PANIMULA

129 8 0
                                    

(POETIC TEASER)


Panimula

You are one week pregnant," parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa akin ang sinabi ng doctor.

Naasa harapan ako ng bahay ng boyfriend ko. Mag-iisang oras na. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko at litong-lito sa dapat gawin. Shit! This is not happening!

Ano ba itong pinasok mo, Hailey Monfero!

"Kaya ko 'to..." bulong ko at sinubukang kumatok pero muling nawalan ng lakas at napaatras.

I am scared... What if Liam, my boyfriend, deny my pregnancy? Para akong baliw kakaisip. Wala pang nakakaalam ng tungkol dito bukod sa akin. At bakit ako pumunta ng doctor? Sinamahan ko ang kaibigan ko para magpacheck-up at suddenly, bigla akong nakaramdam ng nahilo. At paggising ko... Great! Buntis ako!

It's been a week since I attended a debut party. I am not aware of what really happened... All I can remember is the loud music accompanied by loud shouts from different peoples. Then I got drunk and so on...

GOODNESS! I WAS IMPREGNANT WITH A STRANGER?

No! It was my boyfriend! I'm with him the whole time! I can't be mistaken.

Sa sobrang frustration na nararamdaman ay nagawa kong kumatok nang dalawang beses.

"Liam?" Kumatok ako ulit.

Bumukas ang pinto. Iritadong mukha ni Tita Eloisa—mommy ni Liam ko— ang sumalubong sa akin na napalitan din agad ng pag-aalala pagkakita sa akin. Yumakap ako at nagbeso kay Tita.

"Iha... What happened? Bakit ganiyan ang histura mo?!"

I am very well sure I looked like a mess. Pagod akong ngumiti kay Tita saka sumilip sa loob ng bahay.

"Si Liam po... Nasaan siya?"

Ginabayan niya ako pagpasok sa loob ng bahay at nagpatianod naman ako. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba. Liam's hot-headed and aggressive. He'll get mad once he see me hear, but I don't care. He deserves to know immediately.

"Liam! Bumaba ka diyan!" sigaw ni Tita Eloisa at nagmamadaling umakyat papunta sa taas ng hagdan.

Liam's sister, who's now sitting next to me, looked away, distracting herself with her phone.

"Anong ginagawa mo na naman dito?!" Si Liam na mabilis naglalakad pababa ng hagdan.

His eyebrows were furrowed, getting pissed. Nakasuot lang siya ng itim na sando at shorts. It's his usual wear when he's busy playing online games. Kaya galit na galit ngayon dahil naabala ko. Mabibigat ang hakbang niya palapit sa akin.

"Liam! That's rude!" Tita Eloisa warned him.

Tumayo agad ako at inayos ang sarili. Wala akong pakialam kung badtrip ka, Liam. Ang importante, masabi ko sa 'yo agad ang bad news! Matapang ko siyang hinila papunta sa kanilang kitchen. Ayaw pang magpahila pero dahil determinado ako, wala ring nagawa..I made sure that no one would follow us. Naiwan si Tita Eloisa sa sala na nakatunganga sa amin.

"U-Uh Liam..."

Bakas ang pagkairita sa mukha niya. Wala pa man ay gumuguho na ang mundo ko. Magagalit siya sa akin.

"Ano ba?!" inis niyang tanong.

Umamba akong magsasalita pero hindi ko maituloy. Shit. Bakit ngayon pa ako nawalan ng boses? Gusto kong umatras!

Our Love Started with Lies Where stories live. Discover now