"10 days before Christmas"
Gabi na pero hindi pa din ako nakakatulog, dahil sobrang nilalamig ako, sobrang sakit din ng ulo ko
Kaya naisipan ko kuhain ang temperature para ma check ang sarili ko, dahil napapaso ako sa sarili ko, ilang ilang minute din ako nag hintay bago tumunog ang thermometer
39.2!!! Hahinang sabi ko
Sobrang nahihilo din ako at may gustong lumabas sa tiyan ko kaya pumunta ko ng cr, pg labas ko ng cr humiga agad ako dahil hindi ko talaga kaya
Mommy!!! Mahinang tawag ko
Lola!! Alam kong hindi nila ko maririnig kung may tao man sa baba pero tinatawag ko pa din sila
Sa sobrang hindi ko na kaya ginawa ko lahat ng mamakaya ko para tumayo at mag lakad pababa para i check kung nandito na sila mommy
Nang makaka baba ako wala akong makita kahit isang anino ni mommy or nila lola, nararamdaman ko naman na lalo lang sunasakit ang ulo ko kaya naramdaman kong natumba na ko
Mommyyy! tawag ko habang may mga luha na rin ang tumutulo sa pisnge ko
Tumaas naman ako sa kwarto para, kuhain ang phone ko at tawagan sila mommy or kahit sino kila lola
Pero hindi naman sumasagot si mommy at kahit sila lola nag riring lang pero hindi nila sinasagot, tinry ko ren tawagan si ate pero hindi ko makontak
Wala akong ginawa kundi umiyak habang nakahiga ako, nararamdaman ko din na bumibigat ulit ang pakiramdam ng puso ko kaya pinipilit ko na lang pumikit at matulog na lang
Kinaumagahan...
Sobrang sakit parin ng ulo ko pero hindi na ganun ka sakit katulad netong nakaraang gabi
Tumayo ako para bumaba, hindi pa ko nakaka baba pero narinig ko na maraming tao ang nasa baba, nandito den sila tita at iba kong tito, kaya inayos ko ang sarili ko at hindi pinakitang may sakit ako
Oh apo gising kana pala, kakauwi lang namin ng mommy mo, sabi ni lola
Ah good morning po, sabi ko
Ang tanghali mo naman gumising anong oras na oh ganyan ba ang gising ng isang prinsesa, sabi ni kuya vin
Hindi ko close sa iba kong pinsan kase iba ang trato nila sakin pero kahit kelan hindi ko naman sila pinatulan
Siya celestine kumain kana dito oh, diti kana sa tabi ko sabi ni lola b
Anong gusto mong kainin? Okay ka lang ba matamlay ka ata ngayon? Sabi niya
Kahit ano na lang po, sabi ko
Ano ba yan ma, pag matamlay di na agad okay, grabe ka naman, sabi ni tita rhae
Manahimik nga kayong dalawa kung ano ano na naman inaano niyo sa apo ko, kaya lang ba kayo dumalaw para lang mang gulo, pagalit na sabi ni lola
Kumakain lang ako at binilisan ko lang ang pag kain ko
Celestine, pag hindi pa kami umuuwi ng gabi ilock mo na ang pinto, baka may makapasok pang iba dito, hindi mo nilock kahapon sabi ni mommy kaya tungo lang ako
Bakit ka nga pala tumawag kagabi? May problema ba dito? tanong pa niya sasagot na sana ako nang may sinabi siya ulit
Sa susunod nga wag ka ng tawag ng tawag, di mo ba naisip na baka busy yung tao may ginagawa, nakak istorbo yung ganun, naiintindihan mo ba celestine? Seryosong sabi ni mommy sasabihin ko sana na masama lang ang pakiramdam ko kagabi kaya tumawag ako pero di ko na nagawang mag salita pa at sumagot
Kaya tumayo na ko at inilagay na ang palto sa hugasan ng pinggan
Tapos kana apo? Wala ka na bang gustong kainin? marami namang pag kain dito sa lamesa sabi ni lola
Wala na po busog na po ako, excuse me po tataas na po ako, sabi ko at tumaas
Pag pasok na pag pasok ko sa kwarto ko hindi ko na napigilan ang luha ko kaya umiyak na lang ako ng umiyak
![](https://img.wattpad.com/cover/293345410-288-k894703.jpg)
YOU ARE READING
Daughter's Pain
RandomCeleste was a very cold hearted person, she always reading book, paintings, playing golf with her grandma. Celeste was a nice, gorgeous, cheerful, intelligent, and trustworthy lady. She used to be close to her family, but what if everything has chan...