Celeste Pov
After namin makauwi sa bahay nag pahinga na kaming lahat sa kaniya kaniya kwarto
"Knock knock"
Bumangon ako para buksan ang pinto at nakita ko na si ate lang pala yun
Di ka pa natutulog ah sabi ni ate
Di kase po ako makatulog chaka ano namimiss ko lang po si mommy kahit alam ko naman na uuwi na ulit siya bukas, sabi ko
Alam mo ba si tita minsan talaga weird siya minsan may care sayo minsan naman wala pero atleast palagi siyang andidito kahit palagi siyang galit sayo
Wait dito ka po ba tutulog? Dala mo unan mo? Tanong ko
Hahaha oo kase di rin ako makatulog chaka may nararamdaman akong kakaiba kaya gusto ko katabi kita, sabi niya habang nag aayos pahiga
Nararamdaman? May mumu po ba? Ate naman eh wag kang manakot ngayon please, sabi ko at dali dali lumapit sa kaniya
Hindi ano kaba walang ghost, di totoo yun basta may nararamdaman lang ako chaka gusto ko mag kwento kwento tayo, sabi niya
Alam mo ba parehas lang tayo na di pinapalabas dati nung bata ako kase si mommy palagi siyang andito sa bahay si daddy naman nag wwork so may bantay talaga ako pero pinag lalaro niya naman ako minsan sa labas pag pinipilit ko si mommy kaso ikaw ayokong mamilit ka kay tita kase alam ko papagalitan ka lang niya kaya intindihan mo na lang kung bakit hindi ka pinapayagan ni tita na mag laro sa labas, sabi ni ate habang hinahawakan niya ang buhok ko
Chaka kahit lagi ka lang naka kulong gusto ko pag lumalabas ka palagi kang naka smile ah tapos palagi kang tumatawa kase gusto ko lagi masaya ka ayoko ng makitang umiiyak ka kase anpanget mo, sabi pa niya habang tumatawa
Okay lang nag mana naman ako sayo chaka kila lola so panget din kayo pag umiiyak, sabi ko
Okay lang panget tayo HAHAHA chaka ikaw victoria celestine ayoko ng naiyak ka because of me ha, kahit anong mangyari sakin or makita mo ko gusto ko naka ngiti ka parin kase sayo ko kukuha palagi ng lakas kase oag umiiyak ka naiiyak din ako so wala akong lakas sabi niya habang seryoso na
Bakit ate? Wala naman pong mangyayari sa inyo kase bantay namin ikaw chaka alam mo naman yung mga mata ko bigla bigla na lang siyang tumutulo palagi, sigawan lang ako ni mommy iiyak na ko,
Kaya nga gusto ko palaging strong ka lang pero kung hindi mo naman maiipangako kay ate yan okay lang basta ikaw, sabi ni ate at kinurot ang ilong ko
Ang sakit ate, pag ako bumawi ikaw ang iiyak sabi ko
Sorry na basta usapan ay usapan ha palagi mo yang tandaan chaka si mommy wag mo na siyang tawaging tita nanay na lang para mas maganda chaka panigurado matutuwa yun pag tinawag mo siyang nanay,
Kakahiya ate, sabi ko
Kahit kailan talaga napaka mahiyain mo, pano ka mag lawyer niyan or politician huh bawala mahiyain dun,
Hindi naman po kase gusto ni mommy yan, ayaw niyang pumasok ako pag laki ng law school sabi niya po kase mapapahamak lang ako kagaya ni lolo, sabi ko
Pero gusto mo ba talaga yun pag laki mo?tanong niya
Hindi ko po alam gusto ko na nga lang po siguro maging painter pero ayaw din ata ni mommy yun kaya siguro si mommy na lang bahala,
Bakit naman si tita buhay mo yan ikaw dapat ng papatakbo sa buhay mo, wag mong hayaan na ibng tao palagi ang mag dedesisyon, alam kong bata ka pa pero mas maaga mas magandang maintindihan mo chaka ikaw pa ang tali talino mo isang test lang napasa ka agad grabe na talaga ang pinsan ko sabi ni ate habang tuwang tuwa
Sige na matulog na tayong dalawa pag nahuli tayong nag pupuyat malalagot tayo parehas neto
Sabi ni ate kaya umayos na kami parehas ng higa
YOU ARE READING
Daughter's Pain
RandomCeleste was a very cold hearted person, she always reading book, paintings, playing golf with her grandma. Celeste was a nice, gorgeous, cheerful, intelligent, and trustworthy lady. She used to be close to her family, but what if everything has chan...