38

32 1 0
                                    

"I think... I'm in love with you, Theo."

That line suddenly made me feel a sense of déjà vu.

Josiah stood up and hugged me as soon as he saw me. Galing ako sa site at kanina ko pa siya tinatawagan ngunit hindi siya sumasagot kaya pumunta na ako rito sa building ng management. Medyo nahihilo pa nga ako dahil sa init kanina. Kaso hindi ko naman inaasahang ganito ang madadatnan ko. Hindi naman dapat pero bigla na lang din ako nakaramdam ng paninibugho.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko atsaka tiningnan ang mukha ko. I diverted my gaze but he just hugged me again.

"Akala ko sina Psalm lang kasama mo. Nanonood din ba siya ng practice niyo?" mahinang tanong ko, sapat lang para marinig niya.

"Sorry hindi ko kaagad nasabi sa iyo. Ni-move kasi ang taping namin at kailangan kong ikabisado ang script. Paparating na kasi ang mga mag-aayos sa amin." he apologetically uttered.

Lumayo ako at bumuntong hininga. "Pasensya kung nakaabala pa ako. Bumalik ka na kay Mhaze. Uuwi na lang ako."

"Galit ka ba?" nag-aalangang tanong niya nang akma akong tatalikod.

Agaran akong umiling. "Wala naman akong dapat na ikagalit o ikapagselos, hindi ba?" I asked him coldly.

His jaw dropped but he still nodded. "I'll take you home?" patanong na sabi niya. Ngumiti ako ng mapait kasabay ng pag-iwas ng tingin. Ngayon lang niya ako tinanong ng ganiyang bagay. Madalas nagkukusa na lang siya e. Wala nang sabi-sabi.

"No, thanks. Kaya ko na ang sarili ko." I told him. Ngumiti pa ako kay Mhaze nang maramdaman ang titig niya sa amin. Umirap siya at tumingin sa phone.

"Kailangan na nating tapusin ang huling linya, JC. Kaya naman daw niya ang sarili niya." sabat ng babae ngunit inignora lang siya ng asawa ko.

"Tatawagin ko na lang si Kuya Tony upang ipahatid ka." sabi niya at dudukot na sana sa bulsa ngunit pinigilan ko na siya. "May media sa tabi-tabi. You're pregnant, Chai. Baka kung ano pang masamang mangyari sa iyo."

"Walang masamang mangyayari sa akin. Bumalik ka na doon. Hintayin na lang kita sa bahay."

Naging sunud-sunod na nangyayari ang ganoon. Of course, I'm pregnant kaya kadalasan, kung hindi ako naiirita, umiiyak naman ako. Naiintindihan ko ang trabaho niya pero sa kaniya... naguguluhan na ako. Ibinibigay niya ang mga gusto ko kahit mahirap hanapin pero minsan, sa iba na lang niya ipinapagawa.

I was watching some clips posted on the group page I joined. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa tuwa at pagkagalak. Hanggang sa mapanood ko ang ilang clips mula sa movies at contents nila na batid kong ipinagawa lang sa kanila.

I almost throw my phone in anger when I realized how familiar every words they delivered. Kaya nang makauwi siya, hindi ko napigilan ang sariling awayin siya kahit pa bakas ang pagod sa kaniya.

Parang dinudurog ang puso ko habang naiisip ko pa lang ang mga iyon.

"I love you's?... 'Guard and protect your heart'?... 'Pero gusto lang kitang protektahan sa lalaking 'yon'?... 'I think... I'm inlove with you'?... amusement park?... Our tagpuan?... How dare you use everything?!" I shouted, walang pakialam kung may magising na kapitbahay. "Sweet hugs? Holding hands?... Tiniis ko lahat iyon makita at mapanood. Pero tangina... iba na 'to. Atin 'yon e! Ako ang unang nagsabi no'n. Ako ang nakahanap ng lugar na 'yon."

"Chai, huwag ngayon, please." sambit niya na mas lalong nagpainit ng ulo. "Please, Love... Cool your head first. Makakasama 'yan sa baby natin."

"Wow!" I shouted amusingly. "Now... I'm starting to think na baka nasa baby lang talaga ang concern mo. Hindi mo na talaga ako mahal dahil ang pangit ko na! Ang pangit pangit ko na. Tapos lagi na lang kitang inuutusan. Parang iniisip mo na sinasakal kita."

SB19 Series 1: Calming the Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon