CHAPTER 1

1K 107 4
                                    

                             CHAPTER 1

KYLE’S P.O.V.

I was currently scrolling at my facebook news feed when my phone suddenly beeped. It was a message from messenger. Chat iyon ng mga kaibigan ko sa aming group chat. Pinapapunta nila ako sa tambayan namin.

“Sige pupunta ako riyan, maliligo lang ako.” Chat ko roon.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa nila. Kaagad na akong pumasok sa banyo at nagsimula nang maligo.

Matagal akong matapos maligo. Inaabot ako ng isang oras kakaligo. Minsan inaabot pa ng dalawang oras. Ang bagal ko raw kumilos, hindi naman iyon totoo sadyang matagal lang talaga akong matapos maligo dahil masarap sa pakiramdam kapag nakababad sa tubig.

After one hour, nakatapos din akong maligo. Itinapis ko ang tuwalya sa ibabang parte ng aking katawan bago lumabas ng banyo. Nang makalabas na ako ay kaagad kong tinungo ang aking kabinet at naghanap ng damit na isusuot. Simpleng black t-shirt lang ang kinuha ko at gray na cotton short. Kahit ano namang suotin ko ay babagay sa 'kin iyon, ang g’wapo ko eh.

Binuksan ko ang pocket wi-fi ko at pagkatapos ay ikinonek ang cellphone ko.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng messenger ay agad na dinumog ang cellphone ko ng notifications na tanging mga chat lang naman ng mga kaibigan ko. I opened it and read their messages. Nakita kong karamihan sa message nila ay sinasabi na ang tagal ko raw maligo. Baka raw kinain na ako ng banyo o kaya naman ay nahulog sa bowl.

Ang mga lalaki ko namang kaibigan ang mga mensahe ay baka raw nagparaos pa ako. Hindi naman ako inosente para hindi maintindihan ang ibig nilang sabihin. Oo, nagpaparaos ako pero once a month lang at every first week of the month, pero isang beses lang. Basta every first week of the month. it's either Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday, Friday or Saturday minsan Sunday.

“MGA GAGO!” Chat ko sa group chat namin. Naka-capslock para dama.

Kaagad na akong lumabas ng k’warto ko. Ako na lang ang tao sa bahay. Si Papa baka nasa bukid na, nagpapa-ani ng tanim naming palay. Sigurado akong nasa tsismisan si Mama. Tsismosa mga kaibigan no’n ehh. Mga nanay rin ng mga kaibigan kong parang mga takas mental.

Malapit lang naman ang tambayan naming magkakaibigan sa bahay namin kaya kaagad din akong nakarating doon.

“Oh ayan na si Kyle,” rinig kong sabi ni Angel—ang pinakabata sa ‘ming magkakaibigan.

“Musta pagpaparaos?”

“Akala namin nalunod ka na sa bowl.”

“Hindi naman pala nilunok ng banyo.”

“Ang tagal maligo parang hindi lalaki e.”

“Buti lumabas ka pa ng banyo.”

“Naka ilang labas, Kyle?”

“HAHAHAHAHAHAHA!”

“MGA ULOL!” bulyaw ko.

Ang lalakas talaga ng trip ng mga depungal na ito. Buti sanay na ako sa mga kaibigan kong 'to.

“Bakit niyo ba ako pinapunta rito?” tanong ko na bakas ang pagkairita sa tono.

Naalala ko kung bakit ako nandito, may sasabihin nga pala sila sa akin.

“Hmmm... alam mo ‘yong RPW o Role Player World?” tanong ni Wilbert—kaibigan namin na masyadong berde ang isipan.

“Hindi. Bakit anong meron dyan?” tanong ko na nagsisimula nang kainin ng kyuryusidad.

“RPW or Role Player World-a faked world. Kailangan mo lang gumawa ng account na pang role play. You can use different names, information and etcetera. P’wede kang gumamit ng artista as your portrayer. P’wedeng korean celebrities, filipino celebrities, american celebrities. Kahit anong port, p’wede rin anime. The rules is no op related, that's the golden rule. Bawal mo ipagkalat ang original picture mo.

Meeting You In RPWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon