(19)

62 0 0
                                    

Binhi

+++ Labing Siyam +++
+

SMUTULA+


Siya'y  kaibig-ibig, mataas ang kabuoan.
Hatid man ang nakakaasar nitong mga biro ngunit binabalikan.
Binabalikan ang bawat sandaling pinagsaluhan ang tamis,
Tamis na aking hinihintay, matagal man ngunit dala ang bangis.

May pagkakataong, puro pagtatalo.
Hindi mabatid ang nasimulang gulo.
Madalas man piliin ang pag-iwas,
Subalit nagkakaisa kapag ang labi ang bumabalangkas.

Sinubukang lumayo pero malapit at napapakapit.
Hinayaang madala hanggang sa maipit at mabanggit.
Mabanggit ang dinidikta ng puso, ituloy pa hanggang sa mapawi.
Hindi ko nais itigil, dahil sa kaloob mong kiliti, ika'y maghanda, ako naman ang babawi.

At sa bawat pagpapatuloy, parehas tayong nagmadali.
Hindi alintanad ang sitwasyong mabilis, basta't huwag magpapahuli.
Sapagkat binhi mo at binhi ko ang nakikibaka.
At kahit may agam-agam, tumaya kahit nagtataka.

Sa huling minuto,  pinili ang paghinto.
At hinagkan ang bawat saglit, at tinapos ang katanungang "bakit ang sakit?"
Niyapos mo ako ng makisig mong braso,
At pinaunlakan ng makintab mong nguso
Na nagbigay sa akin ng kakaibang lukso.

-Roselia Poessy

SMUTULATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon