Chapter 31

83 7 0
                                    

Chapter 31: Lioness

MATINDI ang pagpipigil ni Maxhione na hindi mahimatay sa loob ng gym dahil nagsisimula na naman siyang mahilo. Louina got her a medicine and she's feeling better right now rather than earlier. Although, the dizziness were making her eyes blur. Hindi niya gustong mahimatay nang hindi pa natatapos ang laban. Saka na kapag tapos na ang aktibidad.

"Sigurado ka bang kaya mo, Maxhione? Pwede naman nating sabihan si Prof." Louina explained while assisting her.

Nginitian lang niya ito at pinakitang makakaya niya ang kanilang aktibidad.

"I can handle it, Louina. Salamat sa gamot na binigay mo kanina at medyo maayos na ang pakiramdam ko. Nahihilo nalang ako."

"Kukuha nalang ako ng gamot—"

"No need." She shook her head. "kaya ko naman ang sarili ko. Tsaka isa pa, magsisimula na." Nilingon niya ang kanilang propesor na nagtungo sa gitna habang may dalang papel. Paniguradong nakalagay doon kung sinong grupo ang kanilang makakalaban.

"Maxhione naman.."

"Come on, Louina." She chuckled as she glanced at her and smiled reassuringly. "I can handle my self. At kung pakiramdam ko hindi ko na talaga kaya, hindi na ako lalaban. Okay? Hindi ko pipilitin ang sarili ko."

Wala na itong nagawa kundi tumango nalang sa kanya habang pinipisil ang kanyang kamay. Mainit parin siya pero hindi na kagaya kanina. Isa nalang talaga ang problema niya at iyon ay sakit sa ulo at hilo. Idagdag pa ang ingay sa kanyang paligid at gusto man niyang patahimikin silang lahat, alam niyang imposible.

"Good morning everyone, let me announce to all of you the group you will fight with." Panimula ng kanilang propesor at tumahimik ang buong section D para makinig.

"First match, group one and group five. Second match, group three and group six. Last match, group four and group two. You can go all out in this battle but make sure to control your power. Pagsasanay lang 'to sa kapangyarihan niyo at isipin na makakasakit din kayo." Professor Hermes explained. "bukod sa akin, marami ring propesor ang nakabantay kaya iwasan ang dayaan o disqualified kayo agad. Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Yes, sir!" They said and unison while Max roamed her eyes around.

The students were watching at them intently without mock in their eyes. Pero alam niyang sa likod ng mga emosyon na 'yon ay hindi mawawala ang totoong tingin ng mga estudyante sa kanila. It would never change but she was hoping that she can do something to change that. To prove to them that they are no longer what they think.

"Ang grupo nila Nolan ang makakalaban natin."

Napatingin siya sa kabilang gilid nang maupo si Hansel sa tabi niya. Ang mata nito ay nasa harapan at pinapanood ang mga grupong unang lalaban sa field.

"Sa lahat ng grupo, isa sila sa malakas at iniiwasang makalaban." She said. "Nolan and Gael has the great advantage. Kung may kinakailangan man tayong iwasan, iyon ay ang kapangyarihan ni Nolan na kidlat."

"Can't you do something to defend his attacks?"

"I can, but I can't assure you." Lalo na ngayon na masama ang pakiramdam niya. "lima lang tayo kaya paniguradong may isa sa atin ang makakalaban ay dalawa. We will fucos in our foe and we need to know how to defend from others attack."

"Sa bagay, hindi naman palaging umasa kami sa'yo." Hansel tsk-ed. "bakit ba kasi sa lahat ng grupo ay tayo pa ang napiling lima ang miyembro."

She just shrugged for response. Hindi siya sigurado sa dahilan pero sa tingin niya may kinalaman ito sa kanyang kakayahan. Professor Hermes said that they can go all out. Kung sana lang talaga maayos ang pakiramdam niya ay gagawin niya ang sinabi nito. But she can't risk her health. Ayaw niyang maging sagabal sa kanila pag nagkataon.

Lynphea Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now