20th scourge

77 4 0
                                    

Today, we are even busier at school. I'm thankful that Myrtle and I have the same schedule for the fourth subject, 'cause we have an activity that needs to be done at the laboratory.

Nang makarating sa med lab, maayos ko namang naisasagawa ang mga bagay na iniuutos ng medical technologist. Noong una'y nakaramdam pa 'ko ng pagkailang dahil sa mga paninitig ng aking mga ka-bloc lalo na't tumatahimik sila sa tuwing mapapadaan ako. Dahil sa mga nangyari kahapon, mas lalo akong naging mailap sa kanila, at ganoon din sila sa akin.

Mabuti na lang talaga't nandiyan naman si Myrtle na matamis na ngumungiti sa tuwing napapasulyap sa akin. I let out a deep breath before smiling back at her.

I was busy on examining and analyzing the blood example that the medical technologist gave when I felt a presence behind my back. Noong una'y hinayaan ko lang 'yon at inisip na baka ka-bloc ko lang iyon na nag-i-eksperimento sa likuran ko, ngunit nang magtagal ʼyon nang ilang sandali, roon na ʼko nagtaka at nagpasyang lumingon. Ang nakangiting si Myrtle ang bumungad sa akin.

“Sorry! Nagmumukha na ba akong ewan sa mga pinaggagagawa ko?” natatawa niyang tanong. Yumuko ako at pinasadahan siya ng tingin, pagod at matamlay.

Ipinatong ko ang aking daliri sa mga kamay niyang nakahawak sa aking braso.
“Do you need something from me?” She looked around the entire laboratory room before looking up at me again.

“Daisy, lilinawin ko lang, ah? Ayaw kong magalit ka sa akin dahil sa tingin mo, nanghihimasok ako sa buhay mo.” My eyebrows formed into a scowl because of what she uttered. Hindi ako nagsalita't hinayaan siyang ipagpatuloy ang kaniyang sinasabi. “Sinubukan mo na bang magpa-check up? Parang mas maputla ka kasi ngayon... kaysa kahapon.”

Saglit akong napaisip at kalaunan ay napailing-iling. Marahan niyang pinunasan ang kaniyang noo dahil sa pawis kahit na air-conditioned naman sa kabuuan ng silid at naka-bun pa ang buhok niya.

“Puwede kitang samahan, kung gusto mong magpatingin sa doctor. We're already in our 2nd year as a medical student, and I know you're already aware that your condition isn't some sort of joke that can be avoided.”

I gave her an assuring smile as I slowly nodded. The medical technologist walked in front of us, so we were separated from each other. Marahan kong binalingan ng tingin si Myrtle na ngayon ay bumalik na sa kaniyang ginagawa.

Hindi na ulit kami nakapag-usap pagkatapos n'on dahil mas lalong naghigpit ang medical technologist kaya maging abala na kami sa pagsusuri sa blood example.

I was glancing at she's doing every minute, so I made a few mistakes in what I was performing. Lumipas pa ang ilang minutong ganoon bago ko napagpasyahang tigilan na ang paglingon-lingon sa kaniya't magpokus na lang sa ginagawa.

Myrtle did what she promised. She didn't tell anyone that I had a panic attack, even though she doesn't know the reason behind it, and she didn't dare to ask me about that, like she knows I'm not comfortable to talk about it. She even want me to see a doctor, just so she could make sure I'm doing fine.

I smiled. You're indeed a good and reliable leader, Myrtle.

I quietly looked away from my coffee while my fingers were busy typing on my loptop's keyboard. It was late in the afternoon when I decided to have some coffee while studying here in the nearest coffeeshop, so I could somehow refresh my brain.

Simula nang dumating ako rito, hindi ko na masyadong sinusobsob ang sarili ko sa pag-aaral. Dahil wala na si dad, o si mom, para paalalahanan ako sa kung anong marka ang dapat kong makuha. Pero, hindi ko pa rin naman maiwasang makaramdam ng stress, dahil sa takot... at posibilidad na panandalian lang ang lahat ng ʼto.

Scourging with the waves (EL Azaleas Series #1) Where stories live. Discover now