Chapter 9

47 1 0
                                    


Trust is hard
to get, and even
harder to regain.


I immediately excused myself right after that. Hindi pa nakababawi si Gab sa ginawa ko nang magpaalam akong umalis. When I looked at the crowd, they were staring at us. Kaagad akong pinamulahan kaya minabuti kong umalis na.

Habol ko ang hininga ko at napahawak ako sa dibdib ko nang masara ko ang pinto. Umaasa lang ako na sana'y huwag nilang masamain iyon. Ngayong natauhan na 'ko, mas naging malinaw sa 'kin kung ano ang pup'wedeng mangayari.

Ano'ng sasabihin at mararamdaman ni Roldan sa nakita niya? Faith and Nurse Kate saw it, too! Ano pang mukha ang mahaharap ko sa kanila?

My mind is running with thoughts. Pinagsisisihan ko ang ginawa ko. Paano kung iba ang tingin ni Gab sa yakap ko? Pero bakit niya ba kasi sinabi iyong sinabi niya? I got carried away by the moment. I like him. I do, pero hindi dapat ako nagpadalos-dalos. I should've thought more carefully before doing something that I'd regret in the end. Hindi dapat ako nagpaka-impulsive.

I want to hide. Gusto ko sanang umalis muna rito, pero mahahagip ako ng paningin nila kapag lumabas ako. Walang ibang daan maliban sa bahay nina Gab. I don't want to see him after what I did. Nakahihiya, sobra!

Nang dumilim, pinatay ko ang lahat ng ilaw upang ipakitang tulog na 'ko. Alam kong baka wala silang pakialam, but I want to be sure. Ayaw kong kumatok sa pinto ko si Ate Judit. Sigurado akong hindi niya palalampasin ang nangyari kanina.

I tried hard to sleep, pero hindi ako makatulog. Kanina'y inaantok ako, ngunit ngayon ay nanatiling dilat ang mga mata ko. Palaging sumasagi sa isipan ko ang nakahahalimuyak niyang amoy nang yakapin ko siya.

He looks clean. Maayos ang gupit ng buhok at walang bigote. Napakalinis niyang tingnan, at dumagdag pa sa appeal niya ang kabanguhan niya. He smells so expensive. Hindi siya amoy gamot o alkahol.

I made sure na tapos na ang party nang buksan ko ang ilaw sa kusina. Magtitimpla 'ko ng gatas upang makatulog. Sumilip ako sa bintana at nakitang wala ng taong naiwan doon. Kahihinga ko pa lang nang maluwag nang may kumatok sa pinto ng apartment ko.

I'm 100% sure that it's Ate Judit. Hindi ko lang alam kung ano'ng kailangan niya sa 'kin. Dahil bukas na ang ilaw ko, minabuti kong buksan na rin ang pinto. Ayaw kong bigyan pa siya ng panibagong rason upang asarin ako.

As soon as I saw who knocked, nagsisi ako dahil bakit binuksan ko pa? Dapat ay sinagad ko na lang ang pagtatago. I can't face him right now, after what I did.

"You're still awake."

Bumuntonghininga ako dahil hindi ko naman siya kayang pagsaraduhan ng pinto. I'm not that rude.

"I just woke up," I responded. Baka kasi maisip niyang kanina pa 'ko gising at malaman niyang nagtatago ako.

"Did we wake you up?" alalang tanong niya.

Mabilis akong umiling. "Hindi. Sobra na kasi iyong tulog ko kaya nagising ako."

Umayos ang pagkakunot ng noo niya at napahinga nang maluwag. Mukha siyang pagod kaya minabuti kong magsalita.

"Hindi ka pa ba magpapahinga?"

Tumitig siya sa 'kin. I don't feel conscious by his stare. Ang totoo nga'y hinahatak pa 'ko no'n upang lalo siyang pagmasdan.

"Hindi ka pa makakatulog ulit." 

Kumunot ang noo ko nang bigla siyang ngumiti at pilit tinakpan ang pagod sa mukha. Ano na naman ba ang plano niya? I always get curious and worried whenever he's like this, but at the same time, I feel excited about what he's hiding on his sleeves.

Drowning in Pain ✓Where stories live. Discover now