=CHAPTER 4: Friend=

4.9K 247 12
                                    

Mariane POV

Napalunok ako habang nakatitig kay cloud.

bakit kasi ang lapit ng mukha niya. ramdam ko rin ang mapanuring tingin ng mga kaklase ko.

"Hoy wala ka bang balak sagutin yung tanong ko?" taas kilay nitong sabi.

Napamura naman ako sa isip ko dahil tumatama yung hininga niya sa mukha ko.

"Baka gusto mo munang lumayo hehehe."  ackward kong sabi.

hindi naman niya kailangang magtanong ng malapit ang mukha.

 Lumayo naman siya at nagtanong ulit.

"So bakit mo nga ako tinakbuhan?" 

"hehehe trip ko lang."  yun na lang ang sinabi ko dahil wala na akong maisip na palusot.

nagtataka naman niya akong tiningnan.

"So kaya mo ba ako tinakbuhan dahil trip mo lang?" tumango naman ako "Ang weird mo naman." 

kunot noo nitong sabi.

"Ano bang kailangan mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya, Nakakapagtaka lang kasi.

sumeryuso naman ang mukha niya.

"Gusto ko lang sabihin na tigilan mo na si Camille, please lang." sabi niya habang nakatingin sa akin.

tumango naman ako. "Oo titigilan ko na sya, atsaka pwede bang ituring niyo na lang akong parang hindi niyo ko kilala, " deritsyahang sabi ko. nagtataka naman itong tumingin sa akin.

Alam kung magtataka siya pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito.

"Bakit?"

umiwas ako ng tingin at yumuko.

"Basta hindi mo na kailangang malaman." sabi ko at dumukdok na sa arm chest ng upuan, ayuko na siyang makausap pa.

pansin kong nakatayo pa rin siya pero umalis din kalaunan.

Napabuntong hininga na lang ako. Sigurado namang gagawin niya yung sinabi ko, dahil alam kong ayaw niya sa akin, kaya lang nakakapagtaka dahil inakbayan niya ako.

Alam kong playboy siya kaya dapat alam ko na gagawin niya sa akin yun, pero hindi niya naman yun ginagawa kay Mariane.

Napahawak naman ako sa noo ko dahil naguguluhan ako.


Napatingin ako sa katabi kong nerd. Gusto ko talaga siyang maging kaibigan.

dahil sa dati kong buhay, may mga kaibigan ako pero puro mga lalake. Hindi ako mahilig makipagkaibigan sa babae,ewan basta ayuko lang.

kaya minsan nasasabihan akong tomboy, dahil na rin sa parang lalaki ako manamit. Lagi ko kasing suot dati oversized t-shirt na large ang size o di kaya mga jacket na may hood.


katulad ngayon, naka hood ako tapos medyo fitted na pantalon. kaya karamihan sa mga nakakita sa akin nagtataka dahil nagsuot ako nito eh ang init init tapos alam nilang hindi nagsusuot si Mariane ng ganitong damit dahil ang karaniwan niyang suot ay, croptop at maliliit na shorts.

Nabalik ako sa ulirat ng may kumalabit sa akin, kaya napatingin ako sa kanya. si nerd lang pala. nerd ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko alam kung ano ang pangalan niya.

"Uhhm bakit kanina mo pa ako tinititigan Ms. Mariane?" nahihiya nitong saad at may bahid din ng takot boses dahil kilala si Mariane sa pagiging bully.

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELWhere stories live. Discover now