Chapter 3

11 2 0
                                    

Layla POV

Paguwi ko sa bahay pansin ko na napakatahimik sa loob kaya agad akong pumasok at magtungo na sana sa kwarto ko ng marinig ko na naguusap sila dad at Mom. Hindi ko na pinansin kung anong pinaguusapan nila dahil tungkol sa negosyo lang yun.

Ako ang nagiisa nilang anak at hindi ko alam kung bakit ayaw na nila ng panibago siguro dahil busy sila lagi. Nagpapahinga na ako sa aking higaan at matutulog na sana pero bigla naman akong tinawag ni mom.

"Sweetie kakain na tayo lumabas kana sa kwarto mo." Agad naman akong sumunod dahil nagugutom narin ako. Ayaw kong matulog ng walang laman ang tiyan!!

Pag punta ko sa kusina naabutan ko silang seryosong naguusap pero napansin nila na dumating na ako kaya agad silang tumahimik. Weird.

"Mukhang seryoso kayo sa pinag uusapan nyo ah" biro ko sa kanila. Hindi kasi ako sanay na masyado silang seryoso.

"Layla anak pagkatapos natin kumain ay may mahalaga kaming sasabihin sayo." Si dad ang bumasag sa katahimikan at nakita ko na napatingin si mom sa kanya na parang nagaalala. Masyado sigurong importante ang sasabihin sa akin kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko hindi ko alam kung bakit.

Natapos na nga kami sa pagkain na walang ni isa ang nagingay. At ito na ang iniintay ko, hindi ako mapakali kanina pa dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ni dad.

"Anak"

Nabitawan ko ang baso kaya nahulog ito sa mesa at nabasag pero ndi ako kumilos. Bakit ang pagkakasabi sa akin ni dad na anak ay parang narinig kona kung saan pero hindi ko alam kung kailan. Kahit kinakabahan ay tumingin ako kay dad at ngumiti.

"Ayos kalang ba? Buti at hindi ka nasugatan." Sabi ni mama sa akin na nakatingin sa kamay ko.

"Sorry mom, dad. May naalala lang ako kaya nabitawan ko ang baso."

"Btw, hindi na ako mag papaligoy ligoy pa layla." Kung kanina ay kinakabahan lang ako, ngayon ay halos mabutas na ang dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng aking puso.

"A-ano po iyon dad please wag nyo na akong bitinin pa dahil kinakabahan ako." Sabi ko sa kanila ng deretso, totoo naman kasi.

"Kailangan na natin lumipat sa ating probinsya anak at dun mo na ipagpapatuloy ang pagaaral mo tutal ay dalawang taon nalang ay matatapos ka na din sa pagaaral." Nagtaka naman ako dahil kahit kaylan ay hindi ko pa narinig mula sa kanila ang probinsya na sinasabi nila. Magtatanong pa sana ako pero hindi ko na ginawa.

Natapos ang gabing iyon ng katahimikan, kailangan ko na magpahinga.

The Secret UntoldWhere stories live. Discover now