KABANATA 6

50 5 0
                                    

Hailey Monfero

Name: Andrix Kai Elyazer
Age: 23
Course: 4th year college taking Bachelor of Science in Architecture

Kai... Sounds girly. Pero si Andrix 'yon, kahit anong pangalan ay hindi kabawasan sa pagiging guwapo at hot niya. Halimaw kaya 'yon!

I read the first page. Narito ang mga detalye tungkol kay Andrix pero hindi lahat, talagang limitado pa rin

His family own a huge company. Nag-m-manage ang pamilya niya ng mahigit limampung branches ng Starbucks at kung hindi ako nagkakamali ay mayroon din sila sa ibang bansa.

Kahit noon pa sa Maynila, babaero na talaga siya based sa research ng kaibigan ko. Sa isang araw ay hindi mabilang kung ilan ang mga babaeng nakakasama niya. He's a damn womanizer. Hindi man lang niya pinaabot ng three months bago magpalit ng babae! What am I expecting? Nakilala ko siya nang ganoon. Oo, entertaining siya pero iyon ay dahil playboy siya. He knows his way to a girl's heart.

Baka may aids na 'to, ah?

Nakatira siya ngayon sa mansyon ng auntie niya dahil bumagsak daw si Andrix sa UST na pinapasukan niya sa Maynila. Shakira doesn’t know the real reason why he had to move here. Maybe... his parents got mad? Kung ako naglayas, baka siya naman ay pinalayas?

Pero hindi biro 'yon, ang yaman nila. Maybe, he's a brat.

"Alam mo, bes, babaero lang talaga 'yan si Andrix," maya-maya'y sabi ni Shakira sa tabi ko. Kinuha niya na ang iPad sa kamay ko. "Pero, narinig ko 'yong mga gossip sa kapitbahay nila no'ng makapasyal ako."

"What? Y-You went there? Bakit?!" gulat na tanong ko.

Ngumiti siya siya bago sumagot, "Nagtanong-tanong ako about sa kaniya." Nagtaas-baba ang magkabila niyang mga kilay. "Napagkamalan pa nga akong babae niya. Duh? Sa ganda kong 'to? Syempre do'n ako sa matino. Mas red pa kaya sa red flag 'yang Andrix mo."

I rolled my eyes when she suddenly laughed to tease me.

"Isa sa mga pinagtanungan ko 'yong ale sa tapat mismo ng house nila. Alam mo ba kung ano ang isinagot niya sa akin?"

"Hindi. Just tell it right away," I said, irritatedly. Naiinip na ako sa pagpapasikot-sikot niya.

"Layuan ko raw si Andrix at huwag ako magkakamaling magbalak lumapit sa kaniya." Sumandal siya sa headboard sabay dampot ng isang junk food para kainin. Umiwas ako ng tingin para hindi matakam. "Kasi... Sira ang buhay niya at walang pag-asa. Baka nga raw bumalik ulit siya ng 4th year kasi imbes na pag-aaral, babae ang inuuna niya."

Hindi ako nakapagsalita. If his life was ruined... He probably no different with Liam. Baka kagaya ng ex ko, takot din siya sa responsibilidad. He will not accept me and may even push me away. Nagdalawang-isip tuloy ako kung tama bang sa kaniya ako lumapit.

Hindi niya rin gusto Ang responsibilidad.

Kaya bakit nga ba siya ang napili namin?

Bakit sa isang lalaking gaya niya pa?

Frustrated kong hinilamos ang mukha ko at huminga nang malalim. I looked at Shakira to ask but I caught her frowning while watching me. Para bang weird na naman ako.

"May problema?" she asked, confused.

Umayos ako ng upo at tuluyang humarap sa kaniya. "Nag-iisip lang. I think, we can't trust Andrix. Hindi kaya violent din siya like Liam? Baka bugbugin ako no'n dahil sa pinaggagawa natin, ha?"

May nabasa pa ako kanina sa iPad niya na rude at walang modo ang ugali ni Andrix, which is weird. He's not like that when we met that night. He's approachable and easy person. He knows how to apologize, too. Kaya hindi ko alam kung paano naging masama ang ugali niya.

Our Love Started with Lies Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon