Kabanata 15

13 1 0
                                    


Augustine

Alas tres ng umaga, hindi pa gising ang diablo sabi ng karamihan, sinadya kong bumangon ng maaga dahil nga sa ipapasyal ko si Kiko ngayon at magjo-jogging na rin tuloy ako, isang oras ang gugugulin ko sa pagtakbo dahil isang kilometro ang layo ng parke mula rito sa bahay, isang buwan na rin nang huli akong mag-jogging, tamad ako pagdating sa ganitong mga gawain.

Dinilaan ni Kiko ang mukha ko, nakaupo kasi ako dahil nga sa nagsisintas ako ng sapatos, kaya niya nagawang ilandas ang basa nitong dila sa aking pisngi at pati na rin sa ilong ko. I remembered Kiko, I miss him, but then I had my new Kiko now, pero iba pa rin 'yong nakasanayan mo na. It's still does break me, pero humihinga na lang ako ng malalim, hindi ko rin naman na siya maibabalik kahit ano pang iyak ko.

“Kiko, behave doon sa park, okay?” pagkausap ko sa kaniya. Kiko has this habit kasi na tahol nang tahol if he goes into new places, kagaya kahapon when the three of us, me, James and him went out for dinner in an Italian cuisine, tumahol siya nang tumahol hanggang sa matapos kaming kumain, pansin kong naiinis na rin 'yong ibang mga naka-dine-in sa amin kagabi, kaya napilitan kami ni James bilisan ang pagkain, dahil sa totoo lang ay nakakaabala na kami. As usual nagtungo kami sa seaside, 'yong dating tambayan namin ni James after that, we stayed there for two hours, just staring at the sky, feeling the coldness of the air, the sound of the waves and taking deep breaths.

Binuhat ko na si Kiko at lumabas na kami ng bahay, dati I don't lock my door when I go out, pero ngayon ginagawa ko na, may nanakawan daw kagabi sa kalapit din naming subdivision sa norte, mahirap na. Habang tumatakbo ako ay sumusunod naman sa akin si Kiko, binabagalan ko lang ang takbo ko para magpantay pa rin kami sa linya.

Pagkaraan ng ilang minutong pagtakbo ay nakaramdam ako ng pagod, kaya saglit ay umupo kami sa ilalim ng poste, humihingal akong binuhat si Kiko, nang nakangiti. Wala pang dalawang minuto ang pagkakaupo ko roon ay tumayo na ako, nabalot ng takot ang buong sistema ko nang mamataan ang tatlong lalaki na paparating dito sa gawi ko, mukha silang mga lasing, buhat-buhat si Kiko ay binilisan ko ang pagtakbo, habang tumatakbo ay naka-pokus lang ako sa daan, ayaw kong magbigay tunog kumbaga, nakakatakot. Mas binilisan ko pa nang binilisan hanggang sa nakalagpas na ako sa kanila, nang hindi nila ako napapansin.

Nang mapagtanto kong malapit na ang parke sa kinatatayuan ko ay nagpatuloy muli ako sa pagtakbo, kaonti na lang mararating ko na. Mas lalo akong napangiti nang malawak nang makitang bukas ang gate ng parke at walang tao sa loob nito, I checked my wrist watch, 4:48 na ng umaga, mabilis akong makarating dito, dahil hindi na jogging ang ginawa ko kung hindi running.

Buhat-buhat si Kiko ay umupo ako sa swing, 'yong mismong puwesto na paborito naming tambayan ni Kiko dati. I miss Kiko so much. Isinandal ko ang aking ulo sa kadena ng swing, malamig ang simoy ng hangin, which makes me long for my parents hug, noong bata ako kapag malamig ang panahon maghapon lang kami sa kuwarto, nakahiga at yakap-yakap nila ako pareho, pero ngayon all I can do is to reminisce every moment that we all once had, because no matter how I mourn, I can no longer turn back the time, it's been seventeen years since they left me and the world, but the pain stays the same. I miss them so much, I miss them everyday, I miss them forever.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng gilid ng aking mga mata, before a single tear could fell, I looked up to stop them from falling. From my parents loss, from being diagnosed with agoraphobia, the sadness I dealt and felt alone throughout the years, it's just feels so heavy sometimes.

Before I could create a whole series of dramatic monologues, I forced a smile again, that's all I can do for now.

Nagsimula na namang tumahol si Kiko, at ngayon ay hindi na lang simpleng pagtahol ang ginagawa niya, nag-iba rin ang kilos nito, parang bang may nararamdaman at nakikita siya na hindi ko naman pansin.

“Kiko.” pagpapatahan ko, pero hindi siya tumigil naging mas malakas pa ang pagtahol nito. Paikot-ikot at palipat-lipat din sa paligid ang kaniyang mga mata.

I tried to compose him by just caressing his paw, but that didn't worked.

“August, right?”

Nanigas ako sa kinauupuan ko nang marinig ang malaki, malalim at hindi pamilyar na tinig na 'yon. Nararamdaman ko siya sa likuran ko, ang bigat ng presensya niya, Sino siya at ano'ng pakay niya sa akin?

“Layuan mo ang anak ko, layuan mo si James.” aniya.

It was James's father.

“Kasal na siya, matagal na.” dagdag pa nito, narinig ko ang mabibigat niyang paghakbang hanggang sa hindi ko namamalayan na nasa harapan ko na siya.

“Ito ang katibayan na kasal na ang anak ko.”  Inilahad niya sa ere ang isang photo album.

Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko, kung ano'ng sasabihin ko, kung paano ako aasta, kung ano'ng mararamdaman ko at kung ano'ng iisipin ko. I was mentally shocked.

“I'll show it for you.” He started opening the album from the first page, it was James and the one he told me that already his ex, Betty, it was their picture kissing each other in the aisle of the church.

Nanginginig ang kamay kong nakapatong sa aking hita, maging ang labi ko'y nagsimula na ring manginig.

“This.” sunod niyang itinuro ang pangalawang litrato gamit ang hintuturo nito, it was James's picture while wearing the wedding ring to Betty.

I gestured my hands, asking him to stop. Nanginginig 'yon, sinusubukan kong pakalmahin ang sarili ko with the use of inhale and exhale, pero hindi 'yon naging sapat. I'm not in an enclosed space, I'm not sitting in front of the crowds, pero 'yong fear ko inaatake ako.

“Sapat na siguro 'yon, para layuan mo siya.” He closed the photo album, and turned his back from me.

Napayuko ako, parang may napunit sa kaloob-looban ng dibdib ko, ganitong-ganito 'yong naramdaman ko nang mawala ang mga magulang ko.

“James, bakit?” wala sa sarili kong usal sa gitna ng kawalan.

Nanginginig man ay tumayo ako, at napagpasyahan na lisanin ang lugar.

The same morning I packed all my things and decided to take a break, doon na muna ako sa rest house namin sa Tagaytay, gusto kong magmuni-muni, gusto kong mapag-isa, gusto ko ng katahimikan.

I want to free my mind and heart from the thoughts I couldn't speak out loud, I want peace and solitude, and lastly I want to forget him, he betrayed me.

My Greatest Cure (PUBLISHED UNDER PAPERINK)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα