Page 1

186 4 1
                                    

Elisaria's POV

"ikaw, akala mo kung sino ka! sino ka ba ha? hindi porkit matangkad ka eh ganyan ka na kumilos, tandaan mo matangkad ka lang pero mapayat ka, kaya kayang kaya kita, hmm kala mo ah" pag-amba ko ng kamay sa isang matngkad na mapayat na lalaki.

"what? look ma'am I'm really really sorry I ruined your cupcakes but I'm really in a hurry right now, so I'll just pay how much cupcakes I've cost, is that clear?" sabi nito sa malumanay niyang boses.

"sige na nga, hmmm 2000 yan, 2000 yan lahat" sambit ko at puma-bewang.

"what?!!!! for these small cupcakes? I only crashed 6 of them and I think that will not cost 2000" ibinalik ang wallet sa bulsa.

"ay ganon?, kung ayaw mong magbayad edi tara nalang sa prisinto at doon ka nalang magpaliwanag" 

Hihilahin ko na sana siya papalabas nang bigla siyang magsalita.

"ok ok fine, you don't need to do that, ok I'll pay you so here, keep the change boomer" ngumisi ito at naglakad na papalayo sa akin.

"boomer, boomer akala niya siguro di ko narinig yon pero hayaan mo na atlis nauto natin siya hahahaha" sambit ko habang inaayos ang mga cupcakes na nasa lapag.

"oh bakit, alam mo ba ibig sabihin ng boomer?" tanong ng kaibigan kong si Emma na para bang nagpipigil ng tawa.

Tumayo ako at nagpa-bewang "hoy Emma Jasmine huwag kang ngumingiti ngiti dyan at walang nakakatawa sa ginawa ng lalaki na yon"

"sorry na, eh kasi naman mhie parang ang oa mong magreact kanina, kawawa kaya yung tao" sambit nito.

"anong kawawa kawawa ka dyan, hoy mas kawawa itong kaibigan mong maganda no? tingnan mo nga siya ang laki-laking tao, pano naging kawawa yon" umupo ulit ako at inayos ang mga cupcakes.

"kawawa siya kasi pinerahan mo siraulo ka, 2000 ka pang nalalaman eh teh wala pa nga sa 500 yang nasira niya eh" tumawa muli.

"mukha kasing mayaman saka madaling ma-uto kaya ginawa ko yon, at saka mas ok na yon no, pano kapag wala tayong naibenta na cupcakes ngayon? edi nganga? buti na nga lang ginawa ko yon, kaya tingnan mo oh may 2500 tayo, sinobrahan pa ng kapre na yon" sambit ko.

"oh sige na, ikaw na tama pero nagugutom na ko, hindi tayo nagbreakfast diba? kain muna tayo teh" sambit niya.

"ay nako mhie, kahit hindi ka mag-aya kakain tayo, gusto mo yon?" ngiti ko sa kanya

"aba gusto ko yon ah!" sambit niya na may malaking ngiti sa kanyang mukha.

"tara Kenny Roger's, afford naman natin doon ngayon kahit papaano" sambit ko at tumayo na kami.

"wow, shalaaaa!!!" sambit niya at nagtungo sa basurahan upang itapon ang boxes at cupcakes na nasira.

"sana pala teh, lagi mo nalang makabangga yon para lagi tayo kakain sa labas" pang-aasar nito.

"edi lagi naman akong badtrip gaga ka" sambit ko at umirap sa kanya.

"oy kunwari ka pa gusto mo rin naman" dagdag pa nito.

"anong part ng pangyayari kanina ang maganda don para magustuhan ko?" tanong ko.

"bukod don sa na-uto mo siya, eh pogi siya, oh diba ang swerte mo talaga sa part na yon" siko niya sa akin na may halong ngisi.

"sh*t naman mhie, kahit kailan talaga napaka-landi mo nakakasuka ka na minsan" sagot ko.

"hmmm parang ikaw naman hindi malandi, ewan ko sayo Elisaria" sagot nito.

"tama na nga yan, akala ko ba nagugutom ka na? nakuha mo pang mang-asar, tara na nga" sambit ko at nagtungo na kami sa labas upang sumakay sa sasakyan.

Sumakay na kami sa sasakyan ni Emma, shala talaga tong bestfriend ko na to, may kaya naman si gaga pero bakit hindi nagawang kumain kaninang umaga, ewan ko ba dito.

Nang makarating na kami sa aming pupuntahan ay di pa rin humihinto si Emma sa pang-aasar sa akin.

"2000 yan, 2000 lahat yan" pang-aasar nito.

"kapag hindi ka tumigil, iiwan kita dito, ikaw magbayad ng inorder mo sige ka" sambit ko at sabay irap.

"pasensya na, hindi talaga ko makaget-over eh hahahaha ang tapang tapang mo pa kasi kanina tapos ang liit liit mo pa sa tabi niya hahahah todo ka pa maka-tingala, ok sorry shut up nalang ako" nagpeace sign at nagcellphone nalang.

Ilang minuto palang ay dumating na ang aming orders, hoy ang sasarap nito ah, sana laging ganito.

Okay Eli act normal, huwag ipakita na para bang ngayon ka lang nakakain, huwag ka pa-social climber bruha ka.

"hoy teh ang sarap neto oh!" sambit nito sa malakas niyang boses at nakapikit pa.

Hinampas ko ito at sabi "napaka mo talaga kahit kailan, huwag ka ngang kumilos na ganyan, mapagkamalan pa tayong ignorante"

"hala ang oa mo ah, eh sa kung masarap nga kasi anong magagawa mo sa reaction ko? kj mong babae ka, kumain ka na nga dyan, huwag kang hihingi dito sa salad ko ah" sambit neto.

Nagpatuloy lang kami sa aming pagkain, sobrang busog na busog kami, pakiramdam ko nakakatamad na magbenta ng cupcakes mamaya.

"mhie kunin mo na yung bill" sambit ko kay Emma.

"ah okay wait, waiter bill please" sambit neto.

Maya-maya palang ay lumapit na ang waiter at ibinigay sa amin ang receipt, naka-1,300 lang naman kami, jusko! Ganon na ba kami katakaw?!!!

"Eto kuya oh, thank you" sambit ko sa waiter at binigay na ang bayad sa kanya.

"thank you din ma'am" sambit ng waiter at umalis na ito.

"hoy, pssstt, pssttt, Elisaria!!!!" pangungulit sa akin ni Emma.

"Ano ba mhie?! Di ka makapaghintay may inaayos ako sa bag ko oh" sagot ko.

"Teh tara na, natatae na ko uwi na muna tayo" sambit nito na hawak hawak ang tiyan.

Di ko mapigilang matawa sa kanya, para siyang ewan, kanina lang ang hyper hyper nito ayan buti nga sayo, katakawan mo kasi.

"eto na eto na, tara na nga kawawa ka naman dyan" sambit ko.

Dali dali na kaming lumabas ng restaurant, at ng makarating kami sa papalabas ng mall---

"tangin---" sambit ko at pinulot ang bag ko na nalaglag.

Nang pagtayo ko ay nakita ko na wala na si Emma sa tabi ko, baka dumeretso na sa sasakyan sa sobrang pagmamadali.

"tsss, napakamalas naman talaga oo, bwisit na buhay to!" sambit ko habang pinapagpag ang aking bag.

"I'm sorry miss, are you okay?" tanong sa akin.

"Ok lang" patuloy pa rin sa pag-pagpag ng bag.

"Are you sure?" tanong ulit nito.

Tumingala ako at biglang nanlaki ang aking mga mata, nang makita ko ang isang matangkad na lalaki na payat.

"Ikaw?!"
"You?!"

Sabay na pagtatanong namin.

"hindi ka ba nagsasawang banggain ako, nang dahil sayo ang panget panget ng araw ko ngayon" sambit ko dito na nakapa-bewang.

"sorry miss, i don't know too that I'll bumped to you again" pagpipigil na tawa nito.

"Ewan ko sayo, wala na ko panahon makipagtalo sayo at kailangan na ko ng kaibigan ko, tabi nga!" nilihis ko siya at tuluyan ng umalis.

-

and this is the start of a chapter that was never meant to be here.....

Eclipse [Simon Marcos]Where stories live. Discover now