinipon ang kidlat sa kaliwang palad ko at mabilis na pinabulusok yun tungo sa tagiliran niya, pero mabilis din naman siyang nakagalaw at humarap sakin sabay tinangkang iharang ang dalawa nitong palad para salagin ang palad ko din na punong-puno ng lightning energy. Sa lakas ng enerhiyang bumabalot ngayon sa dalawang palad niya hindi malabong mapigilan lang niya ang atakeng to.

Kaya't ilang pulgada nalang sana at tuluyan nang magkakalapit at magkakadikit na ang mga palad naming dalawa pero mabilis ko din itong pinigil sabay iniba ang direksiyon na imbes ay sa tiyan niya ang puntirya ko ay mabilisan ko itong iniba ng direksiyon paitaas kaya't mabilis itong direktang tumama sa baba niya dahilan ng kaniyang ikinatalsik paitaas din at mabilis din siyang nag landing mga 30 meters away o mahigit mula ngayon sa aking kinatatayuan.

In just a split-second nagawa kong ibahin ang direksiyon ng atake ko which is so surprising kahit sa mismong part ko.

Pero kasabay din nun ay tila sumakit na naman ulit ang dibdib ko kaya't napaluhod agad ako sa lupa habang yapos yapos ang aking dibdib habang nakatukod sa lupa ang isang kamay.

Noble Swordsman [Book Two COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon