12

35 3 0
                                    

"Girl, someone's looking for you!" tila hindi makapaniwalang saad ni Thalia pagkapasok pa lang sa classroom. Next week na ang exam kaya puro review lang kami at quiz.

My forehead knotted. "Huh? Sino?" curious na tanong ko. Imposible namang si Kokoy dahil nasa klase pa 'yon. Si Joss at mga Kuya ko rin ay nasa klase na.

"Ewan! Basta nakita ko lang sa camera niya 'yong pic mo." sambit niya saka ngumusi. "Kunwari pang ayaw ng dress pero nagsusuot ng one piece swimsuit." wika niya na inignora ko lang. "Kita ko sa post ni Tita." she laughed.

My jaw dropped when I saw the guy I met in Zambales, asking students. Marahil siya ang tinutukoy ni Nathalie kaya tumayo na lang ako at lumabas ng room.

"What are you doing here?" walang emosyong tanong ko sa lalaki. He stared at me for a minute before putting his camera down.

"Hindi po kasi pumasok si Ate Mhaze sa work. Baka lang alam ng Kuya mo kung nasaan po siya." magalang na aniya. I felt like I'm too old kahit mukha namang same lang kami ng age.

"Uh, ang natatandaan ko po ay inihatid siya ni Kuya sa Cathedral sa Baguio kahapon." usal ko.

"Baguio?" tanong niya at kumunot pa ang noo. "Wala naman sigurong nangyaring masama kay Tita." bulong niya bago ibinalik ang tingin sa akin. "Salamat." nakangiting sabi bago nagpaalam. "Justus de Dios, by the way, Miss Chacier Serein Wage." Sambit pa niya at tuluyang umalis.

Nagkibit-balikat lang ako bago pumasok. Tumunog na ang bell kaya hindi na nakausisa si Thalia. She look like she wanna ask me a lot of things at wala akong balak sumagot sa panayam niya.

Pinasukan lang namin ang mga pang-umagang klase namin at walang ibang ginawa kun'di mag-exam.

"Chai, sabay-sabay daw tayo mamaya ulit ha." Thalia informed. Tumango lang ako sa kaniya habang abala sa pagtipa sa phone ko.

Kodi Korbin Lara
Muntanga.. kuya mo ako naman
ang pinagsasabihan

Chacier Serein Wage
Pasensya na ha

Mula nang binawalan niya akong umuwi ng late, si Kokoy na ang lagi kong kasabay pauwi dahil siya lang ang kalapit bahay ko at kapareho ko ng schedule.

Kodi Korbin Lara
Di, ayos lang BFF

Gets ko namang nag-aalala lang
talaga Kuya mo sa 'yo

He was cheated by his girlfriend
before, remember? Sa harap pa
niya mismo

"Chai, tara na. Sa canteen na raw sina Sav at Colette. Si Mich at Kokoy, papunta na 'yon panigurado." sambit ni Nathalie saka humawak sa kamay ko para magkasabay kami.

Totoong niloko si Kuya dati. Naiintindihan ko naman siya pero gusto ko rin maging malaya. Alam ko naman ang mga ginagawa ko. Kung lolokohin man ako, kasalanan ko na iyon. Labas na sila doon. Sa akin na lang iyon. Ayaw kong pati sila ay mamroblema pa dahil sa akin.

"Bakit hindi na kayo nagsasabay ni Kuya Joss?" bulong ng babae habang naglalakad kami sa hallway papuntang canteen sa tapat ng campus.

"Uh..." I trailed off. Kinagat ko ang labi ko at tumungo na lang.

"Ayos lang kung hindi mo sabihin. Basta't lagi mong tatandaan na nandito lang ako anytime." she whispered softly as she intertwined our hands. Normal na sa amin ang gano'ng kilos.

Pagkadating sa canteen ay nakaabang na sina Colette, Sav, Yanette, at Kuya Eron. Hinintay pa namin sina Mich bago um-order ng kani-kaniyang pagkain.

As usual, rice, shanghai, at fried chicken lang ang binili ko. May libreng tubig naman pero last time kasi ay sumakit ang tiyan ko kaya madalas ay pagkatapos kumain, saka ako bibili ng inumin sa labas. Pero dahil nakakasabay naman namin si Kuya Joss, minsan ay binibigyan niya ako ng juice na tinitimpla niya bago pumasok.

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt