Chapter Eighteen

378 17 0
                                    

LUMAPIT si Jeric kay Tatay Pio na nakatayo malapit sa maliit na gate na siyang humihiwalay sa mga villa at sa beach. Nakakapote ito at may suot na bota katulad niya. Inikot niya ang tingin sa paligid. Wala pa ring tigil ang pagbuhos ng ulan at malakas ang hangin.

"Anak, marami tayong lilinisin dito kapag tumigil na ang bagyo. Mabuti na lamang at natapos na ang bulwagan ano? Eksaktong-eksakto bago tumama ang bagyo."

"Oo nga, 'Tay." Sang-ayon niya.

"Kumusta ang asawa mo?" tanong nito.

Napatitig siya rito. Ngumisi ang matanda saka siya tinapik sa braso. Hindi niya inaasahan ang salitang ginamit nito patungkol kay Susie.

"Hindi ba't kay sarap pakinggan? Saan pa nga ba kayo papunta, doon rin naman? Nakita namin kanina ang labis na pag-aalala mo nang makauwi kayo. Nakita ko kung paano mo siya inaalagaan."

"Nabugbog ang katawan niya dahil sa nangyari. I wouldn't want her to be out here, ang gusto ko lang ay magpahinga siya."

"Mabuti iyon. At kung maaari ay tumigil ka muna rito para magkasama kayo. Aba, palagi ka na lang abala sa trabaho."

"Malapit na ho ang merger ng kompanya ko at ng Salbatierro Corporation kaya marami akong kailangan na asikasuhin. I'm just thankful that I came home dahil kung hindi..." malalim ang buntonghininga niya, "baka kung ano na ho ang nangyari sa kanya."

"Mahal mo?"

Natahimik siya. Kumilos para damputin ang mga nagkalat na sanga na nakita. Ano nga ba ang totoo niyang nararamdaman para sa dalaga? When she was lifeless, para siyang pinapatay sa sakit. Alam niyang habangbuhay siyang magpapasalamat sa Maykapal na nabuhay si Susie. Kung ganoon na lang ang takot sa dibdib niya...ang ibig bang sabihin ay dahil mahal niya ito?

Tinapik siya sa braso ng matanda. "Hindi mo naman dapat sagutin ang tanong ko hijo, ako naman ay nakasuporta lang sa iyo kung anoman ang patutunguhan ninyong dalawa. Mabuti kang tao at nakikita kong mabuting babae si Susie. Lagi lang kaming nasa likod mo anoman ang mangyari."

He gave him an assuring smile at sapat na iyon sa kanya.

"Kumusta ho si Pat?" tanong niya mayamaya.

Nakitulong ang matanda sa pamumulot ng mga nagkalat.

"Natutulog na. Natatakot sa 'yo at baka pagalitan mo daw. Aba, tama namang pagalitan mo siya at nang hindi na bumalik doon sa batis dahil napakadelikado. Mabuti na lang at hindi sila napahamak na dalawa pero talagang kawawa si Susie."

Tumango-tango siya. Hindi na talaga niya hahayaang maulit pang magtungo ang dalawa sa batis lalong-lalo na si Susie.

"Mukhang hindi titigil ang ulan magdamag," sabi niya at tinanaw ang nagngangalit na dagat. Malalaki ang alon doon.

Tumanaw rin ang matanda sabay napailing. "Bukas na tayo maglinis at mukhang madadagdagan lamang ang mga ito. Tayo na sa loob at nang makakain. Tiyak na bukas, abala tayo nito. O baka sa susunod na araw kung hindi tumila ang ulan."

Naglakad sila ng matanda pabalik sa malaking bahay. Hindi na niya matitingnan ang kalagayan ng mga treehouse dahil nagdidilim na ang paligid. He went in the room and saw Susie already sleeping. Naligo siya at nagbihis at kapagkuwan ay bumaba ulit para kausapin si Pat. Nakinig sa kanya ang binatilyo at nangakong hindi na tutungo sa batis nang hindi siya kasama.

Nakahain na ang hapunan nang umakyat siya para tawagin si Susie. Tumabi siya rito at napaungol ito. He placed his hand over her forehead. She was scorching hot.

Love Me, Susie (Completed)Where stories live. Discover now