Chapter Four

LUMABAS siya ng sasakyan pagkatapos niyang magpark tsaka dahan- dahan niyang isinara ang pinto para hindi maistorbo ang tulog ng dalaga.

Pagkakita naman sa kanya ni Manang Pillar ay dali- dali itong lumapit sa kanya.

"Hijo mabuti naman nakauwi ka na rin."

Nagniningning ang mga mata ni Manang Pillar halatang sabik siyang makita at niyakap pa siya nito.

"Namiss ka namin dito hijo, lalo na si Empress."

Napapangiti pang sabi ni manang, napailing na lang siya kasi hindi pa naman niya naipapaalam kay Empress ang mga nangyari dati, wala pa itong kaalam- alam.

"Ah manang pwde po bang satin na lang muna ito, wala pa po kasing alam si Empress ei."

"Naiintindihan ko hijo." Mapag- intinding ngumiti si Manang Pillar.

"Oh hijo akala ko ba magkasama kayo ni Empress?,may pinadala pa naman na chicken curry ang mommy mo para sa kanya."

"She's with me manang, nakatulog lang sa biyahe, mauna na po kayo sa taas, sunod na lang po kami."

"Oh sya sige, ang bilis talaga mapagod ng batang yan, palibhasa hindi man lang magkainteres gumala gala kung saan. "

Napapailing pa si manang habang nauuna ng maglakad, pumunta muna ito sa sasakyan na gamit nito baka si manong Celso ang nag- drive kay manang papunta dito.

Bumalik naman siya sa sasakyan. Plano niya sanang gisingin ang dalaga ngunit naawa naman siya dito kasi ang sarap ng tulog nito.

So, he ended up carrying her. He even curse on how light Empress is, but she's not that too slim, pero napakagaan para sa kanya. Kailangan niya yata itong alagaan sa pagpapakain ng nasa tamang oras.

EMPRESS feels like she's floating in the air and there's a scent that she really loves to smell. She's smiling in her sleep. Pero bigla siyang napaisip agad kung talagang nanaginip siya.

Ang gaan ng pakiramdam niya she even hug the pillow closed and stirred like a baby.

Pero nagtataka siya kung bakit ang tigas naman yata ng unan. Nang marealized niya ang nangyayari ay agad siyang nagmulat ng mga mata.

Only to catch Adam's neck closed to her lips. And Oh my!, feels like heaven, scents like heaven. Naipilig niya ang ulo dahil sa kalandian ng isip niya, inosente pa siya sa pagkakaalam niya pero ang isip niya parang gusto niya halayin si Adam for godsake!.

"A- adam- ."

Niyuko naman siya ni Adam at hinalikan sa noo.

"We're almost there baby, just hold me tighter, baka mahulog ka."

"I think, I wouldn't fall badly, you will catch me right?."

It slipped in her mouth without a second thought.

Nang tumingala siya ulit kay Adam may ngisi sa labi nito dahil sa sinabi niya.

"I will baby, even if you'll not fall, I will be always catching you." And he winks at her that made her blush more.

Minsan talaga hindi niya naiisip ang mga lumalabas sa bibig niya. Napapahamak at napapahiya tuloy siya.

UNMASKING OF AFFECTIONWhere stories live. Discover now