Chapter 36

85 7 0
                                    

Chapter 36: Alanna

NANG MAKABALIK SIYA sa kanilang lamesa ay nagsisimula ng magsayaw ang iba sa gitna ng napakalaking bulwagan. Her friends were already dancing too aside from Zion and Akira. Na hindi niya alam kung may sama parin ba ng loob sa isa't isa.

"What took you so long?"

Iyon agad ang salubong sa kanya ni Art saka siya nito inalalayan na maupo kaya pabulong na nagpasalamat siya rito.

"Nothing. I just bump into someone."

"Did that someone do something to you?"

She chuckled and shook her head. Nahimigan niya ang talim sa boses nito.

"Hindi. Kakilala ko lang, kaya nagkausap kami."

Art nodded his head like he's buying what she said. Mas mabuti nga na paniwalaan nalang nito ang kanyang sinabi dahil wala na siyang maisip na ibang palusot. She roam her eyes around to find that girl. Kahit saglit niya lang ito nakita, nakabisado agad niya ang suot nitong damit at maskara. Pero sa dami ng tao sa bulwagan, hindi niya mahanap-hanap ang babae.

"Bakit hindi kayo sumayaw, Max? Art?"

She shifted her gaze at Akira who suggested that and even though her friend were smiling, she knew her better.

"Kayo ba ni Zion? Bakit hindi kayo sumayaw?" She smirked when she saw her friend's eyes widened. Bago pa ito makapagsalita ay inunahan na niya ito. "I said it earlier right? We're here to enjoy and you two are partner so it's understandable that you two should dance. And no worries about us. Wala naman kaming ibang dahilan ni Art para hindi sumayaw." She even leaned on his shoulders and she felt him stiffened.

Bahagya siyang natawa pero ang tingin niya ay nasa kaibigan parin.

"Max is right." Ginatungan pa siya ni Zion at nilahad ang kamay kay Akira. "we should dance. Hayaan na natin 'tong dawala. Sasayaw naman sila mayamaya."

"A-Ayo—"

"Sabi ni Professor dagdag points daw." Her lips pouted to suppress her smile. "mukhang ayaw mo naman yata."

"W-Wala naman akong sinabi na ayoko." Napa-asik ang kaibigan at ito na mismo ang humablot sa kamay ng binata na nanlaki ang mata at namapura pa sa marahas na paghila.

"They look cute together." She chuckled. Nag e-enjoy siyang panoorin ang reaksyon ng kaibigan hanggang sa magtungo ito sa gitna para makipagsayaw.

"Oh, yeah." She felt someone kissed her forehead that stiffened her. "gusto ko ring ayain na magsayaw ang napakagandang prinsesa na nakilala ko. May I dance you tonight, Maxhione?"

"I'm no princess." She shook her head but a sweet smile were forming into her lips. Umayos siya ng upo at pumihit paharap sa binata. "but I know someone—"

"You maybe not a princess with royal blood and title but for me, you're more than a princess. You're a Queen for me."

"Such a flattering words. Where did you get that from?"

His annoyed face makes her laugh and she can't help to pinched his nose.

"I'm just kidding. Masyado ka namang pikunin."

"Because you've been teasing me. I'm being sweet here!"

Mas lalong lumakas ang halakhak niya na may iba ng napapatingin sa kanilang puwesto kaya humugot siya ng malalim na paghinga at malambing na hinawakan ang pisngi nito.

"I know and I appreciate it." She's actually hiding her true feelings. "and it's a pleasure to dance with the only Prince of Veldora."

Sa wakas ay sumilay rin ang matamis na ngiti sa labi ng binata at maingat na hinawakan ang kamay niya sa pisngi nito. Nilapatan nito ng magaang halik ang likod ng kanyang palad habang nakatitig sa kanyang mga mata.

Lynphea Academy: School Of MagicWhere stories live. Discover now