Chapter Twenty-Four

498 17 0
                                    

BAGO pa idilat ni Susie ang mga mata ay napangiti na siya. It was such a beautiful dream, ang hiling lang niya ay huwag nang matapos iyon. Iminulat niya ang mga mata at natuon ang tingin niya sa kisame. Then she felt something heavy, bumaba ang tingin niya sa kanyang katawan, may brasong nakayakap sa kanya! Jeric is sleeping right next to her! Himbing na himbing ito at kay payapa ang hitsura.

Napalunok siya. It wasn't a dream? Talaga bang...ang naramdaman niya kagabi na yakap-yakap siya nito ay totoo? At ang mga sinabi nito...totoo din? Dahan-dahan niyang inalis ang braso nitong nakayakap sa kanya, umungol ito at bumaling sa kabilang panig.

Nakababa na sa kama si Susie ay hindi pa rin siya makapaniwala na nakikita niya si Jeric. Nakatagilid ito at hinila pa ang comforter hanggang sa balikat. Mula dito ay napatingin siya sa bintana, malakas pa rin ang ulan sa labas at nagdudulot iyon ng kakaibang lamig. Dahil nakatalikod ito sa direksiyon niya ay hindi niya makita ang mukha nito. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kabilang bahagi ng silid. He looks so peaceful. Hindi nga siya nagkakamali at talagang nasa silid ito.

Dahil ayaw niyang madistorbo ang pagtulog nito ay lumabas siya para sa kabilang silid mag-ayos ng sarili. May mga damit pa siya roon at mayroon ring toothbrush na puwede niyang gamitin. Nang matapos siya sa paliligo na inabot ng halos isang oras dahil sa nahihirapan pa siyang kumilos ay sumilip siya sa kanilang silid, tulog pa rin ito. Napangiti siya.

Bumaba siya sa salas at tanging ang malakas na ulan lang sa labas at kasabay nitong hangin ang maririnig sa buong kabahayan. She made herself a cup of coffee. Mukhang napasarap ang tulog ng mga kasama sa bahay dahil walang bakas sa kusina na may nauna na doon.

Nagpunta siya sa garden at naupo sa bench na hindi naaabot ng ulan at pinagmasdan niya ang paligid. Naisip niya si Jeric at ang hindi nito pag-alis papuntang Amerika—ibig bang sabihin ay makakasama na niya ito? At ang mga narinig niya kagabi, totoo bang sinabi nitong mahal siya nito?

Bumaba ang tingin niya sa hawak na mug, dalawang kamay niya ang nakahawak doon para maramdaman ang init niyon. Then she heard footsteps. Nakita niya si Jeric na may hawak na mug ng umuusok na kape. Walang sali-salitang umupo ito sa tabi niya.

They enjoyed their coffee while savoring the peace and quiet of the morning. Pakiramdam niya ay wala silang dapat sabihin sa isa't isa. She looked at him and smiled, ipinahinga niya ang ulo sa balikat nito saka siya sumimsim sa kanyang kape.

Pero mayamaya ay binaha ng kaba ang dibdib niya kaya siya napatingin dito. "Jeric, matatagalan pa bago ako tuluyang makabalik sa normal. What if—"

"I will take care of you, Susie. Kahit abutin ng ilang buwan, ng ilang taon. I won't get tired and I'm not just saying it, I will show you that I will always be with you in every step of your recovery."

She sighed as she nodded at him. "Hindi ka mapapagod?"

Umiling ito saka siya nginitian. "Never."

Muli siyang sumandal sa balikat nito. She felt happy, parang hinehele ng mga anghel ang puso niya.

"I plan to spend the whole day with you in the bed." Sabi nito.

Matamis ang ngiti sa kanyang mga labi nang tingnan ito ulit. "Puwede ba 'kong tumanggi?"

Umiling ito. "Nope."

"Okay."

They grinned at each other.

********

AFTER three weeks of consistent hospital visits, inalis na ang sling sa kanyang kaliwang braso. In a month or two aalisin na ang cast sa kanyang binti at bago iyon, they'd still have to visit the hospital and see her doctor for follow-up check ups. Habang buhat siya ni Jeric paakyat sa hagdan, hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti.

Love Me, Susie (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon