Chapter 11 - Isla del Fuego

16 0 0
                                    

GENERAL POV

"Totoo ba ang sinabi ni Kath, may nakita ka raw sulat mula kay Helena", Adela curiously asked. Kasalukuyan silang nasa Coco's ngayon at kumakain

"Actually its from my mother written for us, her children. Pero may parte ng sulat na para sa inyo... Wait, I don't see her, where's Ms. Kat", Karina replied

"She can't come dahil may inaasikaso syang kasal but she said that wherever this letter will lead us ay dadating sya", Adela answered

"Okay"

"So the letter? May we know what's inside", tanong ni Althea

"Yah. Of course",Karina begun to read

Para sa aking anak,

Kung nababasa mo ito ngayon marahil ay wala na ako sa mundong ibabaw. Patawarin mo ako kung kapag ika'y nagtatanong kung nasaan ang iyong Abuela ay hindi kita masagot. Dahil simula nang ako'y lumisan sa amin ay hindi ko na s'ya kailan man nakita pa. Dahil sa kagustuhan kong maging independente at mabuhay ng hindi sinusunod ang mga patakaran ng mga Curadoras ay lumayo ako sa kanila.

Sana'y mapatawad mo ako sa aking mga kasalanan, anak. Mahal na mahal kita.

Para sa aking inapo,

Sana'y maging leksyon sa iyo ang aking mga nagawa. Huwag  mo akong gagayahin, iniwan ko ang aking ina para sa aking pansariling kagustuhan. Huwag na huwag mong iiwan ang iyong ina at alagaan mo siya habang ikaw ay may hininga pa.

May hihingin sana akong pabor sa iyo, ito'y suntok sa buwan lamang pero kung papayagan ng tadhanang makikita mo ang aking mga kapatid, ang mga Curadoras ay nais kung iparating mo sa kanila ang aking paghinggi ng tawad sa pagtalikod sa kanilang lipi. (Kalakip ng sulat na ito ang kanilang larawan).

Para sa aking mga kapatid,

Patawarin nyo sana ako sa aking nagawang pang-iiwan sa ating lipi. Alam kong nasaktan ko kayo sa aking pang-iiwan kaya't uulitin ko, patawad.

Kung makita nyo man ang aking inapo ay hindi ko kayo pipigilang hikayatin sya para sumama sa inyo. Ngunit nasa sa kanya parin ang disesyon kung magiging isa syang Curadora.

Isla del Fuego doon makikita ang pinagmulan ng Kapangyarihan ng aming pamilya. Nabanggit ito minsan ni ina sa akin noon Kaya't naalala ko pa.

Nagmamahal,

Olga

"Sa pagkakaalam ko, Siquijor is also called Isla del Fuego", Coleen commented

"well it is said that the first sighting of an immortal being specifically a Vampire was at Siquijor. Kaya narin siguro sa lugar na yun maraming kwento ng kababalaghan at marami ring nagbebenta ng pangontra sa mga elemento", Kaye added

"Bruh, naalala ko, may narinig ako dati habang nag-uusap si lolo at ang lolo mo na may bahay kayo sa Siquijor. Baka nandun yung sinasabi ng lola mo na susi", Vhong said

"well, why don't we check it eh total weekend naman at holiday pa sa Monday. Give your people a paid day off para hindi nyo na problemahin ang restaurant", Vlad suggested

"okay sige", Karina agreed.

END OF POV






THIRD PERSON'S POV

"Karina. Mabuti at nakabalik ka dito sa atin?"

"Ahhh magandang araw ho sa inyo. Mawalang galang na po, pero sino po ba kayo. Hindi ko na po kasi kayo matandaan",nagtatakang tanong ni Karina sa babae

"Hindi mo na siguro ako naaalala sapagkat napakaliit mo pa noon. Ako nga pala si Aling Lydia",sagot ng babae

"Nice to meet you po. Ah kasama ko po pala ang boyfriend ko at ang mga kaibigan ko"

"Kinagagalak kong makilala kayo mga Iha at Iho. Oo nga pala, kumusta na ang Lolo mo",bati ng babae

"Sampung taon na po mula ng siya ay mamatay",malungkot na sagot ni Karina

"Naku ganun ba, nakikiramay ako, Iha. Napakabait pa naman ng Lolo mo. Wala kaming maayos na tirahan noon, nakiusap nga lang kami kung maaari kaming magtayo ng barong-barong katabi ng bahay ninyo at walang pag-aalinlangan syang pumayag. Noong paalis kayo para lumipat sa Maynila Ibinigay nya itong lupain nya sa amin. Ngayon eh, dahil sa sikap eto nakakaluwag luwag na kaya't heto nakapagpatayo na kami ng bahay na semento...Hindi ko naman akalaing magkakainteres ka dito sa aming lugar eh alam mo bang puno ng kababalaghan 'to",

"Ay naku huwag ho kayong mag-alala Aling Lydia, hindi ko po kukunin sa inyo ang lupa. Siguradong mumultuhin ako ng Lolo kapag binawi ko ang binigay nya sa inyo.. Napadpad po kami rito dahil May sulat po kasi si Lolo at dito po ako tinuro ng sulat na iyon. Nagbabakasakali lang ako kung may naiwan pa siyang gamit dito May ipinapahanap po kasi sya sa akin eh",tanong ni Karina

"Puntahan mo nalang dun sa luma nyong bahay, ayun oh *turo*, gusto sana naming linis-linisin eh kaso hindi naman namin mabuksan", sagot ng Ale

"Naku salamat po, sige po puntahan lang po namin",sagot ni Karina






 "check for everything, letters, pictures, inscriptions, etc.", Vlad instructed

"Kopya, brad",

After almost three hours na paghahanap Sa wakas may nakita silang parang mapa. Well tumagal ito dahil sinabay narin nila ang paglilinis sa bahay.

"Saan naman kaya natin to mahahanap tong lugar na to", Anne said

"I think its a 6-hour ride from here if we commute, but if we use the van, it'll take us well 3-4 hours",pagse-share ni Sam

"You've been there, 'couz",Kaye asked

"Well, not in the exact place pero I've met some residents from there nung may inasikaso ako for Milby Malls",

"Oh"






"Iba rin tong Lola mo Karina, sa tatlong magkaibang lugar pa talaga iniwan ang mga clues. Andito lang pala 'to", kunsuming saad ni Vhong after a 4-hour drive from the hotel to an old but strong cave

"Sorry, bruh"

"Well that's how the ancients do to keep their Treasure safe. Even their trusted companions know only bits of the clues", Billy explained

END OF POV

END OF CHAPTER

~

A/N: I'm sorry for the very looooooong overdue update. Medyo nawala na kasi sa isip ko eh.. but here it is. Thanks for the continued support. This will be ending soon. Thanks. Love you all 💚💚💛💛

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unforgetful Heart (ViceRylle Vampire Story)Where stories live. Discover now