Chapter 59: Make It Up to You

10.8K 237 5
                                    

DENNISE'S POV

Nandito ako ngayon sa may garden ng hospital. Magpapalipas lang ako ng inis. Naiinis ako sa biro ni Alyssa kanina. Akala nya ba magandang biro yun? Tss. Nung binitawan nya ang mga salitang yun para bang nabalot ng takot yung puso ko.

"Nandito ka lang pala." Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko ay isang Alyssa Valdez na naka wheel chair ang bumungad sakin. Hindi ko sya pinansin dahil nagagalit pa rin ako sa kanya. Naramdaman ko naman na nagpaiwan na sya sa nurse.

"Besh, sorry sa biro kanina. Hindi ko naman kasi alam na magagalit ka." Sabi nya. "Hindi kasi magandang biro yun Alyssa. Sabihin mo na lahat ng biro wag lang yung ganon. A-akala ko talaga nakalimutan mo na ko, kami. Alyssa hindi ko makakaya yun." Sabi ko sa kanya at naiiyak na. Inusog nya naman yung wheel chair nya paharap sakin. "Sorry na Besh. Hindi na mauulit atska hindi ko nanan kayang kalimutan kayo lalo ka na kasi Besh kita." Sabi nya at pinahid ang mga luhang nagpapatakan sa aking mata. Sobrang namiss ko talaga sya. Niyakap nya naman ako, I miss this hug. Yung yakap na nagpaparamdam sakin na I'm safe. "Sorry na ha? Wag ka na ulit iiyak besh." Sabi nya at ngumiti. Namiss ko yung ngiti nya. Yung abot tenga nyang ngiti. Tumango lang ako sa kanya. Inurong nya naman yung wheel chair nya para mukhang magkatabi kami.

Tumingala lang sya at para bang pinagmamasdan ang kalangitan na puno ng stars. Tinignan ko lang sya, kita ko sa kanya ang tuwa siguro ay dahil namiss nya 'to. "Besh, Namiss kita." Sabi nya habang nakatingin pa rin sya sa mga bituin. "Hay. Grabi akala ko di ko na makikita tong mga stars, Akala ko hindi ko na kayo makikita." Dugtong pa nya.

"Namiss din kita Besh, Ikaw kasi kung anu-ano yang pumapasok sa isip mo ! Hindi mo ba alam na lahat kami nagalala sayo lalo na ako. Akala ko mawawala ka na sakin, Mawawala na yung Bestfriend ko sakin. Nakakainis ka ! Pinakaba mo ko nung nag seizure ka pati nung nag flat yung heartbeat mo. Wag mo na uulitin yun atska pag may problema, magsabi ka naman sakin. Ano pang silbi ng pagiging bestfriend ko sayo kung di man lang kita matulungan?" Sabi ko sakanya. "Sorry na besh, yun lang talaga yung naisip ko e. Hmm, I'll make it up to you." Sabi nya sabay tingin sa mga mata ko. Nakita kong nagbago yung expression ng mukha nya para bang inaaral nya ko. "Hmm, tama nga si Coach Cha. May lungkot sa mga mata mo. Bakit besh?" Pagkasabi nya non ay umiwas ako ng tingin sa kanya. Ayokong malaman nya yung problema ko kay LA dahil kagigising nya lang baka ma stress agad sya. "Hmm, Okay lang kahit hindi mo sabihin sa ngayon. Pero pag ready ka na nandito lang ako, Makikinig ako. Kung si LA man yan, Kakausapin ko sya ha. Gusto ko paglabas ko dito, Wala na yung lungkot sa mga mata mo. Besh, Babawi ako sayo, ibabalik ko yang saya sa mga mata babawi ako sa mga panahong wala ako sa tabi mo :)." Sabi nya. Napangiti naman ako dun sa sinabi nya. Yeah, I got the sweetest bestfriend. "Hmm, Magpagaling ka muna besh. Okay lang ako." Sabi ko sa kanya at nginitian sya. "Tara na sa loob baka hinahanap na nila tayo." Pag aaya nya sakin. Tumayo naman ako at tinulak na yung wheel chair nya papasok sa loob ng Hospital.

"YIIIIE. BATI NA ANG MAG BESSSH." Sigaw ni Ella nung nakapasok kami sa room ni Ly. "Haha. Oo e, You know she can't resist my charm." Pagbibiro ni Ly. Hinampas ko naman sya sa braso. "HAHAHA." Tawanan naman sila, Babaw ng kaligayahan nila noh? Haha. "Ay Guys, Mauuna na kami may gagawin pa kasi kami." Sabi ni Coach Cha. Alam ko naman yung meaning non. Hahanapin pa nila sila Gretch at A. "Ako na po muna magbabantay kay Besh Coach." Sabi ko. Tumango naman si Coach Cha. "Ako din Coach." Sabi ni Marge at tinaas yung kamay nya na para bang nasa isang recitation. Natawa naman kami sa reaction nya dahil ang cute nya. "Oo na. HAHA. Mauna na kami, Tawagan nyo na lang kami kung may kailangan kayo." Sabi ni Coach at isa isa na silang humalik sa pisngi naming tatlo.

ALYSSA'S POV

Lumabas na nga silang lahat pwera lang kay Jirah dahil nagpapaalam pa si Marge sa kanya. Pinagmasdan ko lang silang dalawa, Nakita ko na hinalikan ni Marge si Jirah sa noo. Napangiti naman ako sa nakita ko dahil alam kong may naging mabuting bunga yung ginawa ko. "Hoy besh, Nginingiti ngiti mo dyan?" Tanong ni Den na nasa tabi ko. Napansin nya siguro na ang laki ng ngiti ko. "Wala naman besh, Masaya lang ako kasi kahit papaano e may naging mabuting bunga din yung ginawa ko." Sabi nya. Binigyan nya naman ako ng nagtatakang tingin kaya nginuso ko sa kanya si Marge at Jirah na mukhang ayaw pa magpaalam sa isa't isa. Ngumiti naman sakin si Den at tumango.

"Hoy Margarita ! Magkikita pa kayo bukas." Sigaw ko sa kanya. Nakita ko namang nagblush ang loko. "Haha. Bye na nga Ate Ly and Bebe Den." Pagpapaalam ni Jirah at lumabas na ngang tuluyan. Nakita ko naman na parang inaantok na si Den mukhang pagod ang isang 'to. "Besh? Inaantok ka?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya. "Pahinga ka muna dito, Tabi tayo." Sabi ko at hinatak sya. Hindi na sya nakaangal at nahiga na. Ilang sandali lang ay ramdam ko na mabigat na yung paghinga nya. Ibig sabihin ay tulog na sya.

Si Marge naman ay nanunuod lang ng Adventure time, Wala e, Favorite namin. Haha. "Kamusta kayo ni Jirah?" Pag oopen ko ng topic. Napalingon naman sya sakin at ngumiti ng malaki. "Hmm, Niligawan ko na siya Dude." Sabi ni Marge. Tama nga ako, Iba yung ngiti nya e. "Eh sila Gretch at A? Nakaamin na ba?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman yung pagbabago sa mukha nya. "May problema ba Marge? May hindi ka ba sinasabi sakin?" Tanong ko sa kanya. "D-dude k-kasiii." Kinakabahang sabi nya. "C'mon tell me Marge." Sabi ko sa kanya. Huminga sya ng malalim. "K-kasi sabay sabay kami umamin well, kagabi lang kami umamin sa kanila Dude pero sa magkaibang lugar. Ako dinala ko si Jirah sa ranch namin sa tagaytay. While yung dalawa ata sa may resort na pinuntahan nung team somewhere in Batangas. Tapos k-kanina nakatanggap ako ng masamang balita. N-nawawala sila Dude, nakita daw ng team na nakakalat yung cellphones nila and yung slippers nila sa may paligid nung resort. Hmm, I know may kinalaman 'to sa pag amin nila Dude. Mukhang hindi naging maganda yung result." Sabi nya. Napapikit na lang ako dahil sa sinabi nya. Akala ko okay na lahat tapos biglang ganto. Nawawala sila Dude? San ko hahanapin yung mga yun? Akala ko tapos na ang drama sa buhay namin pero ito pa pala. "Hinanap nyo na ba sila?" Tanong ko. "Oo, Dude. Pero hindi talaga namin alam kung nasan sila. Walang makapagsabi, Sila Dzi at Fille naman ay ayaw magsalita tungkol sa nangyari dahil parehas silang lutang at puro iyak lang ang ginawa." Sabi ni Marge. Malamang ay may nasabi ang mga Bebe na naging dahilan para masaktan sila Dude kaya sila umalis. Kailangan ko munang alamin ang story bago ako mag judge. Alam kong babalik din sila, Ramdam ko yun.

"Mahahanap din natin yung bugok na yun." Sabi ko kay Marge. Nangiti naman sya sa sinabi ko. Wala e, Kailangan kong patatagin yung loob naming dalawa. Naramdaman ko naman na gumalaw si Den, napatingin naman ako sa kanya at para bang nilalamig sya. Kaya kinuha ko yung kumot at ikinumot sa kanya. "Dude, Kailangan mong bumawi sa kanya." Sabi ni Marge. Napatingin naman ako sa kanya. "I will Dude, Kamusta nga pala sila ni LA?" Tanong ko. "Hmm, mukhang hindi sila Okay e. Hindi na kasi dumadalaw sa dorm yun. Pero ewan, minsan kasi ay narinig kong umiiyak si Den." Sabi nya. Tama ako ng hinala. Yung taong Gilagid pala yung may dahilan kung bakit nagkakaganto si Besh. Kung bakit may lungkot sa mata nya. Nakoo, Wag syang papakita sakin at baka matapyas ko yung GILAGID nya.

-Cut-

A/N:
Sorry yan lang nakayanan.

-NeverInYourDreams12

Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon