Chapter 1

32 3 0
                                    

Third Person POV

"Pa bakit kailangan nyo pa syang pabalikin dito sa probinsya? Masaya na sya dun diba nakalimutan na nya ang nakaraan." Tanong ko sa aking papa na ngayon ay nakatulala at malalim ang iniisip. Hindi ko rin alam kung bakit pumayag si mama sa kagustuhan ni papa. Nakakainis!!

"Sya lang ang may kakayahang pumigil sa masamang gawain ng ama nya." Napatingin ako kay mama sa sinabi nito. Wala na akong magagawa kung pilitin ko pa sila.

"Wag ka na magalala sa kanya kapag nandito na sya aalagaan at gagabayan naman natin sya dito bunso." Si kuya talaga ang kasundo ko pagdating sa seryosong usapan.

Hindi na ako umimik pa dahil wala rin naman makikinig sa akin. Lumabas ako ng mansyon at pumunta sa tinatambayan ko at pinagmamasdan ang mga taong dumadaan.

Sa pagkakaalam ng mga tao na ang probinsyang ito ay napakasaya at walang pinoproblema pero nagkakamali sila. Kung hindi nila titignan mabuti at maniniwala nalang kaagad ay pwede silang idamay ng walang pusong demonyo sa probinsyang ito.

"Nandyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Nasa malalim na pagiisip ako ng dumating ang aking kaibigan.
"Bakit mo ako hinahanap?" Tanong ko dito habang nakapikit, sanay na sya sa ganitong ugali ko kaya baliwala sa kanya kung hindi ko sya pansinin.

"Nagaalala kase ako sayo lalo na nalaman ko na kailangan nya ulit bumalik dito sa probinsya." Bumuntong hininga nalang ako dahil wala akong magawa kung di hayaan sila na ibalik ang taong matagal ng wala.

"Wala na tayong magagawa kung di sumunod at isa pa hindi natin hahayaan na maalala nya ang nakaraan, ayokong bumalik sya sa kung sino sya talaga."

Hindi na sya nagsalita pa kaya iniwan ko na sya at bumalik sa mansyon. Gusto ko nalang matulog at maghanda sa pagdating nya para may lakas ako para proteksyunan din ang kailangan protektahan.

The Secret UntoldWhere stories live. Discover now