Chapter 64: Sorry

10.3K 239 19
                                    

FILLE'S POV

Tulala, yan na lang yung lagi kong ginagawa simula nung umalis si Gretch, Mahal pala ako ng taong mahal ko pero hindi ko sya napaglaban dahil ayokong mapahamak sya.

S-si Lino, Hindi ko inexpect na ganon yung gagawin nya. Bago kasi yung araw na umamin si Gretch ay nakipag skype ako kay Lino at sinabi sa kanya lahat lahat, Akala ko matatanggap nya ko, pero hindi nagalit sya at pinagbantaan nya na sasaktan nya si Gretch kung sakaling malaman nya na may relasyon na kami ang sabi pa nga. "AKO LANG ANG DAPAT MONG MAHALIN ! AKO LANG."

Wag daw akong magkamali dahil may mga matang nakamatyag sakin syempre natakot ako, Alam ko kung ano ang kaya nyang gawin pati ng pamilya nya Cayetano kaya sya.

"FILLE ! IWAS !" Rinig kong sigaw nila. Pero late na dahil naramdaman ko na lang ang lakas ng impact ng bola sa mukha ko na naging dahilan para ako ay matumba.

Nagsitakbuhan naman yung mga team mates ko palapit sakin. "A-ayos ka lang Ate Fille?" Tanong nila Marge. Tumango lang ako at pinilit na umupo pero nahihilo talaga ako.

"ANO BA ?! ILANG ARAW NA KAYONG GANYAN?! ANO?! PAPAAPEKTO NA LANG BA KAYO SA PAGKAWALA NUNG DALAWA?! GUYS ! MALAPIT NA ANG UAAP AT HANGGANG NGAYON AY WALA PA RIN KAYONG IMPROVEMENT !" Sigaw ni Coach at nagwalk out na. Napayuko na lang kaming lahat, Dapat ko na bang sisihin ang sarili ko dito? Dahil sakin kaya nagkaganto yung team :(.

"Kung sinisisi mo ang sarili mo. Huwag please, wala namang dapat sisihin." Sabi ni Alyssa at tinapik yung balikat ko. Umalis na sya dahil hahabulin pa ata nya si Den. "Den ! Hear me out pleaseee !" Rinig kong sabi nya pero hindi sya pinansin ni Den at lumapit na kila Ella. Ano nanaman kayang pinagawayan ng mga to? Hmm

"Ms. Nasan po si Alyssa?" Nagulat ako nung may nagsalita sa likod ko. "Ah eh, sino ka po ba?" Tanong ko na lang. "Kevin po, Kailangan po kasi naming magusap." Sabi nung lalaki, Gwapo sya at yummy pero mas gwapo si Gretch. Yan gretch nanaman.

"Ah eh wait, LY ! MAY NAGHAHANAP SAYO KEVIN DAWWWW !" Sigaw ko. Napalingon naman silang lahat. Lahat ay na amazed sa kagwapuhan ng isang 'to pero bakit ganon yung itsura ni Mich,Jia,Marge at Alyssa? Para silang nagulat na natatakot. Napatahimik naman lahat pati sila Ella na kanina pa nagaasaran.

"Anong ginagawa mo dito?!" Tanong ni Alyssa nung nakarecover sya sa pagkabigla. "Kailangan nating magusap." Sabi nung Kevin. "K. But not here." Sabi ni Alyssa at lumabas na. Sinundan naman sya nung Kevin, nagkibit balikat na lang kami.

ALYSSA'S POV

Dinala ko si Kevin sa open field, nagtataka siguro kayo kung sino nga ba si Kevin sa buhay ko. Well, pinsan ko sya/Tropa dati nung buhay pa si Kuya Lance. Kaming tatlo ang laging magkasama hanggang sa pinatapon ako ng mga magulang ko sa States, Nung una ay ayos pa kami, lagi syang nandyan for me, nakilala nya rin sila Dudes and Wafs kaya nga close sila e.

Pero may isang pangyayari ang nagpabago sa lahat. Nalaman ko na parang binayaran sya ng mga magulang ko para layuan ako at ang mga barkada ko kaya ang laki ng galit ko dyan.

"What do you want?!" Tanong ko sakanya. "Ow, Chill ka lang, Hindi mo ba ko namiss?" Pangaasar nya. "Why would I? Tss. Dalian mo at may klase pa ko." Walang emosyon na sabi ko sakanya. "Galit ka pa rin ba sakin? Akala ko pakners in crime tayo?" Sabi nya. "Wow, Look who's talking now. Tss. Kung yan lang yung sasabihin mo aalis na lang ako." Sabi ko at naglakad na paalis. Di pa man din ako nakakaalis nung bigla syang nagsalita "Alam ko kung nasan sila Gretchen !" Sigaw nya. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanya. "What did you just say?" Tanong ko. "I know where are they." Sabi nya. "Ano namang kapalit nito?" Tanong ko sa kanya. "Ganon na ba ang tingin mo sakin?! Lahat may kapalit? Maaaring hindi mo pa naiintindihan ngayon pero soon, Baka magpasalamat ka pa sakin. Oh iyan, Ang address nila sa Italy at Japan." Sabi nya sabay about ng papel at umalis na.

Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن