ENCOUNTER

10 4 0
                                    

March 5, 2023

Are you my future self? I noticed that we have the same penmanship. That is why Parallel Universe pops up in my mind. If you are really my future self, maybe you can help me since I have been struggling with Amber because I really don't understand her. Siguro warning sakin to na may mangyayaring hindi maganda kay Amber sa future. Because the way you wrote these lines are painful I saw the tear stains on this paper. Please give me an insight kung anong mangyayari sa kanya after 10 years for me and us to take action.

*Past Aero's POV*

Today is the day we will celebrate our 2nd anniversary and I can't wait for it. Pumunta ako sa kusina para mag prepare ng foods na dadalahin ko sa mini park mamaya. That place was our favorite, mapuno kase at hindi masyadong mainit. Ramdam mo ang malamig na simoy ng hangin na dadampi sa mga balat mo.

I prepared some egg sandwiches at carbonara na paboritong kainin ni Amber and also the pens and stationary papers kase mahilig kami magsulat ng letter tapos iiwanan namin sa slide. It was 4 pm in the afternoon nang pumunta na ako sa mini park. Natatanaw ko na ang mini park at wala pang Amber ang nandoon.

Himala naman, nauna yata ako. Lagi kase akong late eh sya naman ngayon itong late.

Habang hinihintay ko makarating si Amber, inilatag ko na yung red sheet para maupuan mamaya. Suddenly I saw something attractive sa ilalim ng slide and it was a color blue envelope. Halatang halata na bago pa ito at kakaiba ang disenyo. Muli akong nagtaka dahil wala pa namang ganitong klase ng disenyo na envelope ang ibinibenta dito kadalasan kase mga plain lang ngunit ito ay may kakaibang mga patterns. Agad kong binuksan ang laman nito para mabasa kung ano ang nakalagay ngunit laking gulat ko sa aking nakita na date.

2033!? How the hell, 10 years from now?

March 20, 2033

I really miss you. Please come back to me Amber. I really can't accept the fact that you're gone. I really regret those days that I left you I still love you Amber I'm sorry.

Pagkatapos ko itong mabasa hindi ako makapaniwala. Naiwan akong tulala at nag iba ang pakiramdam ko. Noon pa ma'y naniniwala na ako sa pagkakaroon ng parallel universe. Is this a warning? What happened to Amber in 10 years in the future? Kinikilabutan ako sa mga naiisip ko. Agad akong kumuha ng papel at sumulat doon.

Mamaya ko na siguro ilalagay sa slide pagsapit ng kinagabihan.

Maya-maya pa ay dumating na si Amber, parang hinihingal ito at tila ba ay nababalisa. Napansin ko din ang konting galos at pasa nya sa kanyang mga braso maski sa kanyang mukha kakakitaan din tio ng kalmot sa bandang pisngi.

"What happened to you amber?!" pag aalala ko.

"N-nothing happened. Here it is my gift fo you" sabay abot sakin nung teddy bear nang parang walang nagyare sa kanya. Kinuha ko iyon ngunit nakatingin pa din ako sa kanya.

Muli ko na naming naalala yung sulat na nabasa ko kanina tungkol sa future ni Amber. Kaya hindi ako tumigil kakatanong kung ano ba talaga ang nangyayare sa kanya. Bakit ang hirap nyang kausapin at palaging tulala. Minsan nagagalit pa kapag tinatawag. Pinakita ko sa kanya ang aking sinseridad na handa akong makinig sa sasabihin nya. Hinawakan ko sya sa siko tila ba naglalambing para sabihin nya sakin ang kanyang problema. Para naman itong natauhan at nagsimulang umiyak sa harapan ko.

"Come on Amber, what happened to you? To be honest, nagbabago ka bigla ng mood may nangyayare ba hmm?" pagtatanong ko.

Nakikita ko ang kagustuhan nyang magsalita ngunit nauunahan sya ng iyak kaya inalo ko na muna sya para makapagsabi ng maayos. Maya-maya pa nagsalita na sya habang may paghikbi pa ding madidinig.

Literal na nagulat ako sa nalaman ko, mas naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganito ang ugali nya. Masyadong mabigat ang pinagdadaanan nya at di talaga kaaya-ayang ginagawa sa kanya. Hindi nya nararamdamang ligtas sya sa sarili nilang tananan.

Niyakap ko sya at sinabing palagi lang akong nasa tabi nya sa ligtas sya dito. Agad kaming gumawa ng paraan para makaalis sya sa kanila. Makalipas ang ilang oras, napansin kong ang natural ng mga ngiti nya at sinabi nyang gumaan ang pakiramdam niya. Hindi ko pa nakita sa kanya yon noon. Bago kami umalis, iniwan ko sa ilalim ng slide yung ginawa kong sulat.

I will come back tomorrow to check if there is another letter...

*****

Dream Goes OnWhere stories live. Discover now