Chapter 7: Perks of being a Vampire's Girlfriend

31 0 0
                                    

GENERAL POV

Isang buwan na at sa wakas ay okay na sina Vice at K. Pinatawad na ng babae si Vice, mas nangibabaw daw ang pagmamahal nya dito kesa sa galit, yun ang sinabi nya kay Anne. Panay kanchaw naman ang huli sa kanya.

Walang masyadong gawain si Vice sa office kaya nandito sya ngayon sa Coco's Heart. Hindi nya pinaalam kay K para daw surprise para sa dalaga. Hindi kasi sila masyadong nakakalabas dahil sa sobrang busy. Nakakapag date lang sila kapag dinadalaw ni Vice si K sa condo nito ganun din si K na pumupunta lang sa condo ni Vice. Isa din sa mga rason ay palaging dinudumog lalong lalo na ng mga kababaihan si Vice kapag nasa labas ito.


"Mr. Viceral?????",nagulat si Vhong ng malamang si Vice ang kukunan nya ng order. Nagwaiter kasi sya dahil may sakit ang isa sa mga waiters nila at pinag leave muna ito ni K hanggang gumaling

"Ssssshhhh",pinatahimik naman ni Vice si Vhong dahil medyo napalakas ang boses nito. Mabuti nalang ay wala pang masyadong tao dahil 9am palang ay halos nasa trabaho ang lahat


"Aaayy sorry. Alam ba ni Karina na nandito ka",paumanhin ni Vhong


"Hindi eh. Susurpresahin ko sana kasi sya",Vice answered


"Ay sigurado akong matutuwa yun. Nakwento sa'kin ni Anne na madalas daw yung napapaso kapag nagluluto sa kusina, nung tinanong nya sabi nya bakit pa daw sya nagtatampo sayo eh nakakamiss ka daw",kwento nya



"Talaga ba",amused na tanong ni Vice




"Oo. O sige puntahan ko lang ah",paalam ni Vhong




"Go ahead"







"Bruh, may bagong costumer na dumating",pinuntahan naman ni Vhong si Karina sa kanyang office

"Oh eh anong ginagawa mo dito. Di ba dapat inaasikaso mo sya",aray naman bruh! Komento ni Vhong sa kanyang isip.

Ganito talaga si Karina trabaho kahit na kaibigan nya pa ang nagkamali ay napapagalitan talaga kapag kailangan


"Eh gusto nya daw kasi na ikaw ang magserve sa kanya. Ayaw nya sa iba o sa'kin. Eh pinagmamayabang daw sa kanya ng mga kaibigan ang steaks natin at gusto nya makilala ang may ari ng Coco's",sorry bruh pero para sa'yo naman din toh


"Ha?",nagtatakang komento ni Karina


"Sige na. Eh mukhang maimpluwensya pa naman yun sayang din baka irekomenda tayo sa mga kakilala nya",sorry talaga bruh alabyou


Wala naman nagawa si Karina kundi tumayo at sumunod nalang kay Vhong.



Iginiya ni Vhong si Karina sa bandang sulok ng restau. Nagulat naman si Karina ng makita si Vlad na nakaupo sa isang two-seater table. Kunot noo nyang binalingan si Vhong.


"Sorry Bruh, sabi nya kasi gusto ka nyang surpresahin";nag peace sign naman si Vhong sa kaibigan


"Bruh! Pakikuha yung black bottle ng wine dun sa office ko dali",hindi naman na pinansin ni Karina ang paghinggi ng sorry ng kaibigan at excited nalang itong inutusan


"At pakisabi pala kay Anne paluto ng favorite carbonara ko, please. Paki dalian",



"Eto na. Eto na"


"Naku baka matapilok si Vhong sa pagmamadali mo",natatawang komento ni Vladimir sa kanyang kasintahan ng makaalis na si Vhong


"Namiss kita eh",seryosong saad ni Karina at hinawakan ang kamay ng nobyo. Iba sa ibang manliligaw nya dati, nang hawakan nya ang kamay ng nobyo ay doon nya naalala ang totoo nitong pagkatao, malamig ang kamay nito - nagpapaalalang isa syang bampira


Unforgetful Heart (ViceRylle Vampire Story)Where stories live. Discover now